Tricycle

3 1 0
                                    

"Kai! Kaileen! ano ready ka na ba? Anong oras na naman tayo makakapasok?"

Napabangon ako bigla sa kama ko ng may makinig akong sigaw ng maingay kong kapit-bahay na si Annieleth, si Annie na ang ingay ingay. Anong oras na ba kasi? What! 6:45 am na!? Naman si mama hindi na naman ako ginising.

"Ay naku Annie tulog pa si Kaileen, sinadya kong hindi sya gisingan ng maisip nya na tapos na ang bakasyon na kung gumising sya eh mag tatanghalian na."

"Eh, tita nandyan na po sina Mang Kulas si Kai na lang po ang kulang." 

Naulinagan ko ang pag uusap nina mama at Annie, habang dali dali akong naliligo, naku naman din talaga si mama eh walang pag mamahal sa akin minsan, sasabihin na naman ng kasama namin sa service na tricycle ako na naman itong si VVIP na pasahero. Ang dami na namang hanash ng mga palaka. Ni hindi pa nga ako nakakapag almusal, di bale na sa school na lang ako kakain.

"Matatapos na ako saglit lang! Si mama naman kasi hindi ako ginising!" sigaw ko hanggang kabilang kanto. 

"Aba Kaileen, hindi ko na kasalanang tinanghali ka ng gising katawan mo yan." may pag susungit pa talaga si mama.

At natapos ko ang aking paliligo at pag bibihis sa loob ng 15 minutes, nagiging si Zilong ako kapag ma le late na.

"Bilisan mo naman Kai, kapag talaga tayo na late, first day na first day late tayo, naku! sasabunutan talaga kita."

"Kaileen ang baon mo wag mo kalimutan!"ihinabol pa sakin ni mama ang hinanda nyang breakfast ko, mahal pa rin pala ako ni mama.

"Ang taray mo naman, bukas promise gigising na ako ng maaga."dali dali naming labas para makasakay na sa tricycle na service namin papasok ng school. 

Hi, ako nga pala si Kaileen Fernandez, grade 11 sa Mataas na Pamantasan ng Maligaya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit nakahiligan ko ang manatili sa piling ng aking kama, kasalanan yun nina mama at papa binigyan nila ako ng kamang maganda hahaha. Yung maingay kanina sa bahay ang kababata / kapit-bahay / kaibigan kung tunay at wagas at wala ng papantay pa si Annie, Annieleth Luna na bukod sa madaldal at maingay magaling pa kumanta. First day namin sa senior high, panibagong buhay na tatahakin. Sa awa ni Lord God Panginoon hindi kami na late kundi nakuu ang mga basher ko na naman na kasama sa tricycle mag hahanash na naman na parang mga conyo version sa probinsya.

"Pasalamat ka talaga Kai, hindi tayo na late kundi lagot ka na naman kina Janica."

"Aba pakialam ko naman sa kanila, gusto mo asarin ko pa lalo eh hahaha."

"Sabagay puro kuda lang naman sila, nakita mo ba kanina kung nung sa junior high ang kapal na ng make up nila, aba't mas kinapalan pa lalo ano."

"Dinaig pa ang mga espasol na paninda ni Aling Minda sa labas."

Papunta kami na kami sa designated classroom namin for the first period ng may kumosyon na nangyare sa may malapit sa canteen, nag tatakbohan ang mga estudyante ng Mataas ba Pamantasan ng Maligaya. Kala mo naman ay may artistang pinag kakaguluhan, naku kung malalaman ko na si Kwon Ji Ji (GDragon) ko ang nandyan naku baka parang damong hinarabas ko lahat ng haharang sa dadaanan ko.

"Susmaryosep ano na naman bang meron dyan sa may canteen?"

"Aba'y awan ko, dinaig pa ang may artista, pero baka nga tingnan mo nandun na ang Janica and friends, malamang lalaki, dinaig na naman ang uod na inasnan eh."

"May pogi daw na transferee! dali tingnan natin." 

Ah, kaya naman pala ang mga haliparot na ito'y mga hindi na naman mapakali, sus pogi lang nag kakagulo, ay awan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DREAMEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon