Epilogue

4 1 0
                                        

Sila'y patuloy na tumatakbo palayo sa mga taong iyon, kasabay ng paghahanap ng kanilang mapagtataguan. Sa kanilang pagtakbo nakabunggo nila ang isang babae. Hindi n asana nila ito papansinin, dahil isa itong babae, ngunit nahawakan nito ang braso ni Keith na naging dahilan ng pagtigil nila.

"Keith kailangan na nating tumakas. Itulak mo na yan!" sigaw sa kanya ng kasamahan.

Ngunit sa di malamang dahilan, ang mga mata ng babae ay parang nangungusap. May gustong sabihin sa kanila.

"Malapit na sila, tara na!" hihilain na sana siya ng bigla silang nakarinig ng isang putok, hudyat na ang mga kalaban ay malapit na nga.

"May alam akong daan, dito" mahinang sabi sa kanila ng babae, sabay takbo nito sa kagubatan. Hindi sana nila ito susundan pero wala na silang ibang choice. Kaya sumunod na lang sila dito.

Ngayon lang nila napagtanto na nasa isang gubat pala sila. Na kung saan pag hindi mo alam ang lugar ay siguradong patay ka, dahil may mga nakapaligid na trap sa daan na hindi mo mahahalata kung hindi mo pagmamasdang mabuti. Nakalabas sila ng maayos at walang galos sa lugar na iyon. Ngunit isang umaalingaw-ngaw na putok ang nagpatigil sa kanila sa pagtakbo.

"Dave!" sigaw niya sa kasamahang nakahandusay na sa daan at duguan. Ang balang sana'y tatama sa kanya ay sinalo ng kanyang kaibigan.

"Tumakbo... *cough* ...na kayo" nanghihinang sabi nito, na anytime ay mawawalan na ng buhay.

"Tara na" hinila na siya ng babae papalayo sa kanyang kasamahan dahil papalapit na sila. Pinagpatuloy na nila ang pagtakbo sa lugar kung saan ay hindi niya alam

"Tumigil ka kayo!" sigaw na nagmula sa isa sa mga humahabol sa kanila, kasunod ng pagputok ng baril.

Ngunit hindi pa rin sila tumigil. Kung sana'y may baril lang siya, hindi sana sila tumatakbo ngayon, at sana'y nailigtas niya pa ang kanyang mga kasamahan. Huli na ang lahat, kung sana'y kinuha niya lang ang baril na nakita niya kanina, nakabawi sana siya sa mga ito. Unti-unti na rin silang nanghihina. Napatigil ang babae, hindi na niya kaya pang tumakbo.

"Dalian mo, baka maabutan nila tayo"
"Mauna ka na"
"Hindi kita pwedeng iwan dito"

"Kaya ko ang-" putok ng baril ang nagpatigil sa kanya upang matapos ang sasabihin

"Traydor ka!" sigaw ng isang tauhan. Siya nama'y napako sa kanyang kinatatayuan.

Sunod-sunod na putok ng baril ang nakapagpatapos ng kanilang paghihirap. Bago malagutan ng hininga ay nagkatinginan ang dalawa.

Bakit ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng katulad niya? Sana'y isa lang itong panaginip. Kung isa man 'tong panaginip, gusto ko ng gumising. Gisingin niyo na ako, di ko na kayang magtagal pa dito. Ito ang una at huling araw naming pakikita. Isang ngiti ang nabuo sa aking mga labi...


Love lots

That Day [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon