Chapter 1

2 0 0
                                    


Mabilis na lumipas ang panahon.I graduated on our batch as valedictorian and nung nag first year at 2nd year highschool na ko ay top 1, pati na rin noong 3rd year.

Grade 10 na ako ngayon, at last year kona as junior highschool.Sa nagdaang taon, medyo madalas na kaming magkasama ni Clark.Lagi kasi syang sinasama ng mommy nya kung pupunta sila sa bahay kaya, tuwing nag-uusap sila Tita at Mommy, kami ding dalawa ang magkasama.

May time ka na pumunta kami ni Clark sa mall at kumain lang kami ng pasta.Mabait si Clark sa akin.Hindi nya ko pinapabayaan pag kaming dalawa ang magkasama.

"Rhexa!Andito na si Clark!" sigaw ni Mommy sa baba.Niyaya kasi ako ni Clark na pupunta kaming probinsya nila.Fiesta kasi kina lola nya.

Pinayagan naman ako ni mommy dahil kilala nya naman ang lola ni Clark.Pupunta kami ngayon sa Brgy. Maligaya.

Sem-Break  namin ngayon at 1 week din kaming mags-stay doon.Marami akong dinalang damit na kasya sa isang linggo.
Dahil sa madalas kaming magkasama ni Clark, naibsan ang kaba ko tuwing malapit sya.Hindi na'ko nahihiya at kaswal na kami sa isa't-isa.

Bumaba na ako at nasa sala na si Clark.Liningon nya ko at tumayo na sya.Alas singko-ng umaga palang, pero gumising nadin si mommy.Si kuya ay nasa states kasama si Tito dahil sa business.

Naka-black tshirt sya na may print na 'make good stories' at faded jeans saka white rubber shoes.May jacket syang nakasampay sa balikat nya.

Ako naman ay naka skinny jeans at white plain v-neck tshirt.Nagsuot din ako ng denim jacket.Isang bag lang ang dala ko kaya hindi naman masyadong mabigat pero puno ng mga damit.

"Akin na bag mo" sabi ni Clark ng nakarating ako sa harap nya.

Binigay ko naman sa kanya yon, at pumunta kami ng kusina para magpaalam kay mommy.

"Bye, My" sabi ko pagkatapps bumeso.Ganoon din ang ginawa ni Clark.

"Ikaw na bahala sa anak ko Clark," sabi ni mommy kay Clark.

"Yes po tita.We will go now." at dumiretso na kami, sa BMW ni Clark.Nilagay nya sa backseat ang bag ko at nandoon din ang bag nya.

Sumakay na kami at bumyahe.5:30 kami nakaalis.Medyo malayo ang pupuntahan namin.

"Nakakain kana Rex?" tanong ni Clark.Napatampal ako sa noon ko ng hindi pa pala ako nakaalmusal!Nagmamadali ako e!

"Nakalimutan ko!" sabay naman kaming tumawa ni Clark.Pinarada nya sa drive-thru ang sasakyan.Nag-order sya ng dalawang burger, fries, at coke-float.

Pinarada muna ni Clark ang sasakyan sa malapit na convinience store.

"Gutom kana ba?" umiling naman ako.Hindi pa naman masyado.

"Mamili muna tayo ng pagkain natin.Dadalhin natin sa bahay." -Clark.

"Sige" bumaba na kami at pumasok na.Kumuha sya ng cart at ako naman ay pumunta may freezer.Kumuha ako ng ready to cook na siomai at fries.Kumuha din ako ng dalawang malaking chukie at dalawang pack ng yakult.

Nakasunod naman si Clark sa akin at kumuha sya ng ice-cubes at dalawang bote ng alak.Kumuha kami ng chips at ramen.Kumuha naman aya ng mga lulutuin.

Di nagtagal ay napuno ang cart namin.Nagtinginan kami at sabay tumawa na animo'y  naiintindihan ang isa't-isa.

"Grabe ang dami.Parang Isang buwan na bakasyon" sabi ko tsaka tumawa.

"Grabe ka kumuha, uubusin mo yan?" tanong ni Clark na halatang nang-iinis.

"Wow, kala mo naman hindi sya kakain.Baka nga ikaw pa umubos nito e." sabay ulit kaming natawa.Pumunta na kaming counter at sya na ang nagbayad.

"Ang kyut nilang mag-asawa" narinig ko habang nagbabayad kami sa counter.

Our lovestoryWhere stories live. Discover now