Angel of Romantic Love (1)

48 2 0
                                    

Angel of Romantic Love (1)

Her POV

Tumatakbo ako sa kawalan. Hindi ko alam kung san ako patungo. Kailangan ko lang makatakas sa lugar na yun! Mala impyerno ang buhay ko sa kanila!

Wala na bang kalayaan sa mundong ito? Bakit lahat sila ang kumokontrol sa pagkatao ko?! Sa buhay ko?! Bakit sila pa?!

Di ko na kaya, pagod na ko.

“Nasan na ba ako?”

Takbo! Puro takbo lang ako! Bahala na kung san ako dalhin ng mga paa ko, basta lang ay makalayo ako sa mga yun!

“AHHHH!”

Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa. Naramdaman ko ang pagsakit sa ulo ko na para bang may humampas ng dos por dos dito.

“MISS! MISS!”

“Tulon—“

Di ko na alam ang mga sumunod na nangyari, pero hinihiling ko lang po na sana ay nasa ligtas akong kalagayan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

His POV

Sh*t! Bakit bigla na lang siyang sumulpot sa kotse ko?! God d*mn it! Sana buhay pa siya.

“MISS! MISS!”

“Tulon—“

Hala ka! Nawalan pa nga ata ng malay? O baka patay na? wag naman sana! Makukulong pa ko nito! Pahamak naman oh! Konti na nga lang yung ininum kong tequila eh.

Sh*t! ang daming dugo sa ulo niya! May mga sugat pa sa may braso, muka at binti. Mukang napuruhan ko.

Kaya naman dinala ko na siya kaagad sa malapit na ospital dito. Buti na lang wala masyadong tao dun! Naku naman oh!

After 5minutes nakarating na ko sa hospital…

Bitbit ko siya at humihingi ako ng assist sa mga nurses sa loob..

“TULONG! TULUNGAN NIYO KO!”

Sigaw ko sa mga tao na naroon.

Bigla naman na may dumating na higaan at agad siyang dinala sa Emergency Room

“kaano-ano niyo po yung pasiyente?”

Hala? Ano nga ba?! Pag sinabi kong nasagasaan ko eh baka hulihin ako at ikulong? Sabihin ko na lang kaya na nahit and run at ako lang ang nagmalasakit na tulungan siya? Yun na nga lang no?!

“ahhhm na hit and run siya at ako lang ang nagmalasakit na tulungan siya”

“naku, ganun po ba? Pakipirmahan na lang po muna tong bills sa gagastusin sa kanya ngayon, kailangan po siyang maoperan dahil madaming dugo ang nawala sa kanya.”

The hell! Buti na lang I’m rich! That girl! That’s not my fault!

Wala na kong nagawa kundi pumirma at bayaran ang bills.

After 5 hours! Siopao! 5 hours ang operasyon sa kanya! Grabe lang! ganun ko ba siya napuruhan talaga?!

“Where is the guardian of the patient?” sabi ng doctor na naghahanap ng guardian eh wala nga!

“Excuse me doc, but I’m the one who bring her here, na hit and run po siya at ako lang po ang nagmalasakit na tulungan siya” I’m such a liar! AMALAYER?! Biro lang! seryoso ako!

“wala ba siyang bag na dala? Or i.d man lang? we need to inform her guardian”

Hala? Eh wala naman akong napansin dun!

“wala po doc eh”

“I see, well dahil ikaw lang ang nandito, I need to tell you this”

Namatay na ba siya? O__O

“ano po yun doc? Is she still alive?”

“Of course she is, but we don’t know what will happen when she wakes up, malakas ang pagkakabagok ng ulo niya at maraming dugo rin ang nawala sa kanya, and because of that, she’s in a comma”

“COMMATOSE?”

“bingi lang?!”

“ay sabi ko nga po” barado ako kay doc ah!

“Because of that, ikaw na muna ang bahala sa kanya, try to find her relatives”

“Ok po doc, maraming salamat po”

Sh*t! is this really happens? Kanina lang nagsasaya ako kasi iniwan na ko ng girlfriend. OO! Kabaligtaran yun! Malungkot ako! Ah basta!

Ano na kayang gagawin ko sa babaeng to? Wala man lang bag o i.d? Pulubi yata to eh.

Naku naman! Dagdag sa problema oo! -____-

“by the way” ay anak ng tokwa! Akala ko umalis na si doc!

“pwede mo siyang puntahan, I think nasa room 204 siya”

“ah, ok po doc”

San dumaan yun? Di ko nakita ah! Ano yun? May daanan sa likod? Kakaibang ospital naman to!

Agad akong pumunta sa room 204

At bumungad sakin ang babaeng nakahimlay sa kama at may nakalagay sa bibig niya na nagsisilbing hangin sa kanya.

Lumapit ako sa kama niya at naupo sa tabi nito.

“Miss, sino ka ba? Alam mo kasalanan mo kaya, bigla ka na lang sumulpot eh”

“Pero sorry ha, di ko naman din sinadya yun, malay ko bang tatawid ka diba? Tsk”

Ano ba to, para akong kumakakusap sa patay =_= kahit buhay naman siya, di nga lang nagsasalita.

Sana magising ka na bukas.

Ang amo ng muka niya.

Angel of Romantic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon