Chapter 15

82.1K 2.2K 2.6K
                                    

Venine's POV

Habang naglalakad kami palabas ni Tami ay doon lang ako nakapag-isip kaya naglakas na ako ng loob na kausapin siya.

"Tami." Tawag ko pagkatapos niyang sumampa sa kanyang motor. Tumingin siya sa akin at tumaas ang dalawang kilay.

"'Yong nangyari kanina... hindi na dapat maulit." Lakas loob na sabi ko at pinilit ko rin ang sariling panatilihin ang tingin sa kanya.

Bigla siyang sumeryoso at pansin ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa helmet.

"I'm sorry." Mahinang sagot niya.

Nag-iwas na ako ng tingin dahil hindi ko na kaya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at pabalikin sa akin pero natatakot ako. Baka nadala lang siya kanina.

"Ingat ka sa pagda-drive."

Nabalot kami ng katahimikan kaya napatingin na ako ulit sa kanya. Nakasuot na siya ng helmet pero nakataas ang visor nito kaya kita ko pa rin ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Thanks for the food." Malumanay na sabi niya saka nagbaba ng tingin sa mga labi ko. "Ang sarap."

Napalunok ako at nakaramdam ng ilang dahil sa huli niyang sinabi.

"I'm going." Sabi niya ulit. Napatango na lang ako hanggang sa patakbuhin niya na ang kanyang motor.

Lumipas ang mga araw at parehas kaming nag-iiwasan ni Tamira. Nagkikita lang kami sa Alcantara Prime Holdings sa tuwing may meeting, pagkatapos 'non ay parang hindi na kami ulit magkakilala.

Gusto kong mainis. Pagkatapos niya akong halikan sa bahay ay iniiwasan niya naman ako pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil ako naman ang may gusto nito. Sa una pa lang ay hindi ko na dapat iyon hinayaan. Kasalanan ko rin kasi. Ang tanga mo, Venine!

Huminto ako sa pagtatrabaho nang mapansin kong lunch break na. Sumandal ako sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. Wala akong ganang kumain.

"Baby!"

Napabuntong hininga ako nang marinig ang boses ni Natasha. Hindi niya talaga ako tinantanan kahit isang araw. Palagi pa rin siyang pumupunta sa office ko tuwing lunch o minsan ay binibigyan ako ng breakfast.

Pagmulat ko ay nakita ko siyang inilalapag ang dalang paper bag sa ibabaw ng glass table. Ngiting-ngiti pa si gaga at halatang excited.

"Ano na naman ba 'yan, Natasha?" Kunot noong tanong ko.

"Lunch. Inisip ko kasi na baka ayaw mo ulit lumabas kaya dumaan ako sa resto kanina." Nakangiti pa ring sagot niya. "C'mon, baby. Habang mainit pa 'tong soup."

Naamoy ko ang pagkaing inilabas niya mula sa paper bag at bigla akong ginutom. Sayang naman din ang binili niya kung hindi kakainin kaya lumapit na ako.

"Sa susunod 'wag ka nang magte-take out. Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain." Sabi ko pagkaupo sa tabi niya sa sofa.

"I know but I want to do this for you."

Hindi ako sumagot at kumuha na lang ng disposable spoon and fork. Tahimik kaming kumain hanggang sa magsalita na naman si Natasha.

"Bakit ganon na lang si Tami pagdating sa'yo? Akala ko ba hindi kayo close?"

Napahinto ako sa pagkain at uminom muna ng tubig bago siya sinagot.

"We're best friends before."

"Really? But why she's acting like you're more than best friends? She's too possessive. Naging kayo ba?"

Napalunok ako. Hindi pa rin talaga ako masanay-sanay sa pagkaprangka ng babaeng 'to. Grabe ang bibig, walang preno. Anong isasagot ko?

"G-Ganon lang talaga ang ugali niya." Palusot ko na lang.

Dare To Love Me Not 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon