TTLW 1

764 18 0
                                    

"Ang gwapo ko talaga!" sabi nya

"Sinong nagsabi?!"

"Nanay ko!"

"Naniwala ka naman!" sigaw ko

"Sharlene pag sinabi kong panget ako edi panget ka rin!"

"At bakit?!"

"Kasi mag pinsan tayo!"

"Paul, pinsan! Hindi magkapatid. At hindi naman tayo magkamukha ah. Kung magkamukha tayo baka walang magkagusto sakin. Ang panget kaya ng face mo!"

"EXCUSE ME MS. SAN PEDRO, I was nominated for hottest teenage boy in our school!" pagmamalaki nya

"Kasi tinatakot mo sila lahat! But me, I got nomited by choice! Not by force, by choice."

"Ano naman ang pinagmamalaki mo?! Na maganda ka?! Pheww kailan pa?"

"Simula nung lumabas ako sa sapupunan ng nanay ko!"

"Kailan yun. 1887?"

"Excuse me! Year mo yata yun noh! Born on April 5 1999! 15 years old!"

"15 ka na pala akala ko kasi 7 years old ka lang. Come on cous GROW UP!" sabi nya at lumabas ng kwarto nya

Sinundan ko sya

"You grow up! Cous ka pa ng cous iinsultohin mo lang pala ko. Tinawag mo pa akong cous. Tara na nga. Hinihintay na tayo nila mama." sabi ko

Pumasok na ako sa sasakyan namin

"Chill ka lang, 1h 30mins lang ang drive. As if 10h!" sabi nya

"Gusto ko na po kasing makita ang tatay ko! Kakauwi lang kaya nya galing boracay."

"Bakit nga pala laging nasa boracay ang tito?"

"Business." matipid na sagot ko

"Ok lang yan, at least ikaw may tatay, eh ako. Nga nga!"

"Ano ba kasing nangyari sa tatay mo?" tanong ko

"Ewan. Nangiwan na lang sa ere nung 10 years old ako. Sabi ni mommy sumama na daw sa iba nyang babae. Pero ok lang, lagi namang nandya para sakin si mommy eh. At she found some one else. Si tito Peter."

"Are you sure na ok lang sayo na mag re-marry si tita?"

"Bakit naman hindi? Mahal ko si mommy kung san sya masaya dun na din ako."

"Sa bagay mukhang masaya naman si tita, pero don't you ever miss your dad?"

"Syempre naman, pag father and son day sa school wala akong dinadala. Nanonood na lang ako sa mga taong merong tatay. Syempre mahirap, pero I'm slowly moving on with my life."

"What if bumalik si tito? Tatanggapin mo ba sya?"

"Hindi ko alam. Tatay ko parin yun kaya siguro pero hindi na ako babalikan nun. Kung babalikan nya ako sana ginawa na nya para hindi na lumalim ang galit ko sakanya." sabi nya

Those Three Little Words (JaiLene + FrancElla + PaulKa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon