Chapter 1

26 1 0
                                    

13

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko!

"Rise and shine pogi!" Nakangiting bungad sa'kin ni Asha.

"Alam mo asha,"

"Yes baby?" Sabi nito habang may pagkurap-kurap pa ng mga mata at magkadikit ang kanyang mga kamay.

"ASHAma ng ugali mo!" Sabi ko sabay bato ng unan sakanya.

"Eto naman di mabiro, tara na luto na yung almusal mo mahal na hari" Pabirong sabi nito habang naka bow palabas.

Nandito na naman lahat ng paborito kong almusal ah. Nagsisimula na 'kong maniwala sakanya.

"'Wag mo ko bigyan ng ganyang tingin, duda ka parin ba?"

"Salamat." Hindi ko na pinansin ang tanong niya at sinimulan nalang ang pag kain.

Habang kumakain kami nagsasabi siya ng mga plano namin kuno na gagawin ngayon. Um-oo nalang ako sa lahat ng sinabi niya dahil alam ko namang hindi siya papapigil, sa itsura niya palang ngayon parang excited na siyang puntahan ang mga 'yon.

"Napuntahan mo na ba lahat 'yon?" Tanong ko.

"OO! Maraming beses na!" Excited niyang pagkasabi.

"Eh bakit excited na excited ka parin?"

Ngumiti siya ng mapait at tinapos ang pagkain niya. Tinapos ko na din ang pagkain at tinulungan siya sa pagliligpit. Naligo na din kami pagkatapos dahil sabi niya maaga daw kami ngayon para mapuntahan lahat ng gusto niyang puntahan.

"Excited ka na ba mahal?" Sabi nito na para bang kumikislap ang mga.

"Ako talaga tinanong mo ah." Sabi ko at tinawanan siya.

Nag pout siya at pumasok na sa kotse.

Naiwan akong nakatulala.

Ang cute

"Ano tatayo ka lang diyan?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig doon. Umiling ako bago pumasok sa kotse. Langya! dale ako dun ah.

Buong biyahe tumutugtog mga paborito kong kanta, kaya napapasabay ako at nagugulat ako kapag sumasabay din siya.

"And I've got all that I need, right here in the passenger seat." Pagsabay naming dalawa sa kanta at nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

Nakapagtatakang ang gaan agad ng loob ko sakanya.

Huminto kami sa isang magarbong kainan sa tagaytagy at mapapansing kakaunti lang ang mga kumakain dito.

"Mahal 'ata dito, dun nalang tayo sa iba." Bulong ko sakanya.

"Mas mahal kita kaya gusto ko sa so--" agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Ano ba! mamaya may makirinig sayo baka ano pa isipin nila!"

"Ano bang sinasabi mo diyan? Gusto ko sa sosyalin tayo kakain kase mahal kita. Ano ba iniisip mo?" Sabi niya ng may mapangasar na ngiti.

"Wala sige dito nalang." Tinanggap ko na ang pagkatalo at naglakad papuntang table na nasa bandang dulo, para mas makita namin ang tanawin habang kumakain kami mamaya.

May lumapit saming crew para kumuha ng order namin. Si Asha ang pumili para sa kakainin namin.

Bulalo, dalawang lomi, at apat na kanin ang inorder niya.

Nilapit ko ang mukha ko sakanya para bumulong. "Dami naman 'ata ng inorder mo?"

"Sinasabi mo bang matakaw ako?" Sinamaan niya ako ng tingin at agad akong napaayos ng upo dahil dun.

14 days, foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon