Chapter #9
I went to Pampanga that same night. Nagpasalamat ako dahil dala ko yung personal papers ko kaya hindi na ako mamomroblema sa paglipat ng school. Pagdating na pagdating ko sa Pampanga ay agad kong isinanla ang cp ko, earrings, watches and my necklaces sa isang pawnshop na nakita ko malapit sa terminal pero agad akong nadisaapoint nang mapagaalaman na nagkakahalaga lang iyon ng Php.73,500.
Muli akong bumalik sa terminal para mamahinga muna doon pero dahil sa sobrang pagod ay di ko na napansin na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ay sinilip ko ang pera ko sa aking shoulder bag. Meron akong 30,000 cash doon ko so all in all 103,500 ang perang nasa akin dahil sa sinanla kong mga alahas kagabi. Sa takot kong baka mahold-up ako dahil nakalagay lang ang pera sa isang shoulder bag ay nagpasya akong mag-open nalang ng isang bank account at ilagay dun ang kalahating pera ko. Sinabi ko nadin sa bank na wag sasabihin kahit kanino ang account na iyon at huwag ipaalam ang personal information ko kung sakali man na may magtanong.
The reason why I chose Pampanga is because that province was my hometown. Doon nabuo ang mga magagandang memories ko together with granny and grampy at alam ko na itong probinsyang ito ang huling lugar na maiisip ng mga magulang ko dahil ayaw na ayaw ko nang bumalik dito simula nang mamatay ang lolo at lola ko at dahil hindi magawa ni dad na pilitin ako ay pinilin na lamang niyang ibenta ang mga properties namin sa lugar na ito.
Panay ang lakad ko sa bayan nang makahanap ako ng isang apartment. Pagmamay-ari ito ng Greenlands Corporation. May nakahilerang sampung magkakatabing apartment na magkabilaan. Tinatawag itong Emerald Village dahil para itong malaking village na napapaligiran ito ng luntiang mga halaman. Madami ring nakatira ditong pamilya na siguro ay nagsisimula pa lamang at dahil wala silang ipon ay napilitan at nagtiis na lang na tumira sa ganitong lugar. Nagpapasalamat ako dahil mura lang ang bayad ko kada isang buwan kaya masaya akong binayaran ang tatlong buwan na nagkakahalaga ng labinlimang libong piso sa landlady namin.
Pagkatapos kong mabayaran ang apartment na pansamantalang titirhan ko ay ibinigay na sa akin ang susi nung landlady at dumiretso na ako sa pinakadulo kung saan naroroon an apartment ko.
Nang makapasok ako sa loob ay bumulaga sa akin ang maputing kulay ng dingding. May apat na maliliit na couches sa pinakaharap at may maliit na TV set, napakalayo sa nakagisnan kong buhay. Sa kitchen naman ay may 4 seats na dining table at maliit na kitchen counter kung saan naroroon ang electric stove at mga kitchen tools, Sa gilid ng counter ay maliit na refrigerator. Sa pinakadulo naman ay matatagpuan ang comfort room. Sa ikalawang palapag naman ay angdalawang kuwarto. I decided to stay on the pink painted room. Inayos ko nadin ang mga gamit ko at pagkatapos ay lumabas para mag-grocery, humanap ng trabaho at lilipatang school.
Pagkatapos kong mag-grocery ay dumaan ako sa isang napakalaking school. It is too good to be true. Mas mukha pa itong mansion kesa sa school. I went my way to the pincipals office para mag inquire. Nagtaka naman ang principal dahil November na at wala na daw silang tinatanggap na enrollees pero dahil sa sinabi kong biglaan lang ang paglipat ko dito sa lugar na ito ay agad din akong pinayagan. Binayaran ko nadin ang tuition ko for this month na makalaglag panga dahil sa sobrang laki. Tumataginding ba naman na 30,000. Hay! Ano pa ba aasahan ko eh International School ang pinasukan ko. Ang dakilang Francisco V. Aquino International School or also known as FVAIS. Nagpasalamat ako dahil sila na daw bahalang umayos sa form 137 ko at pwede na daw akong pumasok sa Lunes. Nakahanap din ako nang trabaho sa Blue Royale Diner bilang pianist. Nagresign daw kasi yung pianist nila dahil nakabuntis at since willing daw silang tumanggap ng working student ay agad na akong nag-apply. Nagtataka lang ako dahil sobrang familiar yung place na yun para sa’kin.
