Chapter 15

84 2 2
                                    

Chapter 15 - Boracay with him

"Don't tell me, nakalimutan mo? " natatawa niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakalimutan ko talaga! Kung di mo pa 'ko binati, di ko pa maaalala. " naka pout kong saad. Nilapitan naman niya ako bago yakapin. Ang bango niya talaga.

"Masyado ka na kasing busy. Let's unwind? Three days. " saad niya kaya hinampas ko siya sa balikat.

"How about our works? Marami pang tatapusin, winky. " sagot ko. Humiwalay naman siya.

"They can handle it. Let's take a three days break. Birthday mo naman eh. Bukas na tayo alis. " excited niyang saad kaya natatawa na lang akong tumango.

"Okay, saan naman tayo pupunta? " tanong ko.

"Boracay. Kung saan kayo pumunta dati. " naka ngiti niyang saad kaya tinalon ko siya ng yakap.

"Waaah! Oh sige ba! Basta kasama kita kahit saan pa. " sambit ko bago siya halikan sa labi na agad niya ring tinugunan. Dahan-dahan niya akong binaba at hinawakan sa kamay.

"Let's go? Kakain na tayo. " naka ngiti niyang saad kaya nagtaka ako.

"Kakain? Saan? " taka kong tanong.

"Follow me. " saad niya kaya sabay kaming naglakad papasok ng 'kainan ni Wiennie'.

Napakaganda ng lugar. Parang matagal ng pinaayos. Ang ganda ng upuan at mga lamesa. Ang ganda rin ng theme at design ng buong lugar. 

Dumaan kami sa back door at tumambad ang napaka ganda at aliwalas na garden. I really love nature!

Napaka aliwalas at linis ng paligid.

Iginaya ako ni Walter papunta sa isang table na puno ng mga pagkain na nasa ilalim ng malaking punong mangga.

"You like it? " naka ngiti niyang tanong kaya niyakap ko siya bago muling ilibot ang paningin sa buong hardin.

"I love it. I really love it. " hinarap ko siya.

"Thank you. Thank you very much, I really appreciated it. " naka ngiti kong saad.

"Your welcome, let's eat? " naka ngiti niyang sambit bago igiya sa isa sa dalawang upuan. Hinila niya ito bago ako paupuin.

"Thank you. " naka ngiti kong pasasalamat. Umupo na rin siya sa kaharap kong upuan. Agad nagningning ang aking mga cute na mata nang makita ang mga pagkaing naka handa. My favorites!

Nag-umpisa na kaming kumain. Fried chicken, fries, ice cream, rice, adobo at caldereta. Saraaap!

Tawanan namin ang tanging maririnig sa buong hardin. Natapos kaming kumain nang magpaalam siya kaya naisipan ko munang maglibot.

May nakita akong mga halaman, rose white rose.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday, Happy birthday to you... My wiennie. " kanta ni Walter kaya napalingon ako sa kaniya. May hawak siyang isang bouquet ng white roses sa kaniyang kaliwang kamay and cake sa kanang kamay. The man of my life.

"Happy 25th birthday, my beloved. " naka ngiti niyang bati habang inaabot ang palumpon ng mga puting rosas kaya naka ngiti ko rin itong tinanggap.

"Thank you, my winky. " malambing kong saad.

"Blow the candles, but before that, make a wish. " naka ngiti niyang saad kaya pumikit ako at tahimik na humiling.

"Anong winish mo? " tanong niya.

"Na sana magtagal tayo. " naka ngiti kong saad kaya binaba niya ang cake sa lamesa bago ako yakapin.

"Magtatagal tayo, Wiennie. No matter what happened, we will stay at each other's side. No one can tear us apart, no one can destroy us. " sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko. Nangilid ang luha ko at unti-unting nagbagsakan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Test Of Fate (ORIGINAL)Where stories live. Discover now