knock ..knock.. knock..
" Housekeeping.."sigaw ko habang kumakatok .
" Housekeeping make up room ".ulit ko na di rin nagtagal at may nagbukas.
" Good evening Ma'am ! ".masaya kong bati habang nakangiti.
" Hi darling ..can you wait atleast 5mins.?". mabait nyang bungad saakin.
" Sure ma'am no worries ".sagot ko .
Pagkaalis nila ay inumpisahan ko na ang pag lilinis.
Isa isa kong pinulot ang