3rd Call

21 0 0
                                    

"Dumilim ang paligid... May tumawag sa pangalan ko..."

Weh? Asan na naman ako? Pa'no 'ko napunta dito? Ang dilim dito grabe. Yung tanging ilaw na nakikita ko galing sa bar saka sa stage. Bar? Stage? At may banda pang tumutugtog! Luminga-linga ako hanggang sa nakita ko yung tarpaulin. Eraserheads Cover Night at Kap's Tapsi. Aaaah. Kaya naman pala. Oo nga pala! Dito nga pala gig nila Percy! Fwedeh! Bahala na kung pa'no nakapunta dito at least andito na 'ko. Umabot pa! Hahahahaha. Hinanap ko si Percy sa paligid. Nakita ko sya sa bandang likod, kasama ang mga kabanda nya ata yun. May isang bucket na sila ng Red Horse sa mesa pero hindi pinapansin ni Percy yung bote nya. Kinawayan ko yung loko pero di ata nya ako nakita. Makalapit nga.

"Percy. PERCY! Uy!"

Tinapik ko sa balikat yung mokong. What the fuck? Ano 'to? Di ko sya mahawakan! Tangina! Amo ba 'to? Bakit ganito? Sinubukan ko uli syang hawakan pero parang hangin lang ang hinahawi ko. Pati ang mga mesa, yung ibang mga tao... lahat... wala akong mahawakan. Shit! Ano 'to? Hallucination na naman? Pero parang hindi...

"May hinihintay nga ako. 'Wag kang magulo!"

Eh? Natigilan ako nang marinig kong magsalita si Percy. Naghihintay?

"Ganun? Sino nama'ng hinihintay mo? Aha! James, mukhang may girlfriend na 'tong isang 'to. Hinihintay dumating!"

Weh? Namumula ang mga pisngi ni Percy nang batukan ang kasama nya. Tuloy tuloy lang ang asaran nila. Naghihintay... Ako ata ang hinihintay nya. Kaloka naman 'tong hallucination ko, grabe! Haba ng hair ko ah! Talaga bang pagpantasyan ang paghihintay sa 'kin ni Percy? Laugh trip na lang ako/

"Katrina?"

Tuloy pa rin ang tawa ko. Okay rin 'tong kung ano mang 'to, ah! Amy direct participation! Kinawayan ko si Percy sabay flying kiss pa. Lalo akong humagalpak ng tawa.

"Katrina? Sino'ng Katrina?" tanong nung James.

Weh? Sino'ng Katrina daw? Lumapit ako kay James, tumayo sa harapan nya at saka nagkakakaway. Weird lang. Alam kong kathang isip ko ang lahat ng to, pero hindi ako pinapansin ng isang 'to. Suplado sya sa personal ha?

"Ah, eh, wala."

Humahagikgik pa rin ako nang tumayo sa upuan si Percy at nagtungo sa tabi ko. "Sunod ka sa 'kin", bulong nya. Sumunod naman ako, ngingiti ngiti lang. First time ko rin kasing magkaganitong hallucination. Ewan ko, pero feeling ko lang nakakaaliw sya.

Sinundan ko pababa si Percy mula sa 2nd floor ng restobar, papalabas sa may tabi ng kalsada. Walang masyadong tao dun nang mga oras na yun. Tumayo lang ako sa tabi nya, nakangiti lang, nagpipigil ng tawa. Hinihintay ko kung ano'ng susunod na mangyayari.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Eh? "Ano'ng 'ano'ng nangyari'? Andito ako. May problema ba? Di ba sabi mo pumunta ako?"

Namutla si Percy sa sinabi ko.

"May nangyari ba sa yo, Katrina?"

Eh? Ano'ng tanong yan? Kaloka ha? "W-ala naman. Basta andun na lang ako sa itaas. Bakit? May problema ba?"

Medyo nawi-weird-ohan na ko sa nangyayari. Medyo namamasa-masa na ang mga mata ni Percy, Pinunasan nya ng kamay ang mga mata nya at huminga nang malalim. "Ano'ng huli mong naaalala?"

Okay... Ang huli kong naaalala...

"Ang huling naaalala ko, papalabas ako ng bahay, tas maraming pusa sa bakuran ni Nanay. Nilapitan ko yung isa tas kinuyog na nila ako..."

Nanlamig ang buong katawan ko at kinilabutan nang marinig ko ang sinabi ko. Napatakip ako ng bibig sa pagkatakot. Ngayon ko lang na-gets ang ibig sabihin ni Percy... Shit! "P...patay na ba ako?!"

Cat CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon