5 of 5

13 2 0
                                    

"I, Bloom successfully announces that the 3rd branch of Armoire Deluxe is successfully done and open now for all."

Anunsyo ko sa mga dumalo ng opening ng 3rd branch ng shop. Sabay-sabay naming ginawa ang cutting ribbon na kung saan katabi ko si Kris na endorser at model ng shop at ang mga investors.

Isa-isang nagsipasukan ang mga tao sa shop para kumain at kinausap ang ibang costumers.

Si Kris naman ay tumulong sa counter para kuhanin ang mga inorder.

1 year and 2 months palang ako dito sa Pinas pero naka-tatlo na ako ng shop dahil na din ito sa tulong ni Shane lalo na si Kris na endorser at model ng mga cakes.

Boung araw busy ang shop at malapit na mag-8 ng magsarado kami.

"Let's celebrate guys!" Pag-aaya ni Shane sa amin.

"Go ra kami!"

"Arats!"

"Sigeee!"

Sabay-sabay na sagot nina Lia, Luis at ng iba pang mga trabahante sa shop.

"I'm in." Sagot din ni Kris.

Tumingin naman silang lahat sa akin. Natawa ako ng onti sa mga mukha nilang nagsusumamo.

"Tara. My treat!" Sagot ko sakanila.

"YEEEEEEY!" They cheered in chorus.

Nasa korean grill restaurant kami ngayon. Nag-order na sila ng unlimited samgyupsal, 3 bowls of beef soap, spicy noodles para sa lahat at bottles of soju and beer.

Pagkarating nag pagkain ay nagsimula na ang iba kumain ng spicy noodles. Sina Lia, Luis at Kris ay nag-grill ng baboy. Tinulungan kong gumawa ng soju bomb si Shane at isa-isang ibinigay sakanila.

Tumayo ako at sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Guys, kung hindi dahil sa inyo hindi magiging successful ang 3rd branch natin. Salamat din si pogi nating endorser na si Kris! Palakpakan natin isa't isa."

Anunsyo ko at tumingin kay Kris na katabi ko sabay nag-bow ng kaonti sakanya.

Nagsi-palakpakan naman silang lahat.

"And because of that, let's toast for this success and hard work of everyone!"

Nag-cheers kaming lahat at ininom ng diretso laman ng basong hawak.

Lumalim ang gabi at isa-isa ng nag-si uwian sina Lia at ng iba pa na kung saan lasing na yung iba.

Ang naiwan nalang ngayon ay ako, Kris, Shane at Luis. Malakas na ang tama ng alak kay Shane at Luis dahil nag-sasayaw habang kumakanta na silang dalawa. Si Kris ay para wala lang sakanya yung alak dahil tumatawa lang siya. Habang ako ito tipsy at medyo inaantok na.

Nakatukod ang dalawang siko ko sa ibabaw ng mesa at pinagdikit ang palad at nag-form ng V sabay lagay ng baba ko dito.

Biglang lumuhod sa harap ni Shane si Luis.

"Ma'am Shane! Hik! Will you-"

Biglang nadighay si Luis kaya di niya natapos yung sasabihin niya.

"Ew! An bahooooo ng hininga mwo Ruiiis! HAHAHAHA!"

"Sworrry! Hik. Ulit! Ma'am Shane! Will you hik mwarry me?!"

Ulit na tanong ni Luis.

Omg.

"Say yes say yes say yes!"

Sabay na sigaw namin ni Kris.

"Yieeee Ruis nameeen e! Of course yes!"

I, Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon