Chapter One

55 2 2
                                    

Keith.

Last day na ng bakasyon ngayon pero hindi ko nararamdaman na nagbakasyon. Kahapon lang nagbabasa ako at ngayon magpapasukan na. Bukod sa pagbabasa, pinagaaksayahan ko rin ng oras ang pagsusulat. Mahilig kasi akong magsulat ng tula. Doon ko kasi naiiexpress ang mga damdamin ko. Ganito man ako, ayoko ng pinapakialaman yung mga gamit ko lalo na yung scrap book ko. Laman kasi non yung pictures ko simula pagkabata hanggang ngayon pati mga tulang ginawa ko simula pa noong una.

Naisipan kong mamasyal ngayong araw dahil nga buong bakasyon lang akong nagbasa at nagsulat. Nagbihis ako ng plain white T-shirt at jeans.Sinuot ko na din yung salamin ko. Nagpaalam na din ako kay Mama na mamasyal lang ako sa mall. Hindi muna ako pumunta sa mall agad. Pumunta ako sa park dahil nakakarelax dito.

"Ang ganda talaga dito." sabi ko habang nakaupo sa bench.

"Kasing ganda mo miss." Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Wala naman akong katabi kanina ah? Dumilat ako at nakita ang isang lalaki na nakangisi.

"Sino ka?" Nakakunot ng noo kong tanong.

"Bakit? Interesado ka sa akin?" Nakangisi niyang sagot. Hindi ko makakailang gwapo nga siya pero ang yabang niya. Anong tingin niya sa akin? Easy to get? Hell, Iiyak ka muna at luluhod ka sa monggo bago ako makuha.

"Bakla ka ba?" I asked him all of a sudden.

"Me? Hahaha. Miss, masyado nang luma yang ganyang style. Kung gusto mo magpahalik, pwede naman." Baliw ba 'tong lalaking 'to?

"Assuming eh?" Ang yabang niya sobra.

"Haha. I love seeing your reaction. It makes my morning good."

"Well, I don't love seeing you and it makes my morning worst." I rolled my eyes and walks out.

"Ouch. Your words are too harsh, aren't they? Why are you leaving suddenly?" He grabbed my wrist before I walks out. Hinila ko ng kamay ko sa kanya.

"Don't you dare to touch me Mister Whatsoever. I need to leave because I wasted my time on a freaking stranger. I am supposed to be relaxing here but you ruined it."

"I do? Girls do love seeing my face. It complete their day. So denial huh?"

"Whatever. I won't waste my time on you."

"I'm Trevor, call me Trev. We're not stranger now. I'm looking forward to see you soon, Isabelle." I am shocked, really I am. Paano niya ako nakilala? Bago ko pa siya matanong ay para siyang naglahong parang bula. Nasaan na kaya 'yun? Trevor? Geez. So creepy. Makapasyal na nga lang sa mall.

Namasyal ako sa mall para na din makalimutan yung lalaking yun. Nagtingin tingin muna akong ng libro. Madaming bago ngayong libro, nakakatuwa. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng madaming gadgets ngayon, marami pa ring nagbabasa sa libro. Mas madami ka kayang matutunan sa libro. Lalawak pa vocabulary mo. Pagkatapos kong magtingin tingin sa libro, nanuod ako ng sine. Oo, mag isa akong nanuod ng sine. Boring? Sort of but I'm used to it. Hindi na ako nagtagal pagtapos nun at umuwi na ako.

Mag gagabi na ng makarating ako sa bahay namin. Naabutan ko si Mama na nagluluto ng pabiritong kong ulam na Chicken Curry.

"Ma, Nandito na po ako. Tulungan ko na po kayo diyan." Nagmano ako at hinalikan ang kamay ni Mama.

"Oh, nandiyan ka na pala anak. Sige, eto hiwain mo yung carrots." Kinuha ko yung sangkalan at naghiwa ng carrots.

"Anak, pasukan niyo na pala bukas. Magfofourth year ka na."

"Ang bilis nga po ng panahon Ma. Dati, gustong gusto ko maghighschool ngayon isang year nalang magtatapos na ako."

"Anak, hindi man tayo sobrang yaman. Tandaan mo ang lagi kong bilin sa'yo."

"No one can buy your respect to yourself, you have to earned and worked hard for it." Sabay naming sabi. Natawa nalang kami ni Mama sa ginawa namin. Close talaga kami ni Mama dahil siya yung laging nandito. Si Papa kasi nasa trabaho lagi kaya hindi kami masyadong close. Naiintindihan ko naman yung side ni Papa. Kailangan at para sa amin din naman yun. Pag may time naman siya, nakakausap at nakakasama namin siya.

"I love you Ma." Alam kong mapapangiti ko si mama nang dahil doon.

"I love you to the fullest my unica hija. Oh, sige umupo ka na doon. Wala pa ba yung kuya mo?"

"Wala pa po. Baka pauwi na po 'yon. Tatawagan ko nalang po." Tinawagan ko si kuya. Gagabihin pa daw siya dahil may lakad daw siya kasama yung girlfriend niya. Matagal na din sila 'nun. Hindi ba sila nanawa? Ako nanawa sa kanila eh. Tinext ko na din si papa na kakain na kami pero hindi siya nagreply. Hinanda ko na yung mga plato, baso, kutsara at inumin.

"Oh, anong sabi ng kuya mo?" Nakangiting tanong sa akin ni Mama.

"Mamaya pa daw po siya. Kasama niya pa po si Athena. Tinext ko na din po si Papa pero hindi po nagreply. Kain na po tayo?"

"Sige, anak." Kumain kaming dalawa ni mama. Marami ring tanong si mama about sa akin. Like mga books na binabasa ko, crushes, lovelife, social life, yung banda namin and etc. Natapos kaming kumain ni Mama kaya pinagpahinga ko na siya sa kwarto niya. Ako na ang naghugas ng pinggan. Nagbasa nalang ako dahil antagal ni kuyang dumating. Narinig kong bumukas ang pintuan pagkalipas ng dalawang oras. Dalawang oras na pala akong nagbabasa? Ang bilis naman.

"Kuya, may pagkain doon. Tinirhan ka namin." Nakita kong pumasok siya at tinatanggal yung sapatos niya.

"Tulog na si mama?" Tanong niya.

"Opo kuya. Matutulog na din po ako kasi 11:45 pm na." Nakangiti kong sagot. Umakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Hindi na kaya ng mata ko, pumipikit pikit na eh.

Biglang nalang pumasok sa isip ko yung lalaki sa park kanina. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Magkakilala ba kami? Bakit hindi ko matandaan? Aiiish. Sumasakit ulo ko kakaisip diyan. Makatulog na nga lang.

I'm with the DauntlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon