Chapter 1

3 1 0
                                    

Mahigit taglong buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari ang araw na iyon. Ang araw na kahit kalian, ay hinding hindi makakalimutan ng lahat. At ang araw kung saan, maraming buhay ang nawala.

"Boss ano ng plano mo sa mga yan?" isang mahinang tinig ang nagbalik sa kanya sa katinuan.

"Hayaan mo sila jan, paabutin pa natin sila ng dalawang lingo bago patayin" mga salitang nagbigay sa kanya ng hudyat, upang magpumiglas upang makatakas sa pagkakatali.'Nakakainis' ang tanging nasabi niya sa kanyang sarili. Isang mapangasar lamang na tawa ang natanggap niyang sagot mula sa mga ito. Patuloy pa rin naguusap ang mga maliliit na tinig mula sa labas ng pinto, ngunit unti-unti na itong humihina, at sa huli'y wala na rin siyang nadinig.

Patuloy pa ring siyang nagpupumiglas, ngunit hinang-hina na ang kanyang katawan, hindi na niya kaya pang magpumiglas. Na para bang siya'y pinahirapan ng sobra-sobra, di pinakain, di pinainom ng tubig. Ang tangi niya lang iniisip ngayon ay kung paano siya o sila makakatakas sa lugar na nito, kung meron pa man siyang natitirang kasamahan.

Isang madilim na kuwarto ang kinaroroonan niya, na maaari mong maihahalintulad mo sa isang bartulin sa kulungan, kung saan walang kahit isang binta. Ang tanging nagbibigay liwanag lamang sa kanya ay ang na butas sa pintuan, hindi gaanong kalakihan. Hindi niya malaman kung meron ba siyang kasama sa kwartong ito o wala. Puro itim, nagpalinga-linga siya sa paligid. Umaasa na meron siyang makikita, ngunit nabigo siya dahil hindi niya na rin malaman kung nasa gilid ba siya ng kuwarto o gitna.

"Hello?" isang maliit na tinig mula sa kanya, ingat na ingat na hindi marinig ng ibang tao sa labas ng pinto, at nagbabakasaling mayroon siyang kasama sa lugar na iyon.

Minuto ang lumipas ngunit wala siyang natanggap na sagot. Mawawalan na sana siya ng pag-asa, ngunit isang maliit na tinig ang kanyang narinig.

"Captain, ikaw ba yan?" tinig na hindi mo na halos madinig sa sobrang hina, na wari'y bumubulong siya sa hangin.

"Oo, ako nga. Kamusta ang kalagayan mo? Bukod sa atin, meron pa bang ibang nakaligtas?" nanghihinang tangong niya sa kasamahan.

"Maayos naman po ako, at meron pa ho, sa pagkakaalam ko ay marami rami pa ang nakaligtas, ngunit sila'y nahuli at kasama natin dito. Ang iba na-" ang boses niya ay pahina na ng pahina, naputol ang kanyang pagsasalita, ng gulat na nagsalita ang kanyang Captain.

"Ibig mo bang sabihin marami pa tayo sa kuwartong ito?"ang boses niya ay may halong pagkatuwa. Nagagalak siya dahil meron pa rin siyang mga kasamahang buhay at kasama nila ngayon.

Dahil doon unti unti na siyang nakakabuo ng plano sa kanyang isipan. Ngunit kailangan niya munang malaman kung ano ang mga kalagayan nita. Kung may natamo ba silang mga sugat, o kung malala ba ang kalagayan nito. At kailangan niya ring malaman kung nasaan sila ngayon, upang tuluyan ng mabuo ang kanyang plano, at maisagawa na nila sa lalong madaling panahon.

"Hindi po natin sila kasama... *sigh* sa kuwartong ito, ngunit sa kabilang kuwarto. At kung tatanungin niyo po... *sigh* tila nahihirapan na siyang huminga, pero pinilit niya pa ring ipagpatuloy ang mga sinasabi niya. Naghihingalo niyang sabi, "... ako kung nasaan sila. Patawad po ngunit hindi ko alam kung... *sigh* nasaan sila naroon"

"Ayos lamang iyon, ang mahalaga'y alam nating buhay sila at nandito lamang"

Hindi na niya alam kung ano ba ang uunahin niya. Ang kasamahan niya ba dito sa kuwarto, na hinang-hina na, na pawang pinahirapan ng husto, hanggang sa hindi na nito kinaya, o ang mga kasamahan niyang, hindi niya alam nasaan kung anong nangyari kung buhay pa o ayos lamang ba sila.

"Kailangan nating makatakas dito" matigas ang kanyang pagkakasabi, na wari'y nag-uutos sa kanyang kasamahan na tatagaan ang loob at maging handa, dahil may laban silang dadaluhan.

"Ngunit paano po natin iyon magagawa?" dahil sa tono ng pananalita ng kanyang Captain at kaibigan, siya'y nagkaroon ng lakas ng loob na sila'y makakatakas sa lugar na ito.

"May naisip na akong plano, ngunit hindi pa masydong malinaw" mga salitang nagbigay lalo sa kasamahan niya ng pag-asa.

"Ikaw ba'y nakagapos?" tanong niya sa kasamahan, umaasang hindi ito nakagapos upang masimulan na nila ang unang planong nabuo sa kanyang isipan.

"Hindi po" nanghihinang sagot ng kanyang kasamahan.

Sa sagot na ito, nagkaroon siya muli ng pag-asa, pag-asa na maaari silang makaalis at makatakas sa lugar na ito.

"Pwede ka bang lumapit dito at tanggalin mo ang tali sa kamay ko?" kanyang tugon sa kasamahan.

Unti –unti niyang naramdaman ang presensya ng kanyang kasamahan sa likod. At di katagala'y natanggal na tali sa kamay niya. Naghahanda na sila sa pagtayo, ng biglang bumukas ang pintuan, at bumungad sa kanila ang isang lalaking may malaking ngiti na bumabalot sa kanyang mukha.

"Sabi na nga ba at mangyayari ito" may paninigurado sa kanyang tono, na parang nahulaan na niya, na tatakas sila.

Dali-daling naming sinuntok ni Keith ang mukha ng lalaki, at hindi pa nakakadalawang suntok ay tumunba na ito. Tinulungan niya ang kanyang kasamahan upang alalayan ito. Nagpalinga-linga siya sa kaliwa't kanan, upang masiguradong walang batay.

"Coast is clear" bulong niya sa kanyang kasamahan, na silang dalawa lang ang tanging nakarinig. Dali dali silang lumabas upang hanapin pa ang iba nilang mga kasamahan.

"Keith, saan natin hahanapin ang iba? Napakaraming pinto dito. Hindi naman natin yan pwedeng isa-isahin dahil baka mahuli tayo" tila'y unti-unting ng nagkakaroon ng lakas ang kanyang kasama.

"Isa-isahin natin kung maaari, hindi natin sila pwedeng iwan" madiin niyang pagkakasabi dito.

Hindi na sila nagsayang ng oras, at isa-isa na nilang binuksan ang mga pintuan. Ngunit sa kasamaang palad, nagkamali ng bukas si Keith.

"Takbo!" isang napakalakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa hall, kasabay nito ang putok ng baril.


Love lots

That Day [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon