“Oh, Kyle. Ayos ka na ba jan?” tanong sakin ni mommy mula sa pintuan. Kyle, which is my second name, ang tawag sa akin ng parents at relative ko.
Nandito na ulit ako sa Pilipinas! Woohoo, sa wakas! At syempre ang una kong ginawa ay inayos yung mga damit ko. Tinutupi at nilalagay ko na sila sa loob ng cabinet nang biglang pumasok si mommy.
“Yes, mom. Ako na ang magaayos ng mga ‘to.” Sagot ko at saka ngumiti.
“Okay. Just tell me if you need something.” Sabi niya at pagkatapos ay sinara na ang pinto.
Haayy… may old room. I’ve lived here for almost 10 years. Dito ako lumaki kaya ngayon ang nostalgic ng feeling. My childhood memories came rushing back.
“Ian! Mahilig ka pala sa mga Shinkansen! Haha Pangarap mo ba magpatakbo nun paglaki??” tanong sakin ni Arianne habang binubusisi yung toy train ko.
Nagpunta dito ang parents ni Arianne pati siya para magdinner samin. Katatapos lang namin kumain at ang mga parents namin ay nagkukwentuhan sa baba kaya naman niyaya ko si Arianne dito sa kwarto slash playroom ko. Hindi nga ‘to mukhang kwarto eh, mas mukha siyang playroom. Playroom na nilagyan ng kama at punong-puno ng mga laruan. Binomba nila ako ng mga laruan kasi yun lang ang kaya nilang ibigay dahil lagi silang wala dahil sa business namin. Material things. Tss.
“Uh… Anong Shinkansen?” tanong ko sa kanya.
“Shinkansen means train in Japanese! Haha Gusto mong maging operator nito paglaki??”
“Hmm… Hindi naman. Gusto ko maging businessman paglaki katulad ni Dad. Natutuwa lang kasi ako sa itsura ng mga train tapos ang bilis pa. Tignan mo oh!” Tapos pinindot ko yung button sa toy train at umandar ito sa may pinagdugtong ko na mga riles.
*CHUG CHUG CHUG*
Tinitigan ko ang mukha niya na amaze na amaze. Kakaiba talaga siya kesa sa ibang mga babae. Ewan ko ba, may kakaiba akong nararamdaman pag kasama ko siya.
Dug dug. Dug dug. Dug dug.
Haist! Ayoko na nga. >___>
Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya at naisip kong iligpit nalang yung ibang nakakalat na mga laruan.
Pinulot ko yung toy airplane na nakakalat sa sahig. Puro ganito yung mga laruan ko, mga vehicles like cars, trains, ships, trucks and planes at puro Hot Wheels at Ferarri ang tatak.
Pinulot ko ito nang biglang inagaw sakin ni Arianne yung laruang eroplano.
“Wow, airplane! Gusto kong sumakay dito someday!” sabi niya at bakas sa mukha niya ang tuwa.
“Ahh ganun ba? Oh Sige isasama kita kapag nagtravel ako balang araw.”
“Talaga?? Ang galing! Yun kaya ang number one dream ko, ang makasakay sa eroplano at makapagtravel sa iba’t-ibang bansa.”
“Oo naman, basta para sayo. Magiging masaya talaga ako basta ikaw ang kasama ko.”
“Ang bait mo talaga. Kaya love kita eh!” Sabi niya kaya naman biglang namula yung mukha ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Maya-maya nagsalita na din siya kaya naman nailigtas ako sa kahihiyan.
“Haha! Joke lang noh! Ikaw naman hindi ka mabiro hahaha”
Kaso lang nakaramdam ako ng medyo kirot sa puso ko nung narinig ko yung sinabi niya. Parang at the same time hinihiling ko din na sana….. Sana…… Totoo na lang yung sinabi niya. Sana hindi na lang niya sinabi na joke yun.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero bigla na lang akong dinala ng mga paa ko sa tapat ng cabinet ko. Binuksan ko yun at tumambad sakin ang mga nakatambak na laruan kaya naman naisip kong ayusin ito at ilagay sa maayos na lalagyan. Ganito talaga ako eh, masinop sa gamit. Sabi nga nung mga kaibigan ko dati, para daw akong babae kasi nga mahilig akong maglinis at masinop ako sa gamit. Ayoko kasi nung makalat kasi ang sakit sa mata tignan.
Ayun nga, kumuha ako ng malaking kahon na sapat sa lahat ng mga laruan. Ito yung mga laruan ko nung bata pa ako. May mga toy train, cars, airplane, robot, cartoon figure, maliit na bola, toy soldier at marami pang iba! Assorted nga eh. Hahaha Nung bata kasi ako binubusog nila ako sa material things. Kaso ngayon parang wala na itong pakinabang.
Habang nilalagay ko yung mga laruan sa kahon, may isang laruan na nakaagaw ng aking pansin. Hindi ko alam kung bakit pero may pilit inaalala ang isip ko. Parang sa tuwing makikita ko yung laruan na ‘to, may naalala akong good memories.
A toy airplane.
Si Arianne ang una kong naalala at ang pangarap niya dati na makasakay dito. I wonder if she already reached that dream??
Dati gustong-gusto ko din sumakay sa eroplano kasama siya. Kaso sa tingin ko hindi na mangyayari yun.
Hay… tama na nga! Ilang taon na ang lumipas pero ang lakas pa rin ng impact niya sakin. That’s because she became a part of my childhood.
Inilagay ko na yung toy airplane dun sa kahon. I think I need to let go my memories of her.
Naisip ko na i-donate na lang itong box ng mga laruan sa isang charity. Oh di ba, nakapagpasaya na nga ako ng mga bata, nakamove-on pa ako.
Pagkatapos kong maglipit sa kwarto, naisip kong mamasyal muna sa labas at magpahangin.
Haayy… Namiss ko yung simoy ng hangin dito sa subdivision namin ah! Malinis ang daan, maraming puno sa paligid, at wala din masyadong polusyon.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa park ng subdivision namin. Una kong napansin yung fountain sa gitna.
Naalala ko na naman…..
Yung mga panahon na lagi kaming nagkikita dito ni Arianne sa may fountain para maglaro. Katapat lang kasi nitong park yung bahay nila.
Speaking of?? Oo nga noh, malapit lang pala dito yung bahay nila. Dito pa rin kaya sila nakatira?
At dahil nga katapat lang nung park yung bahay nila, lumingon lang ako sa may kanan ko at natanaw ko na yung bahay nila.
Yung malaking bahay na kulay pitch, at may kulay green na gate. Lalapit ba ako??
Napasulyap ako sa may bintana sa second floor.
O___O
Nagulat ako ng may nakita akong isang babae na mahaba ang buhok na nakasilip sa may kurtina. T-teka… M-multo ba yun?!
Ay, hindi ata. Nung narealize ata nung babae na nakatingin ako sa kanya, bigla niyang sinara ulit yung kurtina. Tinataguan niya ba ako? Hindi ko siya masyadong mamukhaan kasi medyo malayo eh. Pero alam kong babae yun kasi mahaba yung buhok at mukhang nakadress ata siya.
Bigla kong naalala, bahay nga pala yun nila Arianne. Hindi kaya---??
Sino pa ba ang babae sa kanila? Ang pagkakaalam ko ay only child lang siya. Hindi kaya….. si Arianne yun?
Hindi eh. Imposibleng mangyari yun. Bakit naman niya ako pagmamasdan mula dun sa bintana??
Pero….
Hindi din naman malabong mangyari yun dahil sa pagkakaalam ko, bintana yun ng kwarto ni Arianne.
-----
A/N: Idededicate ko lahat ng chapter ng oneshot story na 'to kay DyosangMakulit26 <3 Para sayo naman to eh kasi tayo ang may deal haha Pabasa na din ako nung sayo ^O^
Anyway, sorry for the short update :)
BINABASA MO ANG
Say You'll Never Go (Christmas story)
Teen Fiction[ONGOING STORY] Date started: December 24, 2014 Date ended: -----