Chapter 3

11 0 4
                                    

8

"Bakit ang dami mong dinala, saglit lang naman tayo dun?" Tanong ko dahil napansin kong puno ang bag niya.

"Basta 'wag ka na magtanong, kulit mo naman eh!"

Kahapon ay buong araw lang kaming nagpahinga ni Asha sa hotel dahil inumaga na kami sa pag-inom nung unang gabi namin dito. Sa sobrang kalasingan pa nga ni Asha ay balak niyang lumangoy sa dagat kahit madaling araw na non. Buti nalang, kasama niya ako at sabay kaming nagtampisaw sa dagat dahil pareho kaming nalasing.

Napagplanuhan naming mag cave trip at sumakay ng bangka sa lake Danao.

"Isa rin ba 'to sa mga nagawa natin dati?" Tanong ko.

"Oo," ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "'wag mo i-stress ang sarili mo. Mag-enjoy lang tayo mahal, okay?"

Tumango lang ako at pagkatapos ay natahimik na kaming dalawa.

Pagkarating namin sa lugar ay nakita ko kaagad ang butas na may katamtamang laki at may plaka sa taas nito na nagsasabing 'Welcome to Timubo Cave!'

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Asha habang pabalik-balik ang tingin nito sa akin at dun sa butas ng kweba. Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Tara na." Aya ko. Tumango lang siya at tinawag sila manong para gabayan kami sa loob.

Sa unang bahagi ng kweba ay maliwanag dahil sa mga ilaw na ikinabit sa mga pader. Kitang-kita ang mga hagdanan at mga malalaking bato. Hinigpitan ko ang hawak kay Asha dahil madulas ang daanan, may parte ng kweba na may tubig at mabato sa ilalim. Sa sumunod na parte nito ay medyo maliwanag pa rin.

"Maluwag na sa parteng ito at malalim ang tubig kaya dito naliligo ang karamihan" sambit ni manong.

Lumubog na kami sa tubig at mabuti nalang ay pinagsuot kami ng life vest ni kuya bago kami pumasok sa kweba. Ang susunod na parte ng kweba ay madilim na at masikip. Liwanag na nagmumula sa flashlight na nakasuot sa ulo namin ang tanging nagsilbing gabay.

"Mahal tanggalin ko 'tong vest, 'di ako makahinga." Bago pa ako makasagot sakanya ay natanggal niya na 'yon agad. Kaagad na lumubog si Asha at sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako.

"Kuya si Asha lumubog!" Paulit-ulit kong sigaw.

Tinignan lang ako ni manong kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Halos sampung segundo nang nakalubog si Asha at wala pa rin ang kumikilos.

Tatanggalin ko na sana ang vest ko nang maramdaman kong kumapit siya sa paa ko kaya agad ko siyang inangat gamit 'yon.

Nang maabot ko siya gamit ang kamay ko ay inangat ko siya tuluyan sa tubig. Nakapikit lang ang mga mata niya at naka-buka ng kaunti ang bibig. Tila nanigas ako sa pwesto ko at hindi pa rin alam ang gagawin. Sumigaw si manong na ideretso muna ang paglangoy dahil wala rin kami magagawa kung nandun lang kami sa tubig. Inunahan ko na sila habang hawak-hawak ko si Asha sa kabilang braso ko. Nangalay ako sa kakalangoy at parang bibigay na pero nagawa ko pa rin makarating sa dulo.

Kaagad kong pinatong si Asha sa mga bato at pinakiramdaman ang pulso niya. Nang malaman kong may pulso pa siya ay niyugyog ko siya ng tatlong beses ngunit hindi pa rin siya dumidilat. Sa taranta ko ay binomba ko pa rin ang dibdib niya kahit may pulso siya.

Nagulat ako nang bugahan ako ni Asha ng tubig sa mukha at kasabay non ang malakas na pagtawa niya. Tinuro niya ang mukha ko habang tumatawa at nakahawak sa dibdib.

"Manyak ka mahal! May pulso naman ako ah bakit mo ginawa yun." Pabiro niyang tinakpan ang dibdib niya kahit medyo natatawa pa siya.

Napaupo lang ako sa sahig at natulala sa mga panyayari. Nanghina ang mga tuhod ko kaya niyakap ko nalang iyon para matigil ang panginginig. Nakita kong lumapit si Asha sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nang maramdaman ko ang mga kamay nito sa balikat ko ay kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

14 days, foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon