Chapter 13

73.9K 2.2K 4K
                                    

Tamira's POV

Mag-iisang oras na 'ko rito sa loob ng office ko pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi ako makapag-focus dahil iniisip ko si Venine. Baka kung ano na ang ginagawa sa kanya ni Natasha. F uck.

Hindi ko na natiis kaya isinarado ko ang laptop ko. Bibitbitin ko na lang ito sa office ni Ven.

Patayo na sana ako nang may kumatok sa pintuan at sumilip si Zoey. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nandito po si Ma'am Clarisse." Sabi niya.

Tumango naman ako at pumasok na si Clarisse na nakangisi agad. Ano na naman kayang nasa utak ng babaeng 'to.

"What are you doing here?" Kunot noo kong tanong.

"Nandito na raw si Natasha Wilson?" Balik tanong niya saka umupo sa sofa. Lalo akong nabwisit sa narinig kaya hindi ako sumagot.

"Gusto kong makilala 'yong pinsan mo. I heard she's also a goddess." Natatawang sabi niya pa kaya tumaas na naman ang kilay ko.

"Don't tell me you're into girls now?"

"What? Hindi no! Gusto ko lang makilala at titingnan ko kung mas maganda ba sa aming mga pinsan mong Alcantaras." Nakangiwi niya namang sagot. Inirapan ko siya.

"Kapag talaga tsismis ang bilis mo 'no? Ayaw mo ring nasasapawan ka ng iba bukod sa akin." Kinuha ko na ang laptop ko at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan.

"Hoy saan ka pupunta?" Habol niya.

"Sa office ni Ven."

"Nandito si Ven?" Gulat na tanong niya. Hindi naman ako sumagot at tuloy-tuloy lang ako sa paglabas.

"Bakit nandito si Ven?" Tanong ulit ni Clarisse pagpasok namin sa elevator.

"Of course she's here para magtrabaho." Iritableng sagot ko.

"E 'di ba sa AGC siya? Don't tell me kinuha mo siya 'ron para solohin mo rito?" Tudyo naman ni Clarisse. Napairap ako.

"Ano bang pinagsasabi mo? She's a great architect kaya siya ang gusto kong mag-lead ng project."

"Matagal ko ng alam na siya ang gusto mo, in denial ka lang lagi. Bahala ka kapag naka-move on 'yon sa'yo dahil sure akong ikaw naman ang iiyak."

Hindi ko siya pinansin at pumikit na lang ako nang madiin dahil nag-iinit lang ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya.

Pagdating namin sa tapat ng office ni Ven ay hindi na ako nag-abalang kumatok pa. Binuksan ko agad ang pinto at halos mabitawan ko ang hawak na laptop dahil sa bumungad sa akin. Venine is lying on the sofa while Natasha is on top of her!

"What the f uck!" Malakas na sigaw ko na umalingaw-ngaw sa buong office. Muntik na ring magdilim ang paningin ko at kung hindi ko napigilan ang sarili ay baka tumilapon na kay Natasha ang laptop ko.

Tumingin ako kay Venine at kitang-kita ang gulat sa mukha niya. Malakas niyang itinulak si Natasha kaya napalayo ito sa kanya.

"Oh my! What's happening here?" Dinig ko namang sabi ni Clarisse at alam kong gulat na gulat din siya.

"Labas!" Sigaw ko ulit kay Natasha na nakatayo lang at nakatingin sa akin.

"Bakit ako lalabas?" Tanong niya naman na akala mo ay inosente.

"Lalabas ka o kakalbuhin kita?" Banta ko at konting-konti na lang ay masasabunutan ko na talaga siya. Nanginginig na rin ang buo kong katawan at gusto kong magwala!

"What's wrong with you? Wala naman kaming ginagawang masama!" Nakasimangot na siya at umupo pa sa tabi ni Venine.

"Then what the hell was that?! May usapan tayo na hindi ka lalandi rito! Now get out!" Singhal ko saka tinuro ang pintuan.

Dare To Love Me Not 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon