CHAPTER 1: Mutya Elisa Javier

44 2 0
                                    

Author's Note: Attention, watty people! bago lang po ako sa pagsusulat sa wattpad. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng guts to pursue writing. Chos naman, 'diba? Anyways, I would really appreciate it kung babasahin niyo naman ang kwento na ito. Kamsahamnida, chinggus ^^

Date started: December 24, 2014
And yes, Merry Christmas. O:-)

----------*
CHAPTER 1: Mutya Elisa Javier

'Look at me, Mom. . . I'm your number oneeeeee' kanta ko

'Mutyaaaaaaaaaaa! Wala pang nabuong LPA! Wag kang bumubuo ng sariling bagyo dito sa bahay!'

Psh. Si Mama talaga. Ang ganda nga ng boses ko eh.

'Ma naman! Alam mo namang pang-Disney princess ang boses ko! At isa pa, nag-aaral akoooo' sigaw ko mula sa salas. Nasa kusina kasi si Mama at nagbabasa ng wattpad. Oo, seryoso, feeling bagets masyado ang mama ko. Eh sino ba nanay ko? Sya si Tala Maria DeSilva Javier married to MonDrake Javier. Tatlo kaming anak nila, ako na panganay ay nasa 3rd year college, taking up BS Public Health.

Sumunod sa akin si Rise Desiree Javier, 1st year college, Chemical Engineering at ang bunso, si Damon Aire Javier na 3rd year high school pa lang. If you'd notice, puro nature-inclined ang names namin. Geology kasi ang favorite subjects ng parents ko when they were still in college, ayun, naidamay ang mga pangalan namin. But, I find it unique kaya naman okay lang.

'Disney? Oo, yung sa Frog Prince. Dun nababagay yang boses mo. Sa taas ka na nga mag-aral, manonood akong NatGeo' sabi ng Mama ko na nasa tabi ko na pala nun

'Maaa! Nauna ako sa harap ng TV! Besides, kanina ka pa hinahanap ni Papa sa garden! Diba? Aayusin niyo pa yung para sa flower shop natin, diba?' pang-uusisa ko. Eh, nanonood ako ng Devil's a Part Timer ehhhh >_<

'Ay! Oo nga! Buti pinaalala mo!' tapos umalis na sya. Goodness. My Mother is one big bratinella. Tsk. Tsk.

*vibrate*

+639383357906

Mutyaaaaaaaa. Labas tayo nina Sera? Malling?

Ah, si Hane pala. Hmm. Sabado palang naman ngayon. Might as well makapag-enjoy bago pa ang Hell week namin.

Sigiiiii. Pero, walang gagasto, please? Tipid ako.

Sent to +639383357906

*vibrate*

+639383357906

Parati naman. Dibale, libre daw ni Sera ang lunch natin :-)

Pumunta na ako sa garden sa likod ng bahay.

'Maaaaa, Paaaaa!' sigaw ko

'Ah, anak. Nasa cabinet!' sigaw ni Papa

'Huh? Ang alin?'

'Sabi mo Mapa! Ayun, may Asian map, World Map, Ec--Awww! Bakit mo binato ang tatay mo?' singhal sa akin ni Papa.

'Eh? Kakorni mo, Pa eh! Magpapaalam po ako! Lalabas kami nina Hane at Sera po'

'Saan punta niyo? Baka gagasto kayo, anak? Wala pa tayong pera' sabi ni Mama na tinuloy na ang pag-i-spray nung mga orchids.

'Mall po, Ma. No prob, libre daw ni Sera. Okay lang po ba?'

'Oh sya. Uwi maaga, ha?' sabi ni Papa.

Tumango nalang ako at tumakbo sa banyo.

*vibrate*

+639383357906

Kita nalang tayo sa tapat ng Topshop.  :-)

Hindi na ako nag-reply, sayang load eh, haha. Naka-simpleng skinny jeans lang ako, polo shirt at converse.

Pagdating ko dun, ayun, wala pa ang dalawa -___-

Naupo ako sa bench malapit sa may Gerry's grill habang inaantay sila. Panigurado, one hour later pa dadating ang mga yun. Kabagal kasi nila eh.

Nasa tapat ako ng Gerry's. Bilisan mo nga, sayang oras-__-Uwi ako ng maaga.

Sent to +639383357906

Fifteen minutes later, wala pa ring reply. Aish. Katagal. Magkakaugat na ako dito eh. Hmmm. Daan muna kaya ako sa may Fullybooked? O sa NBS? Ah, tama. Bibilhin ko yung kaka-release na The One nung trilogy ni Kiera!

AUTHOR'S AD: Try po ninyong basahin ang Trilogy na yan. Gaaaaahh. Kinikilig ako

Pagpasok ko sa may Fullybooked, ayun fullybooked parin XD Keyyyy. Ang korni ko -___- Wala naman gaanong tao dahil nga 10:30 pa lang ng umaga.

Lumibot ako sa loob ng shop, kumuha ng basket at. . . Yeyyyy! Makakabili na ako ng book.

Saan ako kumuha ng pera? Ayun, pinagbentahan ko sa mga papel, plastic at bote sa bahay. Aba! Sayang din yun 'no! Nakabenta kaya ako ng 768 pesos. Oh diba? Dalawang libro na rin yun!

Nakita ko ang libro na sinadya ko dito, 395.00. Pwede na, bibili pa akong isa ^__^ May nakita ako, Maybe one day ang title kaso :'( KULANG PERA KOOOO T___T

*vibrate*

+639383357906

Bebe, andito na ako. Where ka?

Ano ba yan? Ka-wrong timing ni Hane eh. Bibili pa ako ng librooooo. So, no choice ako. Isa lang tuloy nabili ko, pa-basket-basket pa akong nalalaman! Tss.

Author's Note: First Chapter's up :-)
Kindly comment if this story is still wanted. I hope, I'd be given the chance to do this, so, yeah. Thank you :-)

The Intelligents' PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon