Chapter 2 ( Student Council )

69 4 0
                                    

Kimeko's Point of View

Pagbukas ko ng pintuan ay may lalake pala, nanlaki ang mga mata ko

" Ahhhhhhhh !!! "

" Wag po koya !!!!!! " sigaw ko pa ulit.

" Naku bes ah (: " pabirong sabi ni Christian, kaibigan ko din siya at dito din siya nagpapart time job.

" G.Y ka ngayon ? " tanong ko naman dito

" Oo bes , hapon pa naman pasok ko sa school , o sya jan kana bes papasok na ako " pagpapaalam nito at agad naman akong tumango.

At pumasok na din ako ng cr para umihi.

............

Safe naman akong nakauwi ng bahay sa awa ng Diyos mga 1:30 na din ako nakauwi at magrereview pa ako para sa quiz namin bukas.

........

" Oy Kimeko nakapagreview kaba kagabi ? " tanong ni Jessa habang naglalakad kami sa Hallway papuntang classroom namin.

" Nagreview pero parang walang pumasok " seryusong sagot ko naman na agad naman nyang ikinatawa.

" Anong nakakatawa bes? " nalilitong tanong ko

At nakakainis pa dahil hindi na ito  sumagot , at naglakad pa ng napakabilis.

" Oy Jessa ! " sigaw ko rito pero ni lingon ay wala , vaklang twooo !

Kaya agad akong tumakbo para maabutan ko siya.

*bbbboooooogggssshhhhh*

" Luh sorry po kuya ): " yan kase Kimeko takbo pa.

Dali dali kong pinulot yung librong nalaglag at mga papel, bond paper na parang mga test papers.

At iniabot ito sa kanya.Ohmaygad ang tangkad niya kaya kailangan kong tumingala tapos ampogi pa (: nakakatulo laway at nakakalaglag panty Hahaha

" Ayos lang freshman " mahinahon nitong tugon pero nakakainis yong freshman ah.

Yumuko na lang ako at mabilis na naglakad para habulin ulit si Jessa, maygad nakakahiya yung nangyare tapos freshman pa ang tawag sakin, okay sana kung fresh lang eh (:

Pagkapasok ko ng classroom ay nandun na nga si Jessa at si Gerald, pero syempre nagtabi sila ng upuan para sakin.

Todo review kami habang wala pa si ma'am nang biglang magbukas ang pinto.

" Good morning ,is this FM 3-1? " tanong ng lalaking pumasok.

Maygad ? Kamukha niya yung nabangga ko kanina sa Hallway, naku po lagot na.

Agad namang sumagot ang iba naming kaklase sa kanyang katanungan.

Pilit kong itinatago ang aking mukha sa pamamagitan ng pagtatakip ng panyo at pamaypay.

" Okay may meeting si ma'am Ordonez today so I am here para sa inyong pagsusulit "

" by the way I am Mikael Harry , Vice President of Student Council , Let's start ? "

Wala na nga kaminh nagawa kundi ang magsimula.Habang idinidistribute niya yung mga papers ay todo yuko at takip ako.

" Problema mo ? " nagtatakang tanong ni Jessa

" Huh ? Wala " pagsisinungaling ko at ng makita na malapit na siya amin ay agad akong kinabahan.

Di nagtagal ay may questionairre na sa table ko.

At napansin kong tumingin siya sakin kaya todo yuko ako.

" Freshman ? " nagtatakang tawag nito sakin.

" Ah uhmm Hi " nahihiyang tugon ko.

" 3rd year kana pala (: " nakangiting sabi nito, shet ang pogi talaga.

" Haha oo eh " maikling tugon ko, ayaw pa kase umalis.

" bat parang pinagpapawisan ka , ayos ka lang ba ?" sabay dampi ng likod ng palad niya sa aking noo na ikinagulat ko kaya agad kong iniwas ito.

" Uhmm opo ayos lang ako (: " pilit man ang ngiti ko ay , feeling ko naman naniwala siya sakin.

" Pumunta ka mamaya sa office ng student council " seryusong sabi nito sakin na agad ko namang ikinakaba.

Bakit ? Ano kayang gagawin ko dun? At para matapos na ang pag uusap namin ay tumango na lang ako kahit naguguluhan, baka dahil sa pagkabangga ko sa kanya.

Author: Hi (: Salamat sa votes and comments nakakataba po ng puso (: please don't forget to follow me (:

Wag AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon