ONE

4 0 0
                                    

"so saan nga tayo bukas?"

"Ewan ko! itanong mo diyan sa boyfriend mong asungot. Yan naman ang mahilig gumala eh " ngumingising sabi ni Jasper sa mga ka'video call niya sa harap ng kanyang laptop

"excuse me bro! Sa ating dalawa mas kapani-paniwalang galaero ka kaysa sa akin noh! Ikaw pa nga ang BI sa ating tatlo eh "

Natatawa nalang si Emerald sa kakulitan ng dalawang taong nagpapasaya sa kanya araw-araw.

" Tumigil na nga lang kayong dalawa. Overnight sa beach kaya? Anong say niyo?" nakangising sabi ng dalaga sa dalawa.

" that's a brilliant idea you got there babe " sabi naman ng boyfriend ni Emerald na si Hilton James.

Si Hilton at Jasper ay mga kababata ni Emerald. Magkaibigan din kasi ang mga parents nila kaya mula nang maipanganak sila ay magkakilala na silang tatlo.

" alright then. See you tomorrow my boys! I love you "

" I love you too" sabay na sabi ng dalawang lalaki. 

Maganda si Emerald kaya hindi impossibleng magustuhan siya ng mga kalalakihan. Matangos ang kanyang ilong at napakakinis ng kanyang balat. Maliit ang kanyang mga mata at makapal ang kilay. Isang napaka simple lamang ng dalaga ngunit ito ay napakaganda. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit isang tao lang ang minahal niya, ang kanyang boyfriend na si Hilton. He was not her first love but he was her first boyfriend. Dati kasing nagkakagusto ang dalaga sa kaibigan niya na si Jasper kaya lang ng manligaw sa kanya ang boyfriend niya ay pumayag ito upang malaman kung magseselos ba si Jasper pero nang mawari niya na parang wala itong pakialam ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pagpapaligaw kay Hilton hanggang sa nahulog na ng tuluyan ang loob niya sa binata. Hindi din naman kasi mahirap mahalin si Hilton. Mabait ito, marespeto, family oriented at higit sa lahat gustong-gusto siya. Komportabe na sya sa binata dahil kilala na niya ito at alam niya na hindi siya nito sasaktan kailanman.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE HEART FOR TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon