Chapter 13

48 3 1
                                    

Chapter 13 - apo

We are here at the mall, manonoond ng sine kasama yung apat.

"Anong panonoorin natin? " excited na tanong ni Thea.

"Horror! " sigaw namin pare-pareho kaya pinagtinginan kami. Isang buwan din kaya kaming hindi nagkita!

"Arat na! " sambit ni Lorenzo. Pinili namin yung Veronica.

"Kyaaah! " tili namin. Nakakatakot sobra! Geez di na ako uulit!

Natapos ang pinapanood namin at sa buong yon, tili lang ang ginawa namin.

"Kain tayo! " yaya ko kaya naghanap kami ng makakainan pero ang ending sa mcdo. Mga isip bata eh, sayang daw yung mga happy meal na kasama. Naghanap na kami ng upuang pang limahan.

"So, kamusta kayo ni Walter mo? " umpisa ni Kylie.

"Okay lang. Mag-iisang buwan niya na rin akong nililigawan. " naka ngiti kong saad.

"Yieee! Plokplokan na! " banat ni Thea kaya binatukan siya ni Lorenzo.

"Yang bunganga mo masiyado ng marumi, linisin natin gusto mo? "

"Ano namang panlilinis mo aber? Malinis naman ah! " sagot ni Thea. LQ na naman po sila kahit hindi talaga sila Lovers.

"Labi ko. " sagot ni Lorenzo kaya lahat kami napatingin kay Thea na ngayon ay namumula.

"Bwahaha! " nakakatawa yung mukha niya!

"S-shut up! " inis niyang sambit bago hampasin si Lorenzo.

"Bagay talaga kayo! " banat ni Limuel kaya mas natawa kami.

"Kayo naman ni Kylie bagay din! " sabat ko kaya parehas nila akong tinignan ng masama.

"Kadiri ka! Ishi-ship mo na lang ako, sa junggoloid pang to! " sambit ni Kylie kaya mas natawa kami. Inis na inis siya eh.

"Pogi naman ako ah? Diba babes? " naka ngisi niyang saad kay Kylie kaya ang ending lahat sila nagbabangayan.

Naka ngiti ko silang pinagmamasdan. One of my treasures.

"Here's your order mam/sir. " nilapag niya ang order naming chicken, fries, mcfloat at sundae.

"Thank you po. " naka ngiti kong saad kaya nginitian niya ako bago umalis.

"Oy kwento mo nga samin kung paano ka niligawan ni Walter. " sambit ni Thea habanng kumakain.

"Kailangan talaga? " nag-aalangan kong tanong. Umiyak ako non eh!

"Oo! Kailangan talaga. " sabat ni Limuel kaya kinwento ko na.

"Seryoso? " natatawang tanong ni Lorenzo.

"Eh kasi naman eh! Aasarin niyo lang naman pala ako. " naka pout kong saad kaya kinurot ni Limuel at Lorenzo ang magkabila kong pisngi.

"Aray! Masakit! " reklamo ko bago hampasin yung mga kamay nila kaya natatawa nilang inalis.

"So, sabihin mo lang pag sinaktan ka ah? Reresbakan ka namin. " sambit ni Lorenzo, kaya nagtaas ako ng kamay.

"Promise! " saad ko.

"Musta trabaho Doc? " tanong ko kay Lorenzo.

"Ayon, madaming pasyente, kahassle. " sambit ni Lorenzo, halata nga dahil sa lalim ng eyebags niya.

"Okay lang yan! Kailangan ka nila kaya fight fight lang. " naka ngiti kong sambit.

"Naman! Mawawalan sila ng poging doctor pagnagkataon no! " natatawa niyang sambit kaya tumawa rin kami.

A Test Of Fate (ORIGINAL)Where stories live. Discover now