Chapter 1

7 0 0
                                    

Hindi pa nag tagal ay nag daan na ang semi-final at finals namin. My final average made it in honor list, may recognition kami sa umaga at sa hapon ang graduation ng mga grade 12.

"Mommy, may recognition po ako mamayang 9 o'clock. Sana po eh makapunta kayo ni Daddy."

"Congrats, ate!" Masayang bati ni Agust na nag thumbs up pa sakin.

Napatigil sila sa pagkain ng umagahan. "I'm sorry. Kailangan naming lumuwas ngay-on pagkatapos ng umagahan, may bibilhin ako para sa farm." Sagot ni Mommy.

Nilingon ko si Daddy. "Pasensya na anak. May meeting din ako with my client sa Maynila. Ano gang gusto mong regalo?"

Umiling na lamang ako at ngumiti. "Wala naman po."

Nilingon ako ni mommy. "Pwede kang samahan ni Manang. Diga Manang?"

Mabilis namang lumapit si Manang Cesang saakin at tumango. "Okay lang po, wag na. Ibibigay din naman iyon kung di makakapunta."

Iyon na laang ang huli kong sinabi bago tumayo dahil tapos na din naman akong kumain.

Nakahiga lang ako at naghahanap ng magandang palabas ng may kumatok kasabay ng pagbukas ng pinto.

"Thalia," si Daddy iyon.

Naupo siya sa gilid ko. Nakabihis na ito at mukang handa ng umalis, sinadya laang akong puntahan.

"Pasensya na anak ha pero congrats. Ang galing mo." Tumango ako.

"Naiintindihan ko naman po. Ayos laang naman,"

Ngumiti ito at niyakap ako. "Bibilhan kita ng regalo. Ano gang gusto mo?" Nilingon ko siya at kumawala sa yakap.

"New shoes for my basketball."

Sunod lahat ng luho ko kay Daddy kaya alam kong pagbibigyan niya ako.

"Diga't kabibili laang natin nuong isang buwan ng sapatos mo." I shrugged at him.

I heard daddy laugh. "Okay. I'll buy you a new shoes. Send me the picture para mabili ko. Wag mo na laang sabihin sa mommy mo." Nabuhayan ako at mabilis na niyakap si Daddy.

"Salamat, daddy. You're the best talaga!" Tumawa na laang din ito at nag paalam na.

Pinanood ko silang umalis ni Mommy at Agust. Hindi pwedeng maiwan ang kapatid ko sabi ni mommy.

I message my friends na hindi ako makaka attend ng recognition ganun din ang adviser ko.

Wala akong schedule sa taekwondo training ko pero nagpunta pa din ako at duon nag ubos ng oras para sa araw na iyon.


Summer is now starting at nag paplano sina mommy na mag amanpulo kami ngayong taon.

Kadalasan eh sa ibang bansa kami nag babakasyon para hindi ganun kainit pero napilit ko sila mag amanpulo dahil ilang taon ko na sinasabi na gusto kong makapunta duon at mukang pagbibigyan na ako ngayong taon.

One week din kami duon bago naman dumiretsong siargao kaya ang maputi kong kulay ay naging tan.

Mabilis akong mangitim pero mabilis din namang bumalik sa dati.

Grabe sobrang ganda sa mga lugar na napuntahan namin. Bihira magkaroon ng ganitong free time si daddy kaya sinusulit na.

The rest of my summer are with friends, tulad ngayon papunta kaming Camp.

"Mabuti bumalik na kayo from your trip." Ani Mazy sa akin habang nagpapahid ng sunblock niya.

"Yeah, nagkaproblema kasi sa client ni daddy kaya kailangan ng bumalik."

Engineer's oceanic eyes (Return my love #1)Where stories live. Discover now