Chapter 4 - Surpise

4 0 0
                                    

Hindi alam ni Lance kung bakit nawala ang katalinuhan nya kanina. Hindi naman sya ganito nang nakipagkita sya sa mga Lider ng ASESeAN.

Nasa isang coffee shop siya ngayon kasama si Kim. Hindi nya alam kung saan sisimulan ang pag-uusap. Hinahagilap nya pa rin ang kanyang lakas ng loob na naitapon nya ata kung saan.

Naibalik lang sya sa katinuan nang tumikhim si Kim, "So... What is it?"

Huminga sya ng malalim, inaalala ang mga nangyari sa nakaraang dalawang linggo. Mabuti na lang at mabilis na nakagawa ng tanong ang utak nya. "What are your intentions to me?"

Nakita nya ang gulat na dumaan sa mukha ni Kim nang marinig ang tanong nya.

"H-huh?" nabulalas ni Kim.

Tinitigan nya lang ito. Nang natauhan ang dalaga ay inis sya nitong binalingan.

"Wow! Intentions huh! Fyi lang. Wala akong masamang balak sa'yo! Aba! Mas gwapo pa sa'yo sina Sibal at Elijah no!" matapang na sabi nito sa kanya sa pag-aakalang di nya ito maiintindihan.

"Ayoko rin naman makipag-kompitensya sa mga fictional characters." bulong nya sa hangin pero dahil Wattpader ang kasama nya.

"Aba hoy! Dapat lang! Dahil hindi mo sila mapapantayan! Wala ka pa sa kalingkingan nil-- A--ahh n-nag-tatagalog k-ka?"

"Ummm. I have a Filipino Citizenship" maikli nyang sagot. Na nagpapula sa pisngi ng dalaga.

"Mygod. Pinoy ka!?"

"Oo"

"Bakit di mo sinabi!?"

"Di ka naman nagtanong."

"Gahd.." nagtakip ng mukha ang dalaga. "So ibig sabihin.. naiintindihan mo yung mga pinagsasabi ko noon?"

"Umm.." tumango ang binata na may maliit na ngiti sa labi.

"Ok lang.. di mo naman kilala sila Sibal at Elijah." Bulong ng dalaga sa hangin na parang sinusubukan nyang iligtas ang sarili sa kahihiyan.

"You mean. Percival Riego ang Elijah Riley Montefalco?" Tanong nya..

Napangiti sya ng kaunti nang makita nag nanlalaking mata ng dalaga. "Kilala mo sila?"

Tumango sya. Nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Kilala ko rin sila Jeydon, Troy, Candice, Avah, Kenji and many more."

Nahihiyang tumungo ang dalaga dahil sa sinabi nya.

"Hey.. Don't be ashamed. Wala namang nakakahiya sa pagiging wattpadder.." sabi nya at inilapit ng kaunti ang mukha nya sa nahihiyang mukha nito.

Hangang sa may naalala sya.

"Tara." Anyaya nya sa babae. Inangat naman ng dalaga ang kanyang tingin ng marinig nya itong mag-aya

"Ahh-- saan t-tayo?" Nahihiya nitong sagot.

"Do you trust me?" Sabi nya at nilahad ang kanyang kamay sa dalaga na may ngiti sa labi.

(A/N: A whole new world!! A new fantastic point of view! No one to tell us- No, or where to go, or say we're only dreaming~)

---

"Welcome to my humble unit," Sabi ng binata ng makapasok sila sa loob ng unit.

"Hala! Ang daya! Bakit mas malaki ang unit na 'to!?" Rinig nyang reklamo ng dalaga

Napatawa na lang sya. "Ewan" Kung alam mo lang..

"Halika rito." Tawag nya sa atensyon nito, "May ibibigay sana ako."

Nilapitan sya nito sa may cabinet. Binuksan nya ang maleta nya at inilabas ang ibibigay nya.

Nakita nya kung paano namilog ang mata ng dalaga nang inilabas nya ang bagay na ibibigay nya, "No way... NO WAY!" Sabi nito habang umiiling pa ng bahagya habang nakatutop ang kanang kamay nito sa sariling bibig

"Umm. Sa'yo na 'to" tumatangong sabi nya at iniabot ito.

Isang I Love You since 1892 book set.

"P-pero... Bakit?" Takang tanong ng dalaga sa kanya

"Wala lang.. May ganyan na kasi ako sa bahay. Inorder ko kasi yan online. Tas niregaluhan ako ng tita ko ng isa pang ganyan. Which is yung nasa bahay. Uncancellable na yung order ehh. So... Sa'yo na lang."

"Anong kapalit." Matapang na tanong ng dalaga.

"Ano bang kapalit ng mga pagkaing binibigay mo sa'kin?"

"Wala.. Ang makita ka?"

"So.. ganun rin sakin," Sabi nya.

"Diba ayaw mo akong makita?"

"Sinabi ko ba sa'yo?"

"Hindi. Pero--"

"Hindi naman pala ehh" pinutol nya ang sinasabi ng dalaga

"Pero yun kasi ang sinasabi ng kilos mo. Action speaks louder than words"

"But action without words are meant to be misinterpreted"

Natahimik ang dalaga dahil dito. Napangisi sya. Don't mess with a gurang wattpadder.

"Ayaw mo ba nyan?" Tanong nya rito habang itinuturo ang book set na inilapag nya kanina sa side table ng kama

"Syempre gusto. Ngunit alam kong may kapalit to. I mean ang mahal kaya nitong vintage book na to, hindi biro to uii"

"Wala nga yang kapalit,"

"Meron,"

"Wala,"

"Meron,"

"Wala,"

"Meron nga,"

Bumuntong hininga sya. Ang kulit naman ng lahi ng babaeng ito.

"Hayy.. o sige na. Nang manahimik ang kaluluwa mo. Ganito, samahan mo na lang akong I-tour ang Thailand. Ok na?" Sumusukong sabi nito sa dalaga

"Ok na kha," agad na sabi nito at nagbow pa.

This girl is really something.

Searching in ThailandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon