Chapter Two

34 1 0
                                    

Keith.

Gumising ako ng maaga ngayon. 7am pa ang class pero 5am palang gising na ako. Mabagal kasi ako kumilos kaya kailangan kong maging maaga. Isa pa, para makapagbasa din ako. Naligo na ako at naghanda ng baon ko. Sandwich lang okay na ako. Nagpaalam ako kay Kuya at Mama bago ako umalis.

"Ingat ka, anak. Goodluck on your first day." Nginitian ko si mama tsaka umalis.

-
Pagkarating ko sa school, dumiretso ako sa classroom. Ako lang ang mag isa kaya saktong time 'to para magbasa. Hindi ko natapos yung kagabi eh. Wala pang 10 minuto, may dumating akong isang kaklase hanggang sa naging labing lima na kami pagkalipas ng 30 minutos. Tinuloy ko lang ang pagbabasa ko nang may marinig akong nagtitilian. Oh, common na sa akin 'yan.

"Trevor, notice me please."

"Trevor, you are so hot."

"I am deeply inlove with you Mister Trevor."

Pilit kong inaalala kung saan ko narinig yung pangalan na 'yun. Sounds familiar sa akin. I know I've heard it somewhere.

Trevor...

Trevor...

Oh, naalala ko na. Siya yung lalaking nasa park. Yung mayabang at assuming? Tiningnan ko kaagad yung mga nagtitiliang babae sa labas.

"Trevor, Calvin, Red!!! Kyaaaah, Why so gwapo?"

"Dauntless!!"

"Calvin, marry me."

Yan yung mga naririnig ko. Natanaw ko yung lalaking nasa park na naglalakad kaya bumalik ako ulit sa upuan ko. Baka makita pa niya ako at sabihing isa ako sa mga mahaharot na babaeng 'to. Nakasilip ako sa bintana sa kanilang tatlo, sila pala yung tinatawag na Dauntless. Naririnig ko na yan simula pagpasok ko dito eh. Ano namang meron sa kanila? Tss.

Naglalakad sila papunta sa direksyon ng mga babaeng nagtitilian. Halos lahat sila ay mga kinikilig at pulang pula na ang mukha. Nakita kong kumindat yung lalaking nasa kanan ni Trevor. Yung isa naman, nakapoker face lang at hindi pinapansin yung mga tao sa paligid niya. Si Trevor, pangiti ngiti. Akala mo artista eh, hindi naman.

Papaalis na sana sila nang harangin sila ng isang babaeng na ginawang coloring book ang kanyang mukha ang lumapit kila Trevor.

"Hi Trevor, I'm Erich." Inabot ng babae ang kanyang kamay na tila nakikipagshake hands pero tiningnan lamang iyon ni Trevor.

"Travor?notice me please!" pagpupumilit ng babae na mapansin siya.

Ngumisi sa kanya si Trevor kaya ngumiti naman siya. "Get off my way. You're blocking it. I don't like to know anything about you."

"But I just wa---"

Binigyan siya ng red slip ni Trevor, Teka, anong ibig sabihin nun?

Rinig na rinig ang tawanan ng mga fangirls ng Dauntless sa kawawang babae. Lumakad palayo ang umiiyak na babae habang pinapakinggan ang sinasabi ng ibang kababaihan tungkol sa kanya.

"Masyado kasing papansin."

"Akala mo naman kung sinong maganda."

"Iba talaga pag may lakas ng loob no?"

"Malas niya kasi assumera siya eh!"

"Kiss that red slip baby."

Sinundan ko yung babaeng umiiyak at nakita ko siya sa may likod ng school. Hindi ko muna siya nilapitan pero nung mapansin kong wala pa rin syang tigil sa kakaiyak, nagpasya na akong lumapit sa kanya.

"Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo, Miss." Umupo ako sa tabi niya at nagulat sa presensya ko. "Alam mo, Hindi mo dapat hinahayaang saktan ka at hindi igalang. Learn to respect yourself. You deserved to be love." Ngumiti siya sa akin ng pilit at konti konting tumigil sa pag iyak.

"S-salamat miss, hindi naman talaga ako ganito eh." Nakikita ko nga sa kanyang mga mata na halatang hindi siya sanay sa mga pampakulay sa mukha.

Ngumiti ako,"Ako nga pala si Isabelle Sheeran. Ikaw?"

"A-ako?Si Erich Allison Styles." Nagkasundo naman kami sa maraming bagay. Sana nawala yung lungkot niya. Ayoko kasing nakakitang may umiiyak na babae nang dahil sa lalaki. Sabi nga ni Mama, Respect yourself. Wag hayaang masaktan ng sobra. Nalaman ko din na magkatabi lang yung classrooms namin kaya sabay na kaming pumunta.

"Dito na ako, Keith. Sabay tayo sa lunch huh? Salamat ulit."

Pumasok na ako sa classroom. Almost 5 minutes nalang before magstart ang klase. Madami nang tao, kanina mga 15 lang kami. Ngayon mga nasa 30 na kami. Dumating na din yung teacher namin. Inanyayahan kaming magpakilala lalo na sa katulad kong transferee. Sunod sunod kaming tinawag, It's my turn now.

"Hi, I am Isabelle Keith Sheeran. I am from Vern High School. I am glad to be---" Nagulat ako ng may nagbukas ng pinto. Hindi ko inaasahan na siya yun.

"Ikaw?!!" Napalakas yata yung pagsabi ko sa isip ko.

"Oo, ako nga Isabelle my loves. Anong problema mo?" Bumalik nalang ako sa upuan ko. May narinig akong bulungan na "Paano daw kami nagkakilala?, Saan daw kami nagkakilala?" Chismoso, chismosa these days. Naiinis ako sa lalaking 'to kasi nakakasakit na siya ng babae wala pa din siyang pakialm. Ang kapal ng mukha niya Arrrgh.

"Baka naman mabaliw ka diyan kakaisip sa akin." Biglang sumingit 'tong si Trevor. Teka, bakit nandito 'yan!? Wag mong sabihing classmate ko yan at katabi pa?

"Why are you here?" Inis kong tanong.

"Why? This is MY school." Proud at nakangiti niyang sabi.

"Buti tumagal." I rolled my eyes.

"Of course, It will. Pogi ako eh."

"Pogi? Where? I can't find it."

"You two!! Magdadaldalan na lang ba kayo diyan? You can go out now! The door is widely open." Sigaw ng teacher namin. Pahamak naman 'tong lalaki ito.

"Sorry Ma'am. I apologized for disturbing our discus---" Hinila niya ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng pinto. What the? Hindi niya pa rin binatawan ang kamay ko. Hindi ko na alam kung nasaan kami.

"Ano ba?! What the heck do you think you are doing?!!" Naiinis na ako sa kanya. Hindi niya ako sinagot kaya nanahimik nalang ako. Wala naman akong magagawa. Pag bumalik ako doon, baka sipain lang ako ng teacher namin.

"Pahamak ka talaga eh no." Sabi ko sa kanya habang nakahiga siya sa couch. Oo, may room dito na may couch. Parang VIP room 'to. Hindi na ako magtataka kasi sila ang may ari ng school na 'to. May nakita akong mukha ng mga tao sa room at nakadikit pa. Oh my god, anong gagawin niya sa akin? Papatayin niya ba ako? Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas. Paano?

"Hindi kita gagalawin diyan. Assuming. Yan yung mga nabigyan ng red slip." Red Slip? Para saan yun?

"Red Slip? It's for what?"

"For their punishment for bugging me, us." Pacool niyang sabi.

"Huh? Pero, Bakit meron si Erich nun?"

"Erich? Who's Erich?"

"Yung kanina!! Yung babae na kumausap sa'yo." I saw him smirked.

"So, you're watching me? I told you if they bug us, they will receive red slips." Wait, whaaat?

"H-huh? No, I'm not watching you. I accidentally peek on the window." defending myself.

"Denial so much? It's okay baby. I know you're one of the girls. Just like them."

"I'm far different than your girls. You don't know me."

"Yes, I do. You're Isabelle."

"Wait, how did you know my name? You're my stalker, aren't you?"

"Stalker? It's for uglies. Admirer, No. Stop assuming Isabelle."

"Then what?"

"Your boyfriend."

I'm with the DauntlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon