Its 6:30 am nang maisipan kong bumangon na para sa panibagong klase. Isa ako sa matatapang na tao na gigising ng 6:30 am para sa 7am na klase. Thank God it’s friyay!
“Ikaw talaga Serie, alas siete ang pasok mo’t ngayon ka lang gumising.”
Inilagay na ni Nana Selia ang breakfast ko sa gilid. Nakasampay na rin ang uniform ko ngayong araw. Kung wala si Nana paano na lang ako? Charot.
“Thank you Nana.” I hugged her beside.
“Kanina pa nag-aantay sa ‘yo si Denver.” Bumukas ang pinto at bumungad ang medyo gulo niyang buhok at makapal na eye glasses, kahit mukha siyang nerd sa salamin niya marami pa rin ang nagkakagusto dyan. Malakas ang appeal nang pagkanerd niya.
“Oh gising na ba ang prinsesa? Langya ah, parang walang research sa umaga.”
Oo nga pala first subject namin ang PR2 Si Mr. Guevarra, minsan lang siya napasok kapag kailangan na naming ipasa ang manuscript ng research na kailangang irevised.
Ngumiwi ako sa kaniya.
“Eh bakit hindi ka pa nauna doon? Nag-antay ka pa dito mas magagalit sa atin si boss Alex niyan.” pagmamaldita ko. Tumayo na ako at mabilis na kinain ang breakfast.
“Ah, ang arte mo na ah.” Kumuha siya ng isang hotdog at sumabay kay Nana Selia palabas.
Mabilis akong natapos sa pagbibihis, I put some liptint and powder hinayaan ko ding umaalon ang mahaba kong buhok. Kinuha ko na ang bag ko at nagmartsa palabas. Pinagbuksan ako ni Denver ng pinto at saka siya naman ang sumakay. Nagscroll muna ako sa fb. Nagpop ang chat head ni Alex. I opened it.
Alex Cuevas:
Asan na kayo?
Dumiretso kayo dito sa STEM asap.Ako:
Bakit?
Anong meron diyan?Alex Cuevas:
Eh ano bang meron sa umaga, malamang research.Ako:
Ok.Mabuti na lang at pinapasok kami ng guard kahit 7:30 am na 8 kasi nagsasarado ang gate.
Ganoon nga ang ginawa namin dumiretso kami sa 12STEM, nandoon si Mr. Guevarra sa STEM nakatayo si Alex at Mark sa gilid ni sir. Pumasok na ako sa room ng STEM kasama si Denver. Ang tahimik nila, mukha talaga silang nag-aaral ng mabuti kasalungat sa gulong upuan kahapon.
“Bakit kayo late Mr. Agoncillo at Ms. Valera?” habang tinitignan ang manuscript namin hindi naman malakas ang pagkakasabi niya ngunit alam kong may nakarinig dahil may lumingon mula sa peripheral vision ko.
Huhu,wag naman sana kaming ipahiya, mas okay na sa section namin wag lang dito, nandito pa naman yung crush ko.
“Sorry po Sir, hindi na po mauulit.” Sambit ko.
“Pasensya na po Sir.” Denver.
“Okay, next time kayo naman ang magpasa sa akin nito.” Tumingin siya sa amin bago pirmahan ang manuscript. Hindi naman kami dumbbell ni Denver nalate lang naman eh.
Tumango kami at nakahinga naman ng maluwag nang paalisin na niya kami.
“Bakit ba kasi nandoon siya sa STEM, diba dapat sa atin siya ngayon?” tanong ko.
“May demo kasi siya kaya hiniram niya muna ang time ni Miss Vidanes at pinagpreprepare ang STEM.” Ani Mark.
Tumango ako at pumasok na sa klase. Nagusap-usap muna kami para sa revision ng research, chapter 2 na ang kailangan naming gawin. Habang may natitirapang oras ay nagsearch muna ako sa related literature, foreign and local, sinave ko ang link nang pinagkuhaan sa phone ko. Nagbasa hanggang dumating ang next subject teacher sa contempo arts. This time pinagdrawing niya kami ng one of the painting themes at ang napili ko ay ang still life. Kinuha ko na ang materials sa drawer ko, sa ilalim ng desk at nagsimula nang mag drawing.
YOU ARE READING
Because He is My First Love (Town Girls Series#1)
Romanceon-going Serieanne Faye Valera who lives in town. She has the courage to pursue Travis even though Travis doesn't care about her. She's like chasing the eye of the tiger in the wild. As long as it is love she'll chase him. Travis is her first and tr...