Man in the dark

7 0 0
                                    

"Kayo ba ang dapat sanang magbantay sa  fermenting section?" Tanong ko sa mga takot na takot na mga bantay.

"O-opo Ms. Cartier. Wala po kasing nakaalalang magbantay sa section na iyon sapagkat—

"Dun kayo nakaassign! Yun yung responsibilidad niyo, mga rason niyo bulok. Hindi niyo na maibabalik yung tatlong dalaga ngayon na nawalan ng buhay dahil sa kapabayaan niyo!" Putol ko sa sasabihan niyang walang kwenta.

"Patawad po Ms. Cartier, hinding hindi na po mauulit." mangiyak ngiyak nilang tugon.

"Hinding hindi na talaga mauulit kasi bukas magiging kargador na kayo." Kalmado kong tugon at umalis nalang na parang walang nangyari.

Not bad ang pagiging kargador, masasabi kong maayos ang lagay ng tribo dahil na rin sa maayos ang aming komersyo. Maging ang mga kabilang tribo ay bumibili pa.

Sumunod naman sa akin ang dalawa kong kaibigan. "Wow! Di ba natin paguusapan yung nangyari kanina? Tsaka ano daw? White Lilium? Cursed?" naguguluhang tanong ni Rine.

"Please, don't ask. Wala akong idea sa nangyayari. Lalo na yung White Lilium!" Nauubos na pasensyang tugon ko. "Axel, sabihin mo kay ama lahat ng nangyari kanina" dagdag ko pa.

"Sure Allie" ngiti nito sakin at naglalakad na sa ibang direksyon.

Dumiretso na si Rine sa kanyang silid at ganun din ako. I took a shower and here I am, wearing my favorite robe.

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin, combing my long wavy hair.

My hair's naturally red, my eyes are brown.  I have a firm complexion and nice curves. Hindi naman sa nagmamaganda pero maganda talaga ako. I got it from my mom, but my mom died when I was 3 years old.

Di mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Nagshoshower na ako't yun pa din ang iniisip ko.  Ganun na ba talaga sila kaloyal? pinaslang ang sarili ng ganun ganun lang? Eh paano nila masheshare sa nakakataas ng obserbasyon nila? kung papatayin lang din nila ang sarili nila.

There must be something!

"Oh shit! shit!" nagkukumahog akong pumunta sa closet at nanghila na lamang ng isusuot. Isinuot ko na din ang slides kong regalo ni Axel sa akin. Patakbo akong umalis sa room ko at diretso ang gawi sa lugar kung saan nakatali ang dalawang bihag! Hindi pwedeng pupunta punta sila dito ng walang dala manlang. At posible ding may naguntie or nagpakawala sa lalaking nasa kaliwa habang busy ako sa isa!

Malapit na ako, ngunit hindi ko na nakikita ang bangkay ng dalawa. Kinuha ko ang taling andun parin sa kaliwang puno at inusisa ito.

Tama nga ang kutob ko! Halatang kinutsilyo ang tali. May ibang tao pa noon bukod sa amin, kinilabutan ako sapagkat wala akong dalang armas o kung ano mang pwedeng pamproteksyon. Tinignan ko ang aking sarili

I am wearing my maroon satin dress na may maninipis pang strings! Naalala kong nagmamadali pala ako papunta rito. 

Oo, taga-gubat ako pero di kami salat sa mga gantong outfit noh! May mga nagtitinda din ng mga ganto kahit na mura ay maganda naman ang pagkakagawa nito. Ngunit mas maganda't mamahalin ang mga nasa palasyo!

Bago pa ako mainis ng tuluyan ay ay gumalaw sa bandang kanan ko, bigla ko itong hinarap. Pinakiramdaman ko ang palagid, tila ba ay may nakamasid.

Please, not now. Nakadress lang ako for fuck sake!

Bigla ay may lumipad na arrow! Buti ay sa puno ito tumama.

Archers from the kingdom shit! I'm doomed.

Dali dali akong nagtago sa isang malaking puno, wala akong magawa. He or she is one of the archers! Pano ko yun haharapin??

I heard someone giggled! And its

I slowly turned my head up to the tree, seeing its branches and leaves. But  I can't see anyone in there!

"Who are you!? You crazy bat" buong lakas kong sabi, sapat na ang lakas upang marinig niya ito. Mahirap na kung may iba pang kalabang makarinig, baka bukas pinaglalamayan na ako.

Another arrow na naman ang bumulusok! Buti ay naiwasan ko ito.

"Kung may dagger lang akong dala dito, matagal ka ng patay. Swerte ka nakapantulog ako!" reklamo ko sa sarili ko habang pinapagpag ang mga tuhod kong nalagyan ng lupa dahil sa mabilis na pagiwas ko kanina.

Someone giggled again. And I'm sure na lalake yun! Ngunit nagulat nalang akong sabay sabay na arrow ang papunta sa direksyon ko!

Magtatago na sana ako sa likod ng isa pang puno ngunit naramdaman kong may humawak sa aking tagiliran at mabilis na ipwinesto sa taas ng puno! Who is this guy!?

"Hoy sino ka? Kauri ka ba namin? Bakit ka andi" tuloy tuloy kong tanong na ni huminga ay hindi magawa dahil sa halo-halong emosyon.

"Sshhhhh, they will going to kill you if you are this loud you know?" putol niya sakin! What? Siya pa tong masungit? Unggoy siya! Napansin ko nalang ang itsura namin. Bahagya akong nakatagilid sa kanya ngunit malapit kami sa isa't isa! Ramdam ko ang kakisigan ng muscles niya sa harap. Oh no! Behave Allie.

Pinagmasdan ko ang mukha nito. Di ko makita ng husto ngunit halata ang katangusan ng ilong, may mga magagandang mga mata, tila kumikinang pa ito. Sakto ang hugis ng mga labi nito, at ang hugis ng mukha nito'y talagang bumagay din sa kanya.

Itinago ko ang pagkamangha sa mukha nito sapagkat maaring siya ay isang kalaban. "Anong ginagawa mo dito? "mahina kong tanong na halos pabulong na.

"Giving a warning to you, Allie. Save your people. They are aftering the white lilium." Seryoso nitong  sabi na hindi inaalis sakin ang paningin. "How did you know my name?, why are you doing this? who are you to warn me? and that white Lilium, what is that?" Curious kong tanong kasi damn naguguluhan ako.

"I heard your name and it's Allie. Seems like you are the boss here, I guess." kibit-balikat nito. "I don't know what's the meaning of white lilium but it is written in a book or something. They are all desperate to end the life of everyone especially  teenagers. Yung mga gaya mo ay hindi na dapat lumalabas."  mahinahon niyang sabi

Kung nagsasabi siya ng totoo ay malaking problema nga ito. "Bakit? Bakit niyo ito ginagawa?" siningkitan ko ang mata ko na animo'y interesado sa sasabihin.

"The white lilium will ruin everything in the kingdom. It will create war and death. A curse, it is a curse." napatingin ito sa kawalan habang sambit ang huling mga salita. "Bakit kami lang na mga babae ang pinapatay? Nakasulat din ba yun sa librong sinasabi mo?" tila'y di ako nawawalan ng mga tanong.

"I don't know what's written in that book, I am not even sure if that's a book actually but they are killing girls just to end this. They don't know this girl kaya lahat papatayin nila."

"Who is that girl?" tanong ko agad dito.

A girl named Luciana is possessing the powerful white lilium.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Curse of the White LiliumWhere stories live. Discover now