Japan

67 18 3
                                    

Mabilis dumaan ang mga araw, buwan at taon, Heto ng araw ng pagtatapos nilang anim. Nandun ang excitement pero lamang ang lungkot na nararamdaman nila, kasi simula sa araw na ito magkakahiwa hiwalay na sila.

Ang alam ni Ashley sa abroad na magpapatuloy ng pag aaral sina R'joy, Roselia at Rowena. Sabagay may mga kaya naman sa buhay ang mga ito kaya dina nakakapag taka.

Sa Manila naman si Mabel kasamang ate niya na dun nakapag asawa, Kaya siya ng magpapa aral sa kaibigan nya.

Si Claire naman, haaay! na shocked ang lahat ng malamang buntis na ito! Sino ba namang hindi magugulat eh ito ang pinaka manang sa grupo tapos mababalitaan na lang na mag aasawa na kasi nga buntis!. Hay Life is full of surprises nga talaga!..

Ngayong magtatapos na siya ng highschool, pina plano na nyang pagpasok sa college. 2 year course lang tama na sa kanya basta magka diploma. "for future purposes nga daw".

Dahil sa wala ng barkadang nakapalibot kay Ashley. Gumanda ang takbo ng buhay nya, matataas ang mga gradong nakukuha at malapit na rin ang kanyang pagtatapos.

At sa wakas nakaraos din sya. Habang pababa ng entablado at hawak hawak na ang kanyang diploma, hindi mapigilan ni Ashley ang mapa iyak.

Ito ang pinaka mahalagang araw na pinapangarap nya , na sana sa araw na ito ay makita man lang nyang buo ang kanyang pamilya. Pero kabaliktaran dahil ni isa wala man lang nag abala para saksihan ang kanyang tagumpay.

Di bale, Kaya mo yan.. Ashley! Ngayong nakatapos ka na malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo, dahil may napatunayan ka na sa tatay mo.

Mapait syang napangiti sabay punas ng mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi nya. Taas nuo syang naglakad palabas ng graduation hall .

Simula bukas magbabago ng buhay ko , magsisikap pa akong lalo para mabigyan ko ng maginhawang buhay ang pamilya ko. Kaya ko to , kakayanin ko to! Sabay tumingala sya sa langit . "God bless me!. "

Unang trabaho na natanggap sya bilang sales girl, tiniis nya ang maghapong nakatayo at dahil sa sobrang pagod nya pagdating ng bahay nila, pagkatapos maglinis natutulog agad sya.

Ganun araw araw at dahil sa liit ng sweldo nya di pa rin magkasya kahit na anong gawin nyang pag ba budget. Sumasakit lang ulo nya kakaisip kung anupa ba ang dapat nyang gawin ngayong dalawang nakababatang kapatid ang pinapa aral niya.

" Hoy Ash, tulala ka na naman diyan, ok ka lang ba? ". Tanong ng kasamahan nya sa trabaho na si Barbie.

Ngumiti lang sya at tumango, napahikab na din dahil sa antok at pagod. Ng maisipan nyang tanungin ang kaibigan,. "Ahm.. Barbie, may alam ka bang ibang trabaho na mapapasukan? Yon sanang malaki ang sahod kung meron kang alam."

"Meron, gusto mo work abroad? Malaki sahod YEN pa".

"Talaga! Sang bansa ba yan ?, gusto ko talagang mag abroad." Ngiting ngiti nyang tanong nangingislap pang mga mata nya habang hinihintay sumagot ang kaibigan.

"Sa Japan. bes, ano gogogo ka ba?."

"Yes of course my friend, kailan tayo puntang agency ha?" Excited nyang tanong. " Eh kung mamaya na mag half day na lang kaya tayo?"

" Hahaha ok, sige, kita na lang tayo maya sa labas ha!."

Kumaway na lang sya sabay talikod at mabilis na tinungo ang office ng supervisor nila para magpaalam. Nasasabik na syang magtanghalian para makapunta na agad sila ni Barbie sa agency.

Lumulutang ang isip ni Ashley habang naglalakad pauwi ng bahay. Hindi sya makapaniwala na natanggap siya bilang entertainer sa Japan. Ang problema nya ngayon ay kung paano nya makukuha ang birth certificate sa tatay nya, at panigurado ring di sya papayagan nito. Pero buo ng pasya nya aalis pa rin sya kahit di pumayag ang tatay nya.

Señorita ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon