October 23, 20**
Canmore, Alberta
Ako si Raine.
Nandito ako sa Canada ngayon.
Well, 6th day ko na dito. 1 day nalang uuwi na ako.
Ang ganda dito. *O*
kaya siguro di na siya bumalik.
Napakapeaceful ng paligid. Mararamdaman mo yung feeling na parang ayaw mo na umalis.
kaya siguro sumuko. kaya siguro tumigil. kaya siguro umayaw.
Naglalakad-lakad ako kasi may hinahanap talaga ako. Baka sakali kasing makita ko dito. 6 days na ako naghahanap kaso di ko talaga makita.
Nasabi ko na ba sainyo na 17 palang ako? Oo. Nagbakasyon ako kahit na tutol ang magulang ko.
Ayan nanaman. Ang sakit nanaman.
Pero di muna ako uuwi. Dapat ko talaga makita eh. Magbibirthday na kasi ako bukas. Wala lang, Last birthday gift ko na sa sarili ko. At sure ako, it’ll be the best gift na makukuha ko.
Lord, kahit saglit lang please. Makita ko n asana. Last day ko na eh.
10PM na…
Ano na ba? Ititigil ko na ba to?
“Psssh. Sayang naman kung di ko makikita”
Makauwi na nga. Dahil sa inis ko sinipa ko yung maliit na bato dun sa daan.
“ARAY KO NAMAN!!!”
HALA!! >.< May natamaan. Di ko sya makita. Ang dilim. Malabo paningin ko pagdating sa dilim. Pero feel ko kilala ko siya..
“Sorry. I didn’t mean to do that.”
“Okay. Fine. Just don’t do that again.”
TEKAAA!!
Ano nga sabi niya kanina??
“ARAY KO NAMAN!!!”
“ARAY KO NAMAN!!!”
“ARAY KO NAMAN!!!”
“Pinoy ka po ba?”
“oo. ikaw din? Haha. Umuwi ka na sa Pilipinas. I swear you’ll gonna miss the people back there.”
Pagkasabi niya nun… may narinig ako. Humikbi siya.. Naiyak ba sya?!
“Ahm.. Okay ka lang? Sir, di kita makita..madilim kasi dito.”
“Ok lang ako. Ganito lang talaga ako. Bakit ka ba nandito? Gabi na ah.”
“Ah wala. May hinahanap lang ako.”
“Hahaha. Alam mo.. may kaboses ka. Pwede ba kita kwentuhan? Nalulungkot lang kasi ako”
“Sge. Tutal, last day ko na dito at wala pa kong new friends.”
“Tara sa park.”