Chp 4: Meet Yansi

31 0 0
                                    

Chapter 4

========

Yansi's POV

"SORI." sabi nung lalaki sabay alis.

Shet. Kung di dahil sa reputasyon ni Lala, babanatan ko 'to eh. Di marunong humingi ng dispensa. TSK. Aabangan ko yun sa labas.

Kanina pa walang kibo si Madge. Kung sa bagay, kung ako siya talagang magagalit ako. Oo, galit si Madge. Pero level 2 pa lang. Malalim kasing tao yang si Madge, at nagpapasalamat ako't hindi ko siya naging kaaway.

Naaalala ko pa yung unang pagkikita namin...

flashback: 2 years ago..

*kriiiiiiiiiiing*

"Goodbye Freshmen." - Mrs. Redulla (History teacher)

"Goodbye--" natigilan ang mga kaklase ko. Bakit? Kasi lumabas ako ng room nang walang paa-paalam.

"Ms. Yansi Jacinto. Hindi ka man lang ba magpapaalam?" mataray na tanong ni Ma'am.

Di ko siya pinansin. Tss. Bahala ka dyan.

Tumakbo na ko kasi baka ma-late ako sa usapan namin. Baka matambangan ako. Pero pagdating ko sa gate, may babaeng humarang sakin.

"Hi Yansi! Ako si Magenta. Ka-group mo ako sa AP." tapos ngumiti at inilahad ang palad niya.

Tss.

"O ano ngayon?" sagot ko. Tsk, ano ba naman to. Baka ma-late na ko!

Medyo nawala yung ngiti niya pero sumagot siya, "Sabi ng leader natin tayo daw ang maghahanap ng venue para sa shooting. So kailan ka pwede? Okay lang ba ngayon?"

Blah. Blah. Wala akong naintindihan.

"Hindi. Ikaw na bahala. Ge alis na ko." sabay takbo ko palayo.

Hindi ako interesado sa groupwork na yan.

Dumating ako sa tambakan ng alas-singko. Gaya ng napagkasunduan. Pero parang walang tao. Inindiyan kaya ako ng mga yon? Tch. Subukan lang nila't hindi lang pasa at sugat aabutin nila saken.

Umupo muna ako sa pasamano. Mukhang wala naman sigurong makakakita samin dito. Abandonadong building na to eh. Tumayo ako at tumingin sa paligid.

Parang may nakatingin sakin.

Lumingon ako sa kaliwa at kanan. Pero walang tao. Pumunta na ako sa may bukana ng building. Nakita kong papalapit na sila.

Ayos, akala ko hindi na darating, naisip ko.

Papalapit na ang isang grupo ng kalalakihang naglalakihan ang katawan. Mga 18-20 years old sila. Sila ang grupong nakabangga ko nung isang araw, dahil kay Len. Si Len ang kagrupo nila na umagaw ng pera ng batang naglalaro sa park. Kaya nabanatan ko. At eto, gulo na naman ang napasok ko. Pero ayos lang, kayang-kaya ko to.

"Amazona." pambungad ng ringleader nila. "Buti't dumating ka."

"Akala ko nga kayo ang naduwag at di na magpapakita. Haha! Ready to face your end?" hamon ko sa kanila.

"Para 'to kay Len! Hayop ka!" sigaw sa akin ng isang kasama nila. Akmang lulusubin niya ko nang pinigilan siya ng ringleader nila.

"Bobo! Hindi mo yan kaya!" pasinghal na sagot ng leader. HAH! Mabuti't alam niyo.

"O ano? Simulan na natin 'to o!" sabi ko sabay baba ng bag ko.

Ang Epal sa Lovelife Ko [temporarily stopped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon