UNO : Tirzo Samanieda

17 0 0
                                    

Si Tirzo Samanieda ay isang simpleng binata lamang. Katulad ng  karamihan, isa rin siyang binata na mabarkada at mahilig sa online games.

Ano nga ba ulit 'yun?.....Ahh LOL (League of Legends),Dota, COC at Mobile Legend.

Sobrang simple diba? Mahilig din siya sa basketball at katulad ng iba 'ball is life' rin para sakanya, napaka-tipikal.

"Tol, ano sama ka mamaya?" Tanong ni Riko, isa sa tropa at palaging kalaro ni Tirzo sa mga online games at basketball. Sa katunayan nga'y nasa covered court sila ngayon ng kanilang subdivision at naglalaro ng Mobile Legend. Kakatapos lamang nilang magbasketball, kaya naisipan nilang maglaro habang nagpapahinga.

"Victory!" Tumawa pa si Tirzo matapos matalo ang kaibigan sa kanilang one on one.

"Ano bayan! Badtrip naman oh. Talo na nga ako sa basketball natin kanina pati pa naman dito? Malas ko ata ngayon," busangot na reklamo ni Riko.

"Di ka malas boi, magaling lang talaga ako." Nang-aalaskang tinawanan nanaman niya ang kaibigan habang tinuturo pa ang mukha nito.

"Paano ba yan? Isang daan sa basketball at wampipti sa Mobile Legend, akin na pusta mo!" Dahil natalo niya ang kaibigan ay wala itong nagawa kundi ang iiling-iling na magbayad.

"Grabe! Sa susunod talaga ay babawian kita, hintayin mo lang," reklamo ni Riko at di parin maalis ang pagkakasimangot "Oh ayan ah ang dami mong kinita sakin! Pumunta ka mamaya ah. Birthday ni Morgan may pa nomnom 'yun panigurado saka may ipapakilala daw siyang chix , baka dun ko na mahanap ang poreber ko boi!" Excited na kwento nito sa kanya.

"Poreber, Psh! Pangbading lang 'yun boi, bading ka ba ha?" Naiiling at nasusuyang tanong niya sa kaibigan.

"Tarantado. Sinong bading? Halikan kita diyan eh," ngumingising sabi nito sakanya at umarteng hahalikan siya.

"Gago," yun lang ang sinabi niya at iniwas ang sarili sa akmang paghalik ng siraulo niyang kaibigan.

"Pero pre, hindi mo ba talaga naitanong sa sarili mo kahit minsan kung 'kailan mo makikita ang para sayo'?" Seryosong tanong nito sakanya.

Naitanong na nga ba niya 'yun sa sarili niya? Sa palagay niya ay 'hindi' dahil....

'Hindi naman ako naniniwala sa pag-ibig, pag-ibig na 'yan. Hindi naman 'yun totoo.

"Anong ka-corny-han ba 'yang pinagsasabi mo riyan? Makauwi na nga baka mamaya bigla mo nalang akong ayain ng kasal dahil sa pagiging hopeless romantiko mo." Tumayo na siya sa inuupang bench sa gilid ng court at tinalikuran ang kaibigan.

"Uy pre! Mamaya ah? Pumunta ka may chix doon panigurado, punta ka ah!" Rinig niyang sigaw ng kaibigan bago siya tuluyang makaalis.

"ANO Trizto? Nambababae ka nanaman? Hindi ka na nahiya sa public place pa talaga? Sa makikita pa talaga ng mga Amiga ko? My gosh Trizto! May pera ka naman bat 'di mo nalang h-in-otel yung kerida mo?! Ano nalang sasabihin satin ng ibang tao--" sigaw ng Mommy niya sa Tatay niyang halatang nakainom at kakauwi lang.

"Pwede ba Brenda!? Pwede bang itikom mo 'yang bibig mo? Wag kang magsalita na parang wala kang kerido! Ang pinagkaibahan lang natin ay mas magaling kang magtago sa mga tao. Wag kang magmalinis--".

Kakauwi lang niya pero ang maabutan niya ay ang mga magulang niyang nagtatalo,  tungkol sa bagay na parehas naman silang mali.

Ito ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi niya naitanong ang bagay na sinabi ng kaibigan niya kanina. Ang dahilan kung bakit hindi siya naniniwala sa salitang 'pag-ibig'_ ang kanyang mga magulang. Paano mo nga naman paniniwalaan ang isang bagay na kahit minsan ay hindi mo naman naramdaman at nakita sa loob ng sarili mong pamamahay?

TIME WARPEDWhere stories live. Discover now