Chapter 10

70 3 0
                                    

Chapter 10 - He loves me too

Three days had passed and I feel better now. Sa loob ng tatlong araw na iyon, si Walter ang nag-asikaso sa akin. Ngayon ang balik ko para magtingin-tingin, wala pa rin naman kasing nasisirang sasakyan magmula nung huling ayos ko.

"Do you feel better now, Neon? I heard you're sick. " salubong sa'kin ni Jacin kaya nginitian ko siya. Sick amp.

"A-ah yeah, maayos na ang pakiramdam ko. " naka ngiti kong sagot.

"That's good to know." balik sagot niya.

One and a half week na kami dito.

"Let's swim later! " yaya niya kaya tumango ako.

Nag-usap pa kami tungkol sa site bago tuluyang nag-paalam sa isa't-isa.

Nag lalakad ako sa tabing dagat ng makaramdam na naman ng hilo. Bumilis rin ang aking paghinga kasabay ng paninikip ng  aking dibdib na para bang kinakapos ng hangin. W-what's h-happening?

Sobrang panghihina ang nararamdaman ko kaya napakapit ako sa punong malapit. Hindi ko na kinaya pa ang hilo ko.

Naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa buhanginan.

"Wiennie! " sigaw ni Walter ang huli kong narinig.

Nagising ako sa kwarto namin. Ang sakit pa rin ng ibang parte ng katawan ko. Mas maayos na ang pakiramdam ko kumpara kanina na hilong-hilo ako. Bakit ganon? Wala naman akong ginagawang iba pero parang pagod na pagod ako.

"How do you feel? " bungad ni Walter kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya. May naaamoy akong mabango.

"Medyo nahihilo pa rin. " sagot ko bago ipikit ang mga mata.

"Sabi ng doctor, pagod ka lang daw. May iba ka pa bang ginawa? Sabi ko sayo magpahinga ka muna eh. Don't force yourself to do some stuff, Wiennie. " napa ngiti ako sa pag-aalala niya. Lalo lang akong nahuhulog.

"Wala naman akong ibang ginawa, naglalakad lang ako sa tabing dagat nang maramdaman kong nahihilo ako. " sagot ko.

"Tsk, magpahinga ka lang. Wala namang sirang sasakyan. " sagot niya kaya tumango ako. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Huwag mo na ulit ako pag-aalalahin ng ganon huh? " malambing niyang saad bago ako yakapin. I feel safe.

"Hmm, sorry. "

"Gutom ka na ba? " tanong niya kaya nagtaka ako.

"Anong oras na ba? "

"Mag gagabi na. " sagot niya kaya napatingin ako sa bintana. Kaya pala wala akong nakitang araw.

"Ganon ako katagal nawalan ng malay? " gulat kong tanong kaya tumango siya. Grabe.

"Tara kain na tayo, I cooked. " sabi niya, yun pala ang kanina ko pa naaamoy. Agad akong tumango, kaninang umaga pa yung last na kain ko.

Natapos kaming magdinner at siya na daw ang maghuhugas.

"Ako na kasi, wala na akong ginawa dito. " naka pout kong saad, totoo naman eh.

"Ako na nga, baka mamaya mahimatay ka na naman. " pakikipagtalo niya. Ano ba naman yan!

"Hindi na nga! Pagod lang ako non! " sagot ko pero sa huli siya pa rin ang nasunod, ba naman kasi yan!

Wala akong magawa kaya pumasok na lang ako sa banyo para maligo. Nakababad lang ako sa bathtub habang iniisip ang nangyari kanina.

Bakit parang pagod na pagod ako? Tapos parang kinakapos rin ako ng hangin. At ang nakakapagtaka, bakit, bakit sobrang bilis kong mapagod?

A Test Of Fate (ORIGINAL)Where stories live. Discover now