The Reason

28 4 5
                                    

Kean’s POV (USA)

Nandito kami ngayon sa Starbucks ng mga kaibigan ko. Nagpapainit muna kami dito habang umiinom ng kape kasi halos magyelo na ang buong katawan namin dun sa labas.

“Hey, Ian! Can I borrow your jacket?” tanong ni Mia.

“I can’t do that. I will die of coldness.” Sagot ko. Totoo naman eh. Ungentleman na kung ungentleman. Pero kapag binigay ko kasi yung jacket ko sa kanya, ako naman ang lalamigin. Atsaka isa pa kanina kasi bago umalis, pinaalala ko sa kanila na magdala ng jacket. Kaso hindi nila ko pinakinggan at ang sabi nila, ang baduy daw tignan kapag nakadress tapos jacket. Haist. Pano ba naman, ang lamig lamig tapos nakacocktail dress?! Tss. Kaya magtiis sila ngayon.

Nagpout na lang si Mia at ininom ang kanyang frappe.

“Ian, are you sure you’re gonna spend your Christmas in the Philippines?” tanong ni Ivan na isa sa mga naging unang kaibigan ko dito sa States.

Gusto ko din sanang dito magChristmas eh, kasi merong White Christmas. Ang saya kaya maglaro sa snow! Kaso sabi ni mom, magbakasyon naman daw ako sa Pinas since matagal na akong hindi nakakapunta dun.

“Yes. My decision is fixed.” I answered.

“Are you sure you’ll be okay?” Tanong ni Chris.

“Yup, don’t worry.”

Grabe, mamimiss ko din ‘tong mga ‘to! Sila ang nandiyan sa tabi ko nung mga oras na depressed at miserable ako. Pero siyempre, hindi ko naman pwedeng talikuran yung pinagmulan ko. Kaya bibisita ako sa Pinas kahit mga 3-4 weeks lang.

*FLASHBACK*

Nandito kami ngayon ni Arianne sa bahay nila at nagbabake ng mga cupcakes na ipamimigay sa mga kaibigan namin dahil Christmas season na. Ang bakla ko nga dito sa suot kong strawberry-printed apron eh, pero okay lang yan kasi kahit anong kahihiyan gagawin ko para kay Arianne.

“Ano kaya sa tingin mo ang flavor na magugustuhan ni CJ??” tanong ni Arianne.

Si CJ ang bestfriend ko. Nickname niya lang yung CJ pero ang pangalan niya ay Clark Justine. Nahihirapan daw kasi si Arianne na ipronounce yung letter ‘R’ sa Clark kaya naisip niya na CJ nalang ang itawag sa kanya. Kaso feeling ko nalalayo na yung loob ko kay CJ. Nalaman ko kasi na siya yung first love ni Arianne. Kaso pinagaan naman ni Arianne yung loob ko nung sinabi niya na ‘DATI’ lang daw yun, ngayon hindi na. Hay… kaso nag-aalala pa rin ako eh. Ayon nga sa kasabihan, “first love never dies.” ARGH!! Erase! Erase! Ayoko nang isipin pa yung kasabihan na yun. -_-

“Uhm… Sa tingin ko magugustuhan niya yung chocolate.” Sagot ko.

“Ahh…Okay! Salamat sa suggestion!” sabi ni Arianne sabay ngiti.

Bumalik na ako sa ginagawa kong cupcake. Nilagyan ko ito ng Cookies n’ Cream flavored Krimstix bilang toppings. Yum yum! Panigurado akong magugustuhan ito ng kung sino man ang makakatanggap nito. Pogi kasi gumawa eh. Hahahahaha

Nagulat na lang ako nang biglang pinunasan ni Arianne gamit ang tissue yung gilid ng labi ko.

“Hala! Para kang bata! Hahaha May Krimstix ka pa sa muka oh…hahaha” sabi niya at saka ngumiti.

Well, bata pa naman talaga kami ah! 9 years old pa lang kami noh! Pero ngayon ko lang napagtanto… Oo nga mukha akong batang yagit sa itsura ko! Hahaha

Habang pinupunasan ni Arianne yung Krimstix sa mukha ko, tinitigan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Grabe, ang ganda niya talaga! Tapos ang bait pa.

“Oh ayan wala nang dumi! Hahaha Kanino mo ba balak ibigay yang cupcake na yan?” tanong niya.

Gusto niyo bang malaman kung ano si Arianne sa buhay ko? Well, she’s a special friend. A very special friend to the point that I want us to be more than that. Sana nga kami ang magkatuluyan in the future! Simple lang ang dahilan kung bakit kami ang dapat magkatuluyan, yun ay dahil meant to be kami. Hahaha Ang gandang dahilan noh?? Pero seryoso, kung ayaw niyong maniwala, bibigyan ko kayo ng mga patunay na meant to be kami. Unang-una, childhood friends kami at malapit na magkaibigan yung parents namin. Pangalawa, pareho kaming mahilig sa aso. Pangatlo, pareho kaming mahilig sa Doraemon. Pangapat, simula kinder parehas na kami ng pinapasukang school hanggang ngayon. Panglima, parehas din kami ng mga kaibigan kaya nagkakasundo talaga kami. At eto pang malupit, parehas din kami ng nickname na Ian. Yun nga lang, Ianne yung spelling nung kanya pero ganun pa rin naman ang pronunciation. Hahaha!

Say You'll Never Go (Christmas story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon