Disorder

243 14 5
                                    

Author: thrinine_blue
Critic: rainbowbleed


Book Cover
- MysteryThriller story. Lakas makahatak yung darker shade aura na sinamahan ng torqoiuse blue (not sure basta nasa linya ng kulay asul) na common sa ganitong genre ang matching colors na ito. The title itself place on the head of a woman is very interesting part. Its like it is a cron which means it is entitled to the person who has it. It is essential to the curiousity of a reader already.

Title
- ''Disorder" ang titulo ng storya. Kung hindi magsasaliksik ang mambabasa, maiisip kaagad ay tungkol sa pang-ospital na termino na 'mental disorder' ngunit isang salita lamang ito na maraming kahulugan  kaya't mahalaga na kahit dito iikot ang storya mo dapat iisa lang ang dulo na may iisang pagkahulugan sayo at sa mambabasa mo. Dito pa lang may iniiwan kana ng tanong o kaisipan sa mambabasa.

Blurb
- Simple, short and kinda intriguing.
- yung last sentence: " It was not the disorder which leads her on to killing her schoolmates and her own father" tila isang tanong na alinsunod sa genre at storya.

Prologue
- Mahigsi lamang pero malaman. Purong Filipino ang lenggwahe ang namamayani dito pa lang. Maiihantulad yung pamamaraan mo ng pagkwento kay BinibiningMia.
-  The setting are well descriptive and narrated. Dito mahohook na ang reader pero kulang pa siya. Naghahanap pa ako ng panulak para magbasa lalo.

Note: purong Filipino na lenggwahe ang itnataguyod sa pagtakbo ng storya kaya't kong may parte na may Ingles na pangungusap na ilalagay, 'wag mong kalimutan na tapusin iyon. Dito palang sa Prologue this common mistake needs correction already. Hindi naman din maiiwasan ito.

"She heard ambulance' sirens, napatakip siya sa kanyang tenga."

Try: She heard ambulance sirens that made Selene to cover her ears. — Next is Filipino sentence.

Plot
-  Sa simula pinakilala yung bida, si Selene. Yung mga taong nakapaligid sa kanya, sa bahay, sa hospital at sa school. Kulang sa interaksyon ang bawat karakter kaya hindi konkreto ang kanilang kabuuan.
- At the exposition of the story, the spoilage of her disorder is quite on fast pace. The next chapter pati yung  tunay niyang sakit naisawalat na kaya medyo nawala yung thrill.

Plot point: Pumunta ang maginang Selene at Mallory sa psychiatrist doctor para ikunsulta ang sintomas na nakikita ng ina sakanyang anak.

"I only want you to answer my questions honestly, okay?" tanong nito sakanya. Parang bata na tumango si Selene.

[Pwedeng kasunod noon yung saloobin ni Selene sa gagawin nilang paguusap ng doktora.. Ano yung nadarama ni Selene.]

Narrative paragraph agad tapos yung diagnosis ng schit disorder ni Selene.

[Naiisip kong idagdag sa plot point na'to ay magbabato ng iilang tanong yung doktora tapos sa bawat tanong, pwedeng mabilis ang respond or biglang may maalalang ganap si Selene na konektado sa tanong na iyon kaya iba yung nararamdaman niya. May puntong ililihis ang impormasyon o expression kapag sasagutin ni Selene ang iilang tanong]

Halimbawa:

"Have you had any strange taste, smells or visions, lately"
Sumunod na tanong ng doktora habang mataman ang pagtingin kay Selene na derecho lamang nakatingin sakanyang mga mata.

Maraming pumapasok na ideya at pangyayare sa isipan ni Selene. Habang inaalala niya ito ay hindi maibsan ang pagtambol ng kanyang puso. Namumuo ang pawis sa kanyang noo.

[Sa bawat tanong, iba't ibang pangyayari ang maaring katulad sa tanong na iyon. Kasabay noon ang pagtaas ng tension sa kabuan ng karakter]

:Torturing your character.

Matatapos ang kabanata sa diagnosis ng doctor na may schit disorder siya. Hayaan mong iyon ang maunawaan ng readers ng doctor na may schit disorder si Selene.

Plot points are average level for this msytery-thriller genre story. Wala pang rising action. Sa bawat chapter may part nasa taas yung energy pero hindi siya kumakagat kaya pumapantay sa ibang chapter kaya naging lame o walang pinagbago.

Narration
- Sa narration wala akong masabi pagdating sa lenggwaheng ginamit mo at pamamaraan ng pagsulat. Malalim karamihan sa bawat salita at talaga namang may ilan akong hindi naintindihan katulad ng paunang babalo mo. Malimit na hindi balanse ang descriptive and narrative sa bawat chapter. Ingat lang sa iilang detalye katulad ng sinabi ko sa plot points.

- kailangan pa ng karagdagang dayalogo sa pagitan ng bawat karakter o maging sakanilang sarili para mas lalong lumabas yung emotion, personalidad at aksyon. Mas makikilala pa ang karakter hindi lang sa pag-describe gamit ang six senses.

Flow
- In between fast and slow pacing ang flow ng storya.
- sa bawat kabanata hindi mawawala yung pabitin pero substantial part para lalong ma-boost yung immersion ng mambabasa hanggang dulo.

Technicalities
- Wala naman akong nakitang mali sa punctuation at grammar. May iilang typograhical error pero maayos iyon.

Overall
- Satisfied and looking forward for the next chapters. May lapses sa plot at narration pero maaayos at mai-improve pa. Mas maganda kung sa open setting mangyayare yung thrilling scenes mas dama yung tension pagkatapos sasamahan ng matinding emosyon sa pagitan ng dalawa o higit pang karakter. Makakatulong  siguro na kapag magsusulat ng scenes na madilim, mabigat at bayolente sa gabi o dark room kase sa ganoon mas dama yung pakiramdam ng ideya o eksena na gustong mangyare. Malaki ang potential ng storyang ito at meron pang mas madilim na kabanata ito. Salamat at Padayon!

Improve Your Writing : Critique ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon