💋

The freshmen Welcome Party. Iyan ang inaabangan ng lahat ng freshmen na mamayang gabi na mangyayari.

"May dadating daw na sikat na banda." Sambit ni Roxy sakin sabay talon nito habang naka ngiti. Nasa tapat kami ng soccer field habang pinagmamasdan ang mga staff ng school na nag aayos nito dahil dito ang venue ng party.

"Let's play the game! Bilangan ng mauubos na drinks mamayang gabi at mahahalikan?" Masayang anyaya nito sakin na sumali sa game na ginawa niya sabay yugyog sa braso ko. Tumango na lang ako dahil sino ba ang makaka hindi sa pag ubos ng drinks mamaya? Ito yata ang pinaka masayang mangyayari sa talambuhay ng isang alak na alak sa buhay.

Nagsimula na kaming mag lakad ng mainitan na kami. Napahinto lang kami ng may humarang na sa'min. Kilala ko yung nasa gitna pero hindi ko matandaan ang pangalan niya. Asha yata? O Sasa? Baka Ishia?

Tae, huwag niyong sabihin na uso pa ang pang bu-bully ngayon? Ano yung feeling bad bitch sila na parang sa movie?

"You didn't fill up the form?" Tanong nito ng tumigil siya sa harap namin sabay tingin nito kay Roxy. Kaya naman tumingin din ako kay roxy baka siya ang kinakausap nito.

"Not her. I'm talking to you." Madiin na sambit nito na ngayon naka tingin na sakin.

Abay, malay ko ba! Siya ang una mong tinignan pagkatapos mo mag tanong at hindi naman ako.

"Hindi." Simpleng sagot ko dito sabay hatak kay roxy para magsimula na mag lakad ngunit pinigilan naman niya kami.

Luh. Naghahamon ka ng away, beh?

"Why? Ikaw ang nauna na dapat mag fill up pero hindi mo tinuloy." Sambit niya sabay baling ng tingin kay Roxy ulit pagkatapos ay binalik na ang tingin sakin.

"Hindi ko tinuloy kasi ayoko." Sagot ko dito at hahatakin ulit si Roxy para mag simulang maglakad kaso ayaw na nito gumalaw sa kinatatayuan niya.

Ampucha, na estatwa.

"Ayaw mo kasi dumating ako?" Tanong nito sakin. Pabalik balik lang ang tingin ng tatlo niyang kasama sa'kin at sa kanya. Mukhang naguguluhan din sa pinagsasabi nito.

"Anong pake ko kung dumating ka? Walang kinalaman ang pagdating mo sa pag ayaw ko sumali doon." Inis na sambit ko dito at pinitik sa noo si Roxy para matauhan at makapag lakad na kami papaalis sa apat na babae. Mahirap na baka pagtulungan kami sayang yung alak sa party kung hindi kami makakarating.

"Huy, gago! Anong drama iyon?" Tanong ni Roxy sakin ng nasa canteen kami. Naka upo kami sa gilid habang sumisipsip ng milktea na ginto ang presyo. Yung presyo nito makakabili ka ng dalawang gin sa tindahan.

"Malay ko." Sambit ko dito sabay tawa ng malakas ng maalala ko na naestatwa siya sa harap ng babaeng iyon.

"Ang ganda niya kasi at nakaka intimidating yung titig niya!" Sambit niya sakin habang inaasar at pinagtatawanan ko siya tungkol sa pagiging estatwa niya sa harap ng apat. Huminto ako sa pag tawa at pangangasar sa kanya ng makita ko ang apat na papasok sa cafeteria.

"Huwag kang lilingon." Sambit ko kay roxy dahil baka pag lumingon siya ay makita kami ng apat at tanungin naman ako ng walang kabuluhan na tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red Lips For GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon