Here are the references for the coffee shop where Faustine works. Credits to the rightful owners of the photos :)
***
Selos
Weeks passed by at di ko parin nasasauli ang ipinahiram na damit ni Felix sakin. Char! Kala mo talaga sobrang close namin eh no? First name basis. Bahay-School at ngayon nasa work ako sa coffee shop. I am a working student di naman kasi kami mayaman saktong nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw.
Single parent si Mama kaya ay napilitan syang mangibang bansa upang magtrabaho para matustusan ang pangangailangan ko. Tatay ko naman, wala na, sumakabilang bahay na.
"Fauste!" tawag sakin ni Adney pagkapasok niya sa coffee shop na pinatatrabahuan ko at may dala syang paper bag.
Adney's curls were midnight black and his eyes were dark brown, framed by graceful brows. He had prominent cheekbones, a well-defined chin and nose and He's an extrovert. Ajaxx is much a mature one, he has a feature of a Chinese but he's not a Chinese and Akio has a features of a binatang Filipino— friendly, tall, dark and handsome.
I don't know why people always asked me kung bakit ni isa sa kanila ay wala akong dinate. Simple, ayokong jumowa ng kaibigan.
" Oh? Ikaw pala Adney! Sandali langihahatid ko lang tung order dun sa customer."
Pagkabalik ko galing sa kabilang mesa ay kinuha ko ang order niya."Anong order mo?" tanong ko sa kanya ng di sya tinitingnan.
"Same parin nung inorder ko last time. Nga pala, kumusta ka? Balita ko na ospital ka daw last week?"
"Ah oo, nakalimutan ko kasing dalahin yung payong ko kaya naulanan ako."
"Tss, dapat kasi di mo kinakalimutan dalahin yun. Sobrang dali mo pa namang madapuan ng sakit."
"Opo, Itay! Di na po mauulit." I heard him chuckle when I call him Itay. Silang tatlo para ko ng Tatay, palagi akong pinapagalitan pag nagkasakit ako. Matanda sila ng 2 years kaya parang bunso ang turing nila sakin.
"Oh! sya nga pala anak, ako'y aalis na upang mangisda eh." pabirong sabi niya at umalis na dahil may gagawin daw silang group project. He hugged me before he left.
"Paalam, Itay! Mag iingat ka at baka iba ang mabinggwit mo!"
Nililinisan ko ang table na nasa dulo ng coffee shop. Tumunog ang door chimes hudyat na may customer na pumasok. Tinigil ko ang ginagawa ko at binati ang customer.
"Magandang G....abi po," naputol ako saglit sa pagsasalita dahil di ko inaasahang tao ang pumasok sa shop. Si Felix. Nakasuot sya ng light blue, button-down short sleeve uniform with a school pin on his left collar and a school ID. He was carrying a messenger's bag on left shoulder and a drawing storage tube. He's an Architect!
BINABASA MO ANG
Snowflakes are falling
RomanceWhat if the one that you love will leave you? Are you willing to let go or not?.....