THIRD PERSON's POV
"Mama wala na po akong mahanap na doktor na pwede gumamot kay Papa."
Umuulan ng gabing iyon at rinig na rinig ang marahas na pag-patak ng mga tubig sa bubong ng bahay nila.
Problemado at nag-aalalang tumingin si Lyra sa kaniyang Papa. Nakahiga ito sa Papag at nakakumot. Mula pa kasi nung isang araw nagka-sakit ang Papa niya. Sa bawat oras na dumadaan ay lalo lang lumalala ang kalagayan ng Papa niya kaya nababahala siya sa posibilidad na mawala ang kaniyang itinuturing na ama. Bata palang si Lyra ay batid na niyang hindi siya tunay na anak ng msg-asawang Berenices. Sinabi rin naman sakanya ito ng mag-asawa at hindi siya nagalit. Bakit naman? Ano'ng dahilan niya para magalit? Napakalaki ng utang naloob niya sa mag-asawa at kailanman ay hindi siya nagtanim ng kung anong sama ng loob sakanila. Bagkus ay nagpapasalamat pa siya at ang mag-asawa ang nakapulot sakanya. Kahit mahirap ang buhay ay naging masaya rin siya kahit papaano.Nag-pakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Saan nga ba siya makakahanap ng Doktor kung lahat ay pabor sa mas nakakaangat at mayayaman? "Hayaan niyo po Mama. Susubukan ko po ulit mag-hanap ng Doktor at baka swertehin ako. sana nga... Babalik po ako Mama,pangako..." hinalikan niya ang Ina sa noo ganun din ang Amang natutulog. Kailangan niyang umasa,maniwala, at magpaka-tatag. Para sa Papa niya. Gagawin niya ang lahat.
"Mag-iingat ka Anak." Marahang pag-tango lsng ang isinukli niya sa Ina at agad ng tumayo si Lyra para kuhain ang coat niyang nakasukbit sa sampayan kahit na sira-sira na iyon at tinagpian nalang ng mga tela para magamit pa. Kung tutuusin mukha na iyong basahan. Pero sa'n naman siya kukuha ng ipang papalit? Gastos lang.
Lumabas na siya ng bahay at sumuong sa ulan. Wala naman siyang payong. Nagta-talsikan ang pinaghalong tubig at putik sa bawat pag-apak niya. At sa bawat pag-apak niya ay 'di niya namalayang may kotseng paparating sa kaniyang direksiyon."AAAHHHHH" natauhan siya dahil sa gulat at napagtantong papalapit ng papalapit ang kotse sakanyang kinatatayuan. Napapikit nalang si Lyra at hinintay na tumama sa kanya ang kotse. But to her surprise, walang tumama na kung ano sakanya. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Naihinto pala ang kotse may isang metro ang layo sakanya. Bumaba ang nagma-maneho ng kotse upang makita ang kalagayan niya.
"Dios Mio Iha! Ayos ka lang ba?" Tanong mg may-ari ng kotse. Tumango naman si Lyra at tumayo na mula sa pagkaka-upo sa kalsada.
"Saan ka ba pupunta Iha?" Tanong uli ng lalaki na sa tingin ni Lyra ay mga nasa edad na singkwenta na.
"Nag-hahanap po ako ng Doktor. May sakit po ang Tatay ko." Aniya. Naaalala niya tuloy ang Papa niya. Kailngan na niya nakahanap ng Doktor sa lalong madaling panahon.Samantala ay may nag-lalaro sa isipan ni Mr. Radson, ang may ari ng kotse. "May kilala ako na Doktor Iha. Matutulungan kaniya. Pero... papayag ka ba kung isama kita sakanya?" Nagulat si Lyra sa sinabi ng matanda. Nabuhayan siya ng loob. Tila hulog pa ng langit ang muntik pang makasagasa sakaniya.
"Naku! Maraming maraming salamat po sa inyo. Kailangan na po talaga ng Papa ko ng Doktor.sasama po ako."
LYRA's POV
Ako nga pala si Lyra Aquila Berenices.17. Ang Mama at Papa ko ay hindi ko tunay na parents. Hindi ko rin alam kung sino ang totoo kong parents. Sabi kasi nila Mama napulot daw nila ako sa gilid ng Highway ng bayan namin. Wala akong maalala ni katiting. Okay lang naman. Sasakit lang ulo ko.
Kasalukuyan akong nakasakay sa Passenger's seat ng kotse ni Mr. Radson. Papunta na kami dun sa kakilala niyang Doktor. Hindi parin ako makapaniwala na may tutulong na saamin. At siyempre, masaya ako. Tiyak ko na matutuwa rin si Mama at kahit papaano'y maiibsan ang pag-aalala niya.
Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse na may nga butil pa ng tubig-ulan ng dahil kanina. Madilim ang paligid at ang buwan lang ang nag-sisilbing liwanag. Ala una palang kasi ng umaga. Tahimik narin ang downtown. Sa totoo lang inaantok na ako at pasimple akong humihikab pero kaya ko naman tiisin. Sanay naman na ako. Madaling araw palang kasi ay nag-sisimula na ang trabaho sa downtown. Marami akong sideline. Huminto narin naman ako ng pagaaral ng mag-14 ako. Hanggang duon lang kasi ang edad ng pagtututuro sa bayan. Kung gusto mo naman mai-master ang abilities mo ay mag-babayad ka ng malaking halaga ng ginto at pilak para duon. At sa Royal Academy lang maima-master ang mga abilities.
BINABASA MO ANG
Royal Academy : School Of Royalties(ON-HOLD)
FantasyWelcome to Royal Academy : School Of Royalties MAGIC.ABILITY.POWER.SUCCESS "How do you survive...Royalties?