Chapter-17

71 4 0
                                    

WANG YIBO

Dahil sa nangyari samin ni XiaoZhan di na muna ako pumapasok sa school hinihintay kong tupasin ni XiaoZhan ang pangako nya nya  na tuloyang magback out sa lecheng audition na yon. May reason ako kaya ayukong pumasok sa pag aartista o Showbiz si XiaoZhan o ako dahil ayaw kong matulad kami ni XiaoZhan sa Uncle ko na pumasok ng Showbiz hanggang sa sumikat sya at kinabaliwan ng lahat ang di nila alam may girlfriend ang uncle ko bago pa man sya pumasok ng showbiz mahal na mahal nila ang isa't isa pero nung nalaman ng fans ng Uncle ko na may non-celebrity syang girlfriend pilit nila itong pinaghiwalay hanggang 1 time gumawa ng petition ang fans ng uncle ko about break-up nung nabasa yon ng girlfriend ng Uncle ko sya na mismo ang nakipag hiwalay dito hindi sa hindi nya na mahal ang Uncle ko kundi sa dahil sa fans ng Uncle ko at dahil narin nagulo na ang relasyon nilang dalawa ng mga ito wala naring nagawa ang Uncle ko kaya kahit mahal na mahal nya yung girlfriend nya hiniyaan nya itong mawala sa kanya alang alang sa safety nito at pati narin sa kagustuhan ng fans hanggang isang araw nabalitaan nalang namin nag suicide ang uncle ko at nag iwan ng letter para sa Girlfriend nya pinaka tumatak sa letter na yon ay ang pinagsisihan ng Uncle ko na pumasok sya sa showbiz at hinayaan nyang mawala sa kanya ang tunay nyang kaligayahan.

Kaya ayaw kong pasukin ni XiaoZhan ang Showbiz dahil ayaw kong matulad kami sa Uncle ko. Ayaw kong magulo ng marami ang tahimik na relationship namin dalawa.

Tita anjan naba si WeiYing?

Oh LanZhan tuloy ka muna wala pa si WeiYing pero baka pauwi na yon pasok ka muna.

Hindi na po tatawagan ko nalang po sya

Oh sige mag iingat ka sa pag uwi mo!

Ilang araw na laging ginagabi si WeiYing sa pag uwi nya lagi kasi akong dumadaan dito sa bahay nila para itanong kung nakauwi na ba sya pero laging gabi na daw sya umuuwi. Namimiss ko na sya pero may usapan kaming dalawa. Dahil wala pa si WeiYing umuwi na ako makikikamusta nalang ako kay Shijie kung anong oras sya umuwi.


XIAO ZHAN

Hindi ko alam wala na akong nararamdaman kundi galit para kay LanZhan nagagalit ako dahil hindi sya nagpapakita sakin isa pa yung babaeng kasama nya so habang inaayos ko yung problema ko sa company na yon habang sya nagpapakasarap sa babae never na rin sya tumawag or text sakin at di na sya pumapasok sa school sobra ka atang nag enjoy LanZhan. Kaya ang ginagawa ko nagpapakabusy nalang din ako kasama si Jiyang nagbabasa kami ng script para sa movie yes tinanggap ko na ang movie nato at kaming dalawa ni Jiyang ang Main role ngayon wala na akong paki kung malaman ni LanZhan to.

XiaoZhan nasabi na ba sayo ni Direk kung saan gagawin ang location ng pagshoshootingan natin?

Hindi pa nga eh saan daw ba?

Sa ChongQing daw

Tika malayo yon dito sa biejing ah!

Oo nga eh kaya ang sabi ni direk kaylangan natin ng apartment doon.

Ganun ba sige sasabihin ko kay mama yan.

Next month na yung shooting namin alam narin nila mama pero sinabi ko sa kanila na wag ipaalam kay LanZhan sa una nagtaka sila kung bakit sabi ko ako na bahala.

