14
Malamig na simoy ng hangin, dala ng mga hamog.
Amoy ng kapaligiran, na para bang nililinis nito muli ako.
Huni ng mga ibon na siyang bumabalot sa paligid, na tila mga nagsisi-awitan at sinasalubong ang pagbabalik ng kung sino.
Dahan-dahang dumampi sa pisngi ko ang init na dala ng sikat ng araw.
"Panibagong araw." kusang pagbanggit ng bibig ko kasabay ng pagdilat ng aking mga mata.
Pagsikat ng araw.
Pagkamangha ang bumalot sa'king damdamin kahit na pakiramdam ko ay hindi lang ito ang unang beses na ito ay aking nasaksihan.
Mula sa kalangitan, dahan-dahan kong itinungo ang aking ulo. hanggang sa dumampi ang aking mga tingin sa ibaba.
'Di ko namalayang halos bumilog na ang mga bibig ko sa pagkamangha pa lalo sa mga tanawing nakikita ko ngayon.
"Pagbati mahal ko," tumayo siya at inilahad ang mga kamay sa harap ko na siya paring aking tinanggap sa kabila ng pagtataka. "Handa ka na ba?" Nakangiting pagkasabi niya.
Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon para sumagot, at hinatak niya agad ako sa nakahandang picnic mat. May mga nakahanda naring mga pagkain dito.
Apple...
Grapes...
Bacon...
Scrambled egg...
Tinapay na tskolate ang palaman...Teka mga paborito ko 'to ah?
"Teka nga mahal ko, ano ba itong mga 'to? Para saan 'to? Sino ka ba?" Nagtatakang tanong ko.
Natigil siya sa pagpapalaman ng tinapay at dahan-dahang tumingin sa'kin na para bang may kakaiba akong sinabi.
"Ano ulit tinawag mo sakin?" dahan-dahan niyang tanong habang naluluha at nakahawak sa dibdib.
Tinawag?
Hindi na 'ko nakapagisip pa nang bigla niya akong hatakin palapit sabay niyakap ng mahigpit.
Weird, yan lang ang tumatak sa isip ko mula noon.
Tapos na kami kumain at nandito na kami sa kotse niya. ang sabi niya ay may dadaanan lang siya saglit.
Hindi parin ako maka recover sa mga nangyayare! Ano ba 'to? Anong ginagawa ko? Bakit siya umiyak? Ano yung tinawag ko sakanya?
Napahinto ako sa pagiisip ng biglang huminto ang sasakyan. Agad akong sumilip sa labas, "Hospital 'to ah?" Sabay balik ng tingin sakanya.
"Oo saglit lang ako, may aasikasuhin lang ako. 'Wag kang aalis dito ha!"
Tinignan ko siya na parang nagtatanong.
"Wala akong sakit." Inirapan niya ako. May binulong pa siya ngunit 'di ko ito narinig.
"Ano? 'Di ko narinig."
"Wala, ang sabi ko wag ka umalis. seryoso ako!" At sinara niya na ang pinto ng sasakyan.
Ano naman gagawin ko dito?
Tumingin-tingin pa ako sa labas kaso hindi ko alam bakit hindi ko magawang lumabas. Kaya naghanap nalang ako ng mapaglilibangan dito.
Kinapa ko yung bulsa ko at naramdaman ko yung cellphone ko kaya naglaro nalang ako ng ML.
"Puta naman bobo! Nag-adjust na nga ako tank tapos ganyan pa ipapakita mong galawan sa'kin? Tankinamo!" Sigaw ko na para bang iniisip kong nasa tabi ko yung kakampi ko na anumang oras ay masusuntok ko siya mukha!
Defeat!
Binagsak ko dalawa kong kamay sa sobrang inis! Report ka sakin langya ka!
"Tagal naman nun." Bulong ko sa sarili ko sabay tingin-tingin sa labas pero di ko parin siya nakikita. Napabuntong-hininga nalang ako at naghanap ulit ng mapaglilibangan.
Binuksan ko yung mga drawer at nakita kong madaming folder doon.
"Ano t--" Bago ko pa makuha yung folder ay bumukas na yung pinto at agad niyang sinara yung drawer.
"Tagal mo ah." Pagrereklamo ko.
"Bakit na miss mo ba ako baby?" Nakangiting sabi nito sabay kindat pa.
"Saan na tayo pupunta? Kailangan ko na umuwi."
"'Wag ka mag alala dun ang punta natin."
"Alam mo bahay ko?" Nagtatakang tanong ko.
"Bahay natin." Paglilinaw niya na may pagtaas pa ng isang daliri. Nagkibit balikat nalang ako at inisip na nagloloko lang siya.
Habang nasa daan ay sumusulyap-sulyap ako sakanya para tignan ang reaksyon niya. Seryoso ang mukha niya habang nagmamaneho kaya hindi ko siya kinausap.
"'Wag mo 'ko titigan kinikilig ako." Pabiro niyang sabi pero mukha talagang kinikilig siya.
"Teka nga magusap muna tayo. Sino ka? Bakit mo ako tinatawag na mahal? Bakit alam mo yung bahay ko? Baki--" Naputol ang pagsasalita ko nang huminto siya at tinakpan ang bibig ko gamit ang daliri niya.
"Sa loob na tayo magusap." Bumaba siya at pumasok na sa loob kaya agad ko siyang sinundan.
"Okay, nasa loob na tayo. Care to explain?" Medyo naiinis na ako.
"Kalma umupo ka dito." Tinignan ko lang siya. Narinig ko pa ang pag buntong-hininga niya bago magsalita.
"Ken, ako 'to si Asha. Ako 'to si Asha na mahal na mahal ka!" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumayo siya sa pagkakaupo at unti-unting lumapit sa akin habang may dala-dalang folder sa kaliwang kamay. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dahan-dahang inilagay ito sa dibdib ko.
"Asha." Halos pabulong na sambit niya habang nangingilid ang mga luha.
Sa hindi mapaliwanag na dahilan, Nanlambot ang mga tuhod ko at may nagbabadyang luha sa'king mga mata.
May inilabas siyang papel galing doon sa folder na kasama sa titignan ko sana kanina. Dahan-dahan niya itong inabot sa akin.
Kinuha ko ito at dahan-dahang binasa.
Paanong?
Humigpit ang paghawak ko sa dokumentong kahit kailan man ay hindi ko naisip na mayroon kaming dalawa.
Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Inalalayan ako ni Asha sa sala at binigyan ako ng tubig. Pagkatapos ko iyon inumin ay tinignan ko siya diretso sa mata.
"Sa tingin mo ba maniniw--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumakit ng todo ang ulo ko at ang lahat ay nagdilim.