I was there when you needed me. Dalawang taon na ako yung kasama mo, ako yung nagtiis sayo, ako yung gumagawa ng paraan para satin dalawa.
Pupuntahan kita palagi after school kahit pagod ako para makasama kita. Pupuntahan kita sa inyo kapag may pera ako kasi gusto kita makita. Pupuntahan kita kapag nagaaway tayo kasi gusto ko magkaayos tayo. Pupuntahan kita kapag busy ka para di kana magpunta samin kasi baka mapagod ka.
I did everything I could. I did everything I know to make you smile, to make you feel contented with me. You know I did.
Pero kahit pala gawin mo naman lahat ng bagay, darating yung araw na mapapagod kadin kakaisip, kakagawa ng paraan para maayos yung relasyon niyo na nasira.
Isang pagkakamali na nadagdagan ng nadagdagan kasi pareho kayong mapride. Nagkagulo yung dati naman ng maayos. Pero, maayos ba talaga tayo dati pa?
O ayon lang yung pinamukha ko sa sarili ko? Na maayos tayo kahit hindi naman. Masyado ata akong nabulag sa pagmamahal ko sayo.
Pero sa mundo na'to, kapag ikaw yung humiwalay ikaw yung mali.
Hindi naman ganon iyon. Dumarating talaga tayo sa punto na nakikipaghiwalay tayo sa tao, hindi dahil hindi na natin sila mahal, kung hindi dahil ayon na yung mas makakabuti pa para sainyo.
Sa sobrang pagmamahal mo sa tao, madalas nakakalimutan nadin natin na yung sarili na natin yung mahalin. Binibigay natin sakanila lahat na nakakalimutan na natin bigyan ng oras yung sarili natin.
Dahil sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao, nakakalimutan na natin yung halaga natin as a person.
Pero wag na tayo magsisihan. Kasi pareho naman tayong mali. Hindi porket naunang makipaghiwalay siya na yung perpekto. Fuck bakit ba ganyan mindset ng tao?
Di kona din alam pino-point out ko.
Ang akin lang naman, bakit kasi nung mahal na mahal kapa nung tao hinahayaan mo lang? Taken for granted nalang ganon? Tapos kapag nagdesisyon na siya na sarili niya naman yung uunahin niya magagalit ka. Fuck that shit dude. Hindi dapat ganon.
Hindi naman kasi sa lahat ng oras, totoo yung sinasabi nila na kapag mahal mo hindi ka mapapagod. Kasi kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kung paulit ulit kalang na babalewalain, mawawalan din ng saysay.
Give back the love they give to you. Kung wala ka naman intensyon na iparamdam na mahal mo din siya, hayaan mona siya una palang para hindi na nagiging kumplekado ang lahat.
Leaving you is the best choice we had. I will love you always.
YOU ARE READING
My Broken Pieces
DiversosMy life is like a messy room where you didn't know where to start cleaning.