1WEEK PASS

Saturday bukas at may lakad kami ni Jiyang titignan namin yung location site ng pagshoshootingan.
Grabe iba talaga pag friday ang daming gawain sa school samahan pa ng mga projects nakakapagod.

XiaoZhan!

Bakit Jiyang?

Pauwi kana ba hatid na kita sa inyo

Sure ka ba?

Oo kung okay lang sayo

Pumayag na ako since napagod ako today sa lesson nakakapagod na din maghintay ng bus pauwi kaya kay Jiyang nalang ako sasakay.


WANG YIBO

Iho ikaw na naman

Hello tita!

Bakit kasi di mo nalang hintayin si WeiYing na dumating ilang gabi kana pabalik balik dito halika ka pumasok ka muna dito sa loob.

Tama si Tita ilang gabi na nga ako pabalik balik dito sa kanila gusto ko makita si WeiYing pero baka aishh diko alam.

LanZhan tapatin mo nga ako okay pa ba kayo ng anak ko?

Tita sa totoo lang po tita di ko na alam gagawin ko diko alam kung kasalanan ko ba to.

Ano bang nangyari bakit walang binabanggit si WeiYing saamin

Mama!! Andito na ako oh LanZhan andito ka rin yung artista natin andito narin ba?

Sinong artista Shijie?

Ehh di mo alam edi si XiaoZhan diba nga natanggap na sya sa audition at magshoshoot na sila next month kaya after irelease ang movie artista na sya!!

Tita totoo ba tinanggap ni XiaoZhan yung movie?

Oo YanLi ang ingay mo ayan nalaman tuloy ni LanZhan isusurprise ka ata ni WeiYing kaya tinago sayo"

So tinuloy nya talaga yon mas pinili nya yon kesa sakin ayos ngayon malinaw na sakin hindi na ako mahal ni XiaoZhan di na ako mahal ng taong mahal ko.

LanZhan okay ka lang?

Okay lang po ako tita sige po uwi na po ako may dinner pa kasi kami ni mommy sa labas.

Oh sige mag iingat ka bukas alis ni WeiYing pupunta syang ChongQing hanggang linggo sya doon kasama yung partner nya.

Partner? Akala ko ba random role yung kinuha nya another kasinungalingan WeiYing di na talaga kita kilala.

Tita sino po partner nya sa movie? Main role po ba sya?

Ayy oo sya nga ang bida ang kapartner nya yung classmate nya si Song Jang? YanLi sinu nga yon?

Song Jiyang po mama.

Oo yoon.

Song Jiyang tsk! Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas pagkalabas ko ng gate saktong dating ng sasakyan kaya pinagmasdan ko kung sino sakay nito di ako nagkamali si WeiYing nga at ang lalaking sumira sa relasyon namin.
Di ata ako napansin ng dalawa kaya nagusap pa sila ng ilang segundo bago lumabas ng sasakyan si WeiYing at hinintay nya pang makaalis yung gagong yon ha tsk.

LanZhan....

Nagulat sya ng makita nya ako nagtitigan lang kaming dalawa bago sya naglakad ulit papunta sa gate nila.

Tinanggap mo na pala"

Natigilan sya at humarap sakin ngumiti ako sa kanya bago nagsalita ulit.

Ngayon alam ko na WeiYing alam ko narin ang sagot ang masasabi ko lang Congratulations sa napili mo sana maging masaya ka sa naging decision mo sana di mo pagsisihan ang pinili mo at wish ko ang successful ng movie na gagawin nyo ni Song Jiyang salamat sa lahat XiaoZhan aalis na ako.

Kasabay ng patalikod ko sa taong mahal ko ang pagtulo ng luha ko hindi ako makapaniwala na magtatapos rin pala ang relasyon na matagal naming iningatang dalawa mas lalong di ako makapaniwala WeiYing choose his career over me sabagay don sya masaya ngayon na tapos na kami nagpapasalamat nalang ako at nakilala ko si WeiYing at naging bahagi ng buhay ko kahit na hindi naging kami sa huli.


When The World Against Us [ YiZhan Tagalog FF] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon