It's already six in the morning when I woke up. Usually kasi ay five ng umaga para makapag jogging. Kaya naman agad akong naligo at inayos ang sarili. Isang blue pencil cut skirt at nakatuck-in na puting long sleeve polo ang suot ko. Tinali ko rin ang natuyo kong brown na buhok at naglagay lamang ng light na make up.
Naka-tsinelas ako ng lumabas sa aking kwarto. Mamaya ko na susuotin ang heels dahil paniguradong sasakit na naman ang paa ko lalo pa at isang buong araw ko itong suot.
Nang makababa ay agad kong naamoy ang mabangong sinangag na niluto ni mama.
"Late ka nagising ngayon?" sabi niya habang abala sa paghahanda ng pagkain.
Umupo ako sa isa sa mga upuan. "Ngayon lang Ma" sabi ko habang abala sa paglagay ng sarili kong pagkain.
"Hindi naman kita pinagbabawalan kumain dito. Sinabi ko lang" umupo na rin sya sa harap ko. At nagulat ako ng mag-umpisa rin itong kumain.
"Ma..."
"Alam ko" agad nya akong tinigil. "Hayaan mo na at minsan lang kitang makasabay kumain" sabay kuha na rin sa hinada nito
Balak ko sanang bilisan ang pagkain dahil baka abutan ako ng mga kapatid ko. Pero hindi nangyari dahil ginusto ni mama na sumabay sa aking mag-agahan.
Huminga ako ng malalim at hinayaan syang sumabay. Namiss ko rin ang may makasabay na pamilya sa pagkain.
"...Kamusta ka nak?" alam kong kahit alisin ni mama ang lungkot sa boses nya ay di nya nagawa dahil nahalata ko pa rin. "Wag sanang sumama ang loob mo sa mga kapatid mo" dagdag nya pa. Hindi tumitingin sa akin at panay lang ang galaw sa pagkain.
"Ma.." huminga muna ko ng malalim para maalis ang pait sa boses ko. "Masyado ko kayong mahal lahat para magtanim ng sama ng loob"
Nakita kong may munting luha na tumulo sa mata nya. Agad ko syang dinaluhan at pinunas ang pisngi. Naiiyak ako dahil sa pagkamiss ko ngunit pinilit kong pigilin dahil may problema pa kong haharapin sa trabaho.
Niyakap nya ako ng mahigpit at doon binuhos ang luha. "Hindi ko alam kung bakit ganon ang pag-iisip ng mga kapatid mo pero alam kong mahal ka nila...Mahal ka namin"
Hindi ko na naawat ang pagbuhos ng aking luha. Alam ko sa loob ko kung gaano ko sila namiss ng nasa ibang bansa ako. At di rin matatawaran ang sayang hatid na makabalik ako sa Pilipinas para dito na mamalagi. Kahit pa nga kailangan kong maghanap ng condo agad para maiwasan ang sigalot sa pagitan ng aking mga kapatid.
Ang thirty minutes na pag-aagahan ko ay umabot ng isang oras. Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanya maging ang pagkuha ng litrato kasama sya. Batid kong tumatanda na talaga sya pero litaw pa rin ang maganda nitong mukha.
How I wish I could spend time to her some more pero hindi pwede. Ayokong isipin ng mga kapatid ko na nagpapabango na naman ako sa aming ina. Kontento na ko na nakasama sya at nasa maayos na kalagayan.
Dahil sa masayang agahan ay nalimutan ko ang mag-isip sa problemang kakaharapin sa trabaho. Ngayon palang kung kailan malapit na ako sa building nito.
We've met last night. After kong makipag kamustahan sa mga kaibigan ko kahapon ay dumiretso ako sa building na ito dahil urgent daw sabi ng boss ko. My boss was in the States at nakalimutan siguro ang agwat ng time zone.
Hindi na ako nagulat ng si Paul ang pumasok. Bahagya nya lang akong tinignan at agad na kinuha ang flashdrive na bigay ng boss ko.
There is no greeting at all. Pero mas ayos yon sakin dahil wala ako sa wisyo ng gabing iyon. And it also ended well. Hindi nga lang nakatakas sakin ang lamig ng pakikitungo nya.
Nauna syang umuwi at sinabihan lang ako ng secretary nito na tapos na ang meeting.
BINABASA MO ANG
Chastisement: Forever Yours
RomanceEliza Meign has been gone for three years to resolve all her family problems. She never tells anyone as she grew up to kept her problems on her own. When she had the courage to try again, she moves back only to know that the man she loves had alread...