MT. BETHANY

8 0 0
                                    

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka naparito?" Kalmado kong tanong sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Makisig ang pangangatawan nito na may malalalim na mga mata, mukhang nasa mid 30s ang kanyang edad. Gayunpaman, masasabi kong hindi pangangaso ang pakay nito sapagkat nahuli siyang nagmamasid sa aming tribo.

"Sumagot ka, sino ang nagpadala sayo rito" isang malumanay ko pang tanong.

Ngumisi siya at pawang tumatawa pa.

Mabilis kong kinuha ang balisong sa bewang ko at sinadyang tamaan ang punong nasa likod nito.

Nagulat ang lalaki. At bahagyang nalagyan ng takot ang sistema nito batay sa kanyang itsura.

"Reinharts" tipid nitong sagot.

Hinahabaan kong muli ang aking pasensya sapagkat kailangan ko pa ng mas detalyadong impormasyon sa taong to. Hindi ko alam kung bakit ginugulo na naman kami ng mga Reinharts. Sila ang mga naghahari sa palasyo at matagal na kaming walang koneksyon doon.

"Anong meron sa Kaishi journal na yun kung ganon at tila may binabalak ang Hari?" Nauubos na pasensyang tanong ko. Bago pa man ay nasabi niya na ang Kaishi Journal. At nasa journal na iyon ang dahilan kung bakit siya nandito.

Tumawa lang to ng pagkalakas lakas na walang balak sagutin ang tanong ko.

Sa pasensyang itunuon ko dito ay tila naubos ito agad. Mabilis akong lumapit dito at ginilitan ang leeg nito.

"Mahal ang pasensya ko lalo na sa taong tulad mo" walang emosyon kong sabi.

"Tila mas mapanganib na maubos ang pasensya mo anak" tatawa-tawang anya ng aking ama.

"Wala na akong magagawa kung ayaw magsalita at kating kati na ako pumaslang ng tao sa palasyo." tugon ko habang papalayo sa kanila.

Napatingin ako sa kamay kong puno ng dugo, tumutulo-tulo pa ito. Sana dugo nalang to ng hari at reyna ng palasyo tss.

Bago pa ako makapasok sa aming bahay ay naghugas na muna ako ng kamay sa malapit na poso. Ayokong matuluan ng dugo ang maganda kong silid noh.

"EVERYONE, Mag-iingat kayong lahat. Hindi natin alam kung anong pakay ng mga tao sa palasyo. Hindi lang ito ang magmamasid sa atin, wag kayong matatakot. Kung may kahina-hinala ay ipamigay alam sa akin." rinig kong sigaw ng aking ama sa mga katribo namin.

Nandito na ako ngayon sa aking silid. Tanaw na tanaw ko halos ang kabuuan ng aming lugar mula sa bintana. Dito sa Mount Bethany kami ipinatapon kaya ang tribo namin ay kilala bilang Bethany Tribe. Bata pa lang ako ay galit na ang nararamdaman ko sa namumuno ngayon sa palasyo. Mga wala silang puso, ang tribo lang namin ang ipinatapon sa kawalan!

Pinapakiramdaman ko ang fresh na hangin na galing diretso sa gubat. Ang lugar namin ay napapaligiran ng mga maliliit at malalaking burol. Ang mga puno ay nagsisitaasan, nagkalat din ang mga mababagsik na hayop maging ang mga halamang nakakalason. Ang mga mumunting bahay ay gawa sa kahoy, nipa at iilang semento lamang. Sementado ang mga bakod para na rin sa proteksyon ng tribo mula sa mga mapanganib na hayop or kung kanino naman.

Simple ang buhay dito kumpara sa palasyo na sumisigaw ng karangyaan. Ang populasyon namin ay sakto lamang para pamunuan ng aking ama. Kahit na simple ang buhay dito ay masasabi kong masaya kami. Lahat ay natutong maghanap ng makakain sa gubat, lahat ay natutong makipaglaban sa mga mababangis na hayop. Doon kami nakakalamang sa mga tao sa palasyo.

Hindi ganto ang buhay namin noon ayon kay ama.  Ang tribo namin ay malayang nakakalakad sa loob ng palasyo sapagkat ang katulad namin ay kilala bilang mga warriors. Subalit kami ay ipinatapon sa bundok na ito. At hindi ko alam kung bakit at paano ito nangyari!

Curse of the White LiliumWhere stories live. Discover now