Chapter 5: Arrogant Guy

7 6 0
                                    

Lance's Point of View



Saan na kaya si chloe nyan? Di man lang ako nakapagpasalamat sa kanya

"Lance, close kayo nun cute na babae?" sabi ni lewis

Cute na babae? Sino?

"Yung kasama mo kanina lance, ano pangalan niya?" tanong ni carl

"Ah si chloe" sagot ko

"May boyfriend na kaya yon?" sabi naman ni christopher

Ano balak ng mga to?

"Onga pala, tawag ako ng tawag sayo kanina di mo sinasagot ha" sabi andrew

"Nakasilent" sabi ko

"Nakasilent o sadyang pinapatay mo lang kasi siya kasama mo" pang-aasar nila

"Tigilan niyo nga ako sa mga ganyan ganyan" sabi ko

"Paano mo siya nakaclose" sabi nila

"Hindi pa naman, naglakad lakad kasi ako sa campus tapos nakita ko sila kaya lumapit ako" sabi ko

"Maganda yung kasama niya, may jowa ba?"

Baka si nicole yung tinutukoy nila

"Ah meron kasama pala nya kanina" sabi ko

"Sayang, ang ganda pa naman niya kaso taken niya"

"Remember dating is banned. Kaya kailangan umiwas tayo" sabi ko

Napansin ko wala si jack, siya naman ngayon ang wala. Saan naman siya nagpunta? Lalo na di rin niya kabisado tong school



****



Chloe's Point of View



Kakainis! Yon lalaki na yon sarap itapon sa mars. Di naman siya kinakausap tsaka bat kailangan pa humingin ng permisyo sa kanya bakit tatay ka ba nila

Pasalamat ka di kita sinapak dahil daming tumitingin ng estyudante sakin baka isipin nila gangster ako napagkakamalan na nga ako wrestler dahil sa dami ko ng binugbog na lalaki na apakayabang kagaya mo

"Oh chloe nandito ka, asan si lance?" tanong ni nicole

"Wag mo ng tanungin naiinis lang ako" sabi ko

"Nireject ka ba" sabi niya

"Ano pinagsasabi mo? Di ko naman siya gusto no" sabi ko

Eto si nicole kung sino sino nalang nirereto niya sakin

"Joke lang eto naman di ka mabiro eh" niyakap niya ako

"Lucas, can you just hug your girlfriend instead" sabi ko

Hinila ni lucas si nicole at niyakap

"Nakakainis"

"Oh bakit nanaman" sabi ni nicole

"Kasi naman, yon hinayupak na lalaki na yon muntikan ko ng makaaway nanaman dito pa sa school" sabi ko

"Ah si jack ba" sabi niya

"Ay hindi si lance sige" pilosopo kong sagot

Kinutos niya ako. Aray! Sakit nun ha. Pasalamat ka rin love na love kita kundi kanina pa kita sinabunot dyan. Sana naman tumino buhay ko ngayon

Fall In Love With Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon