Isa siyang simpleng babae. Nangarap na makasama ang mga magulang hanggang sa kanyang pagtanda. Sinabi niya sa kanyang sarili na 'Sasamahan ko ang mga magulang ko hanggang pantanda at aalagaan ko sila pag hindi na nila kayang tumayo' ngunit isang araw naganap ang isang car accident, doon nagsimula ang pagbabago ng buhay niya.
Sa pagkamatay ng kanyang mga magulang doon nagbago ang kanyang buhay. Naghanap siya ng trabaho para may makain at para mabuhay. Pinilit niyang makaraos sa araw-araw, kahit na wala na ang kanyang magulang gusto niyang magtagumpay sa buhay tulad ng ipinangako niya sa kanyang mga magulang. Bagamat wala ang kanyang magulang para maalagaan niya pag naging isang doktora na siya, gagawin na lang niya ito sa ibang tao. Gusto niyang tuparin ang kanyang pangarap na maging doktora at magalaga ng taong may sakit.
Siya ay si Denise Lee at dito nagsimula ang kanyang paglalakbay.
BINABASA MO ANG
The Painful Truth
Roman pour Adolescents'You left me, in time I needed you the most'