Chapter-26

88 6 0
                                    


AUTHOR

Ilang linggo na ang lumipas mula nung huling pagkikita ni XiaoZhan at Wang Yibo at ng girlfriend nito. Simula nun wala na syang balita o naririnig sa dalawa dahilan ay sobrang busy nya ngayon sa kanyang career at show which is DDU. Aaminin ni XiaoZhan di parin nawawala ang pagmamahal nya kay WangYibo kahit na may mahal na itong iba palagi nya parin itong naiisip o di kaya hinahanap pero pinipilit parin ni XiaoZhan na magmove on na at kalimutan na ang lalaki dahil alam nyang wala na silang pag asa magkabalikan pa nito at alam nyang masaya na ito sa iba.

Kasalukuyang papasok na si Xiao Zhan sa kanyang condo unit ng tumunog ang kanyang phone kaya agad nya itong tinignan kung sino ang nagmessage binabasa nya ito habang binubuksan ang pinto ng kanyang condo.

* May reunion ang batch natin this coming next sunday please pumunta ka - JiangChen*

Naparoll eye nalang si XiaoZhan dahil pagdating sa mga gantong events or okasyon na di naman related sa career nya ay alam nya nang di sya makakapunta dahil sa sobrang hectic ng schedule nya at sobrang pagkabusy at wala syang oras para dito kaya nagreply nalang sya na "Im not sure JiangChen super busy ko this month "
Saka sya tuloyang pumasok sa condo nya pero saglit syang napatigil tiningnan nya muna ang buong madilim na paligid nang kanyang unit bago buksan ang ilaw naisip na naman ni XiaoZhan na kung gaano kadilim ang kanyang paligid ganun din kadilim ang kanyang buhay ngayon matagal syang nakatayo at nakatitig lang sa madilim na paligid ang dami nyang iniisip isa na doon ay kung paano nya matatakasan ang ganitong buhay at kung paano sya makakaalis sa madilim nyang mundo.

"Mama Shijie miss ko na kayo" bulong nya sa kanyang sarili at bago pa man tumulo ang kanyang luha agad syang gumalaw naglakad at binuksan ang switch ng ilaw.
Ganun parin ang routine ng buhay ni XiaoZhan uuwi, magbibihis, magluluto sa microwave ng kanyang dinner which is noodles di sya marunong magluto kaya wala syang choice kundi kumain ng noodles na niluto nya sa pamamagitan ng microwave naka kakain lang sya ng matinong pagkain sa labas o kaya pag dinadalahan sya ng kanyang manager ng pagkain.

Aishh bakit ba hindi ako nagpaturo kay mama noon magluto kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko"

Kumakain sya ng noodles ng magring ang phone nya.

"Mama!!

*Oh anak kumusta kana jan? Pasensya kana kung di na kami nakakadalaw jan sa tinutuluyan mo ha ang Shijie mo kasi sobrang busy sa trabaho kaya di kami makapunta ano kumusta na ang bunso ko?

Mama ayos lang po ako dito kayo po kumusta?

*Ayos lang din kami dito anak miss na miss ka na namin lalo na ako miss na miss na kita Weiying di ko maiwasang magalala sayo jan kung maayos kaba jan pakiramdam ko kasi hindi ka okay anak kaya tumawag ako kumakain kaba jan ng maayos anak?

Di mapigilan ni XiaoZhan ang di mapaiyak habang pinapakinggan ang boses ng ina sobrang miss na miss nya na ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mama pero wala syang magawa dahil wala syang panahon para mapuntahan ito. Ayaw nyang nag aalala sa kanya ang kanyang ina at Shijie kaya di nya pinahalata sa mga ito na malungkot sya at hindi na sya masaya sa kinatatayuan nya ngayon at gustong gusto nya na umuwi para makapiling na ang kanyang pamilya umiiyak sya ngayon pero di nya ito pinahalata sa kanyang mama.

Mama wag na po kayo mag aalala maayos po ako dito saka palagi ko pong kasama ang manager ko araw araw and kumakain din po ako ng maayos dito palagi po akong nilulutoan ng manager ko ng pagkain kaya wala na po kayong dapat ipag alala basta po kayo alagaan nyo lagi ang sarili nyo okay miss na miss ko na po kayo ni Shijie.

*Mabuti naman kung ganun anak basta mag iingat ka jan palagi ha. Yung palaging paalala ko hwag na wag kang papalipas ng gutom at kumain ka ng mga masusustansyang pagkain at last kumain sa tamang oras.

When The World Against Us [ YiZhan Tagalog FF] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon