CODE 003

5K 74 6
                                    

Mga puno, halaman, at bulalak. Iyon ang makikita sa paligid ng binatang naglalakad sa gitna ng kaparangan. Ang paligid ay tila binabalot ng maninipis na hamog. Nakakahalina ang anyo ng lugar. Napapatakbo siya kasabay ng mga nagliliparang paru-paro. Makikita ang saya sa bawat hakbang ng kanyang mga paa at hagikgik ng kanyang tawa.

Sa kanyang pagtakbo ay dinala siya ng kanyang mga paa sa isang sapa. Kumikinang at napalinaw ng tubig nito. Makikita sa ilalim ang nagsisipaglangoy na mga isda. Lubos na namamangha ang binata.

Pinagmasdan niya ang kanyang repleksyon sa malinaw na batis. Napakaamo ng kanyang anyo. Napakagandan ng kanyang mukha para sa isang lalaki. Tiyak na mahahalina ang sinumang sisilay sa kanyang mukha.

Nakarinig siya ng paggalaw sa tubig, mula sa gitna ng umaagos na sapa ay umahon ang isang nilalang. Dahan-dahan ang paglitaw ng bulto ng katawan nito.

Isang lalaki ang umahon mula sa batis. Basang basa ang hubad nitong katawan. Napatulala ang magandang binata sa kanyang pinagmamasdan. Napahinuha niyang tila matigas ang mga kalamnan ng katawan ng lalaking na sa harapan niya ngayon. Nakakaakit ang anyo nito. Parang nag-iinit ang kanyang buong katawan. Isang damdamin ang nabubuhay sa kanyang kaibuturan.

Unti-unting tumaas ang kanyang tingin mula sa mga matitigas na bagay sa tiyan nito, sa matipuno nitong dibdib, sa mga labi nito, at hanggang sa buong mukha nito na nagbigay ng labis na gulat sa kanya.

"Dr. Ar-arvin..." Ang nauutal niyang salita.

SIXTO

"Uhhhh... haaa..." Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ang ang sunod sunod na kabog ng aking dibdib. Hinihingal akong napaupo mula sa pagkakahiga.

Isang panaginip. Panaginip, iyon ang nararanasan ng mga tao kapag nasa isang mahimbing na pagtulog. Nanaginip ako, isang bagay na ngayon ko lamang naranasan. Ang isang kagaya kong biohoms ay nakaranas ng ganoong bagay.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyari. Isang magandang indikasyon ito na patuloy ang pagdevelop ng aming sistema. Subalit, paanong si Dr. Arvin ang laman ng aking panaginip? Higit pa roon na isa iyong mapusok na tagpo.

Napailing na lamang ako g pumasok muli sa aking imahinasyon ang tagpo sa aking panaginip. Mukhang iyon palagi ang mangyayari kung magpapatuloy ang pagkahanga ko sa taglay na kakisigan ni Dr. Arvin. Tila umiinit ang aking dalawang pisngi.

Napatingin ako sa bintana at nakitang madilim na sa labas. Mukhang inabot na ng gabi ang pagtulog ko. Nabawasan na ang pagod na nararamdaman ko subalit pagkalam naman ng sikmura ang aking suliranin. Nagpasya akong tumungo sa ibabang bahagi ng bahay at magtanong kay manong troy kung mayroong makakain.

Pababa na ako sa hagdan ng maaninag ko si manong troy na papasok mula sa pintuan na nasa harapan ng bahay. May kasama itong isa pang lalaki. Matangkad ito at makikitang matipuno ang katawan. Mula sa ilaw ay naaninag kong moreno ang kulay ng balat nito. Nang mapadako ang tingin ko sa mukha nito ay makikita ang ngiti sa gwapo nitong itsura. Nahihiya ko namang sinuklian ng ngiti ito.

"Magandang gabi Sixto, alam kong nagugutom ka na. Sakto lang din at nakahanda na ang pagkain sa kusina. Tumungo ka na lamang roon at tatawagin ko pa ang ama mo." Untag ni manong troy.

"Magandang gabi rin po manong troy." Tugon ko naman rito at baling sa likod nito muli kung saan naroon ang kasama niya.

"Siya nga pala, ito ang anak kong si June. Madalas ko siyang makakasama rito dahil makakatulong ko siya sa mga gagawin sa bahay." Muli nitong tugon.

Nginitian ko na lang muli ito at tumungo na sa kusina. Nang lumingon akong muli ay nakita kong paakyat na si manong troy sa itaas upang tawagin si Dr. Arvin, ang ama ko sabi niya. Si June naman ay nakita kong naupo sa upuan sa sala.

SIX AGUINALDO: 006Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon