11:11

0 0 0
                                    


Pinagmamasdan kita ng di mo alam pinapangarap kong ikaw ay akin, mapupulang labi at matingkad mong--- ay kabayo! hindi naituloy ni ella ang pagkanta dahil biglang may nangulat sa kaniya at alam niya kung sino. Sino pa ba edi ang kaibigan niya na wala ng ginawa kundi mang storbo sakto lagi kung kailan pinapantasya niya si 'Miguelito Santiago" ang lalaking nagpapabilis ng kaniyang puso ang gabi-gabing dahilan ng malalaking eyebags dahil sa hindi dalawin ng antok. Balik tayo sa kaibigan kong panira.

AN: "Miguelito" ang nick name niya ay Migue, binibigkas as Migi. Yun lang mamatz.😊

"Lita naman kailangan talaga manggulat?" kunway naiinis na tanong niya sa kaibigan.

Hey it's Carlita not Lita at saka kung di kita gugulatin di mo mararamdaman na nandito na ako dahil busy ka sa kakatingin sa taong di ka naman gusto. pang-aalaska ng kaibigan.

"Lita makikita mo isang araw magugulat ka na lang na pinansin niya na ako". nakangiting ani noya dito. "In your dream ella". pambabara nito. Nakikita mo ba yang katabi niya? yan lang naman ang girlfriend ng pinapantasya mo. dugtong pa nito na nagpasakit sa kaniyang puso.
Nakita niya kung sino ang tinutukoy nito. si "Stacey Alcantara" ang sikat na cheer leader dahil bukod sa maganda na seksi pa. walang-wala siya kung ikukumpara. At mas lalo siyang nakungkot sa isiping iyon, hey teka diba crush mo lang naman? pagkontra ng kaniyang isipan.

"Eh ano naman lita? Kapag ba may karelasyon na ang isang tao bawal ng maging crush?" Saka crush lang hindi ko sinabing mahal ko na. hindi siya sigurado kung tama pa ang sinasabi niya dahil ang huling mga pahayag ay nakapagpapait ng kaniyang panlasa.

"Crush lang ha? Talaga ba? Frennnyyy jusko College na tayo crush mo parin yan simula first year high school crush mo na baka ngayon love mo na". Segunda ng kaibigan, alam niya naman sa sarili niya na hindi simpleng crush lang ang nararamdaman niya.  Paano ba naman niya iiwasang mahalin ang lalaking ito sobrang perpekto hindi lang itsura pati na ang kalooban.

Freennnyyy!!! dahil parin ba sa pagtulong niya sayo nung may tagos ka nung high school tayo? Hindi talaga maawat ang kaniyang kaibigan.

"Pwede ba lita tumigil kana baka may makarinig". nakikiusap niyang sabi dito.

"Sige. In one condition". hirit nito.
"Ano?". Para matapos na.  "Call me carlita not lita" nagpapaawang sabi ng kaibigan. Ewan ba niya kung bakit ayaw nito sa palayaw eh nung high school sila okay lang naman, pero para matapos na .... "Okay deal li- i mean Carlita". Natatawang sagot niya sa nalulukot na namang mukha ng kaibigan.

Habang nag-uusap ang dalawa may nagsipagdatingan na mga kaklase nila sina arriane at lea hindi niya masasabing kaibigan pero mababit naman. Hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang usapan ng dalawa.

"Oo lea, alam mo ba simula ng mag wish ako tuwing sasapit ang 11:11 isang araw nagkatotoo ang wish ko, kinausap at niyaya akong lumabas ng crush ko" kinilig na kwento nito.

"Baka naman nagkataon lang". Sagot ni lea na parang di makapaniwala sa sinabi ni arriane. Maging siya ay di makapaniwala, pero nais niyang subukan.

"Hoy! Nawawala ka na naman freeennnyyy!."  ayan na naman ang makulit niyang kaibigan.

"Hindi ah may naalala lang ako."  palusot niya na di naman pinaniwalaan ng huli.

                              ****

Sa nakalipas na mga gabi laging inaabangan ni ella ang pagsapit ng oras na pinakahihintay at hihilingin ang paulit-ulit na dalangin. Matiyaga siyang nag-aantay kung kelan mapagbibigyan ang kahilingan na sana kahit isang beses lang makausap at makasama niya ito. Nung araw na tinulungan siya ni "Migue" ng magkatagos siya sa loob ng paaralan, yun ang unang beses na makita,makilala,makausap at unang naging crush niya. Bukod sa sobrang gwapo nito ay totoong mabait ito. Pero yun nga lang medyo babaero high school pa lang papalit-palit na ito ng kasintahan parang hindi marunong magseryoso kaya kada tapos ng linggo iba naman ang nagiging girlfriend kumbaga flavor of the week para lang siyang nagpapalit ng damit. Sabi ng iba dati nagka first girlfriend ang binata pero sa hindi malamang dahilan nakipag break, sabi pa ng iba ipinagpalit daw sa iba na labis ikinasakit ng kalooban nito. Siguro sa pamamaraan ng papalit-palit ng babae parang nakaganti narin ito sa sakit na naranasan sa unang kapareha. Hanggang sa nag college hindi niya akalain na pareho sila ng paaralang papasukan hindi niya alam kung sadyang nagkataon lang o itinadhana, pero hindi niya naging kaklase ang lalaking ginugusto kahit isang subject manlang. Pero ayos na yun sa kaniya dahil napagmamasdan niya naman ito kahit sa malayo. Pero may pagkakataon na nahuhuli niya itong parang nakatingin sa kaniya mula sa malayo. Hindi sa nag-aasume siya sadyang may pagkakataon lang na pakiramdam niya may nakatitug sa kaniya at ito ang kaniyang nahuhuli, nakikipagtitigan ito kaya't sa huli siya na ang umiiwas. Dahil nahihiya siya at kinikilig.

Wish at 11:11 ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon