Nakaupo ako ngayon sa sofa ng condo ng kung sino man tong lalake na ito. Nakabihis na din ako ng sout ko kagabi. Habang siya ay nakasout lamang ng puting bathrobe.
Inilapag niya ang kape sa center table kaharap ko. Printi siyang umupo sa kabilang upuan kasabay ng paghigop niya sa hawak na kape.
"Apartment mo ba ito? Paano ako napunta dito? Sino ka? Anong nangyari kagabi sa bar? May naganap ba sa ating dalawa kagabi?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.
"Yeah apartment ko 'to. Dinala kita dito, obviously. You really don't know me? Nakatulog ka matapos mong kunin ang phone mo. And.... walang naganap sa ating dalawa." Sunod-sunod din niyang sagot.
But he didn't answer my question of who the hell is he.
"Okay, thank God. Pero sino ka ba?" Tanong ko ulit sakanya.
"Di mo na talaga maalala? Schoolmate mo ko sa high school." Tumingin siya ng makahulugan sa akin.
"Madami akong schoolmate sa highschool." Diretsa at bored na sagot ko.
"This face. You can't really remember?"
Ibinaba niya ang kapeng hawak at nag-form ng V-shape ang mga kamay tapos ay inilagay ito sa ilalim ng baba kasabay na ngumiti siya.
Napatitig naman ako sa mukha niya. Pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha.
Pogi siya, thick brows, kissable lips, sharp nose and his eyes will surely melt you down when you look through it. After studying his face it finally sink it.
It's him.
Kris Delta.
"Kris? As in Kris Delta?" Mangungumpirma ko sakanya.
Ibinaba na niya ang kamay at tumango.
"Okay so ano haha. Paano? Bakit? Haha." Akward na sabi ko.
"Pumunta ako kahapon sa bake shop mo para kausapin ka kaso biglang dumating si handler aka si Shane yung kaibigan mo so I decided na sundan kayo kahapon then the rest happened." Pag-amin niya.
"Ikaw yung model na hinahandle ni Shane?" Gulat na tanong ko.
"Yes. Di niya sinabi sayo?"
Haynako Shane. Umiling ako bilang sagot sakanya.
"Ikaw yung naka-mask kahapon?" Tanong kong muli.
"Oo." Sagot niya at ngumiti muli.
He's smile is still the same. Makalaglag boxer este wala akong sinabi.
"Ano ba yung gusto mong pag-usapan natin kahapon?"
"Gusto ko lang mag-apologize about what happened 7 years ago." Krist answered.
Yun lang pala. Nakalimutan ko na iyon e.
"Ah yun. Okay lang. Move on na ako dun. Haha." Sagot ko sakanya ng may katapatan.
"Seriously, I'm really sorry. I was such a douchebag before. I just want to show-off with my friends before. Gusto kong mag-sorry after non pero wala ka na nabalitaan ko nalang na nag-migrate na pala kayo noon. Sorry talaga Bloom."
Litanya niya.
All this time he felt guilt while I already moved on.
I smiled lightly after hearing those words from him.
"It's fine Kris. Naka move on na ako. Dahil din sa ginawa mo, I found the purpose to show the real me."
Sinsero kong sagot sakanya.
BINABASA MO ANG
I, Bloom (BL)
Aktuelle LiteraturA second short story. Synopsis: About the gay man Bloom Armoire who likes the straight man Kris Delta. On their graduation day Bloom decided to confess to Kris before going to Paris for college. But when it comes to confession. Nothing goes right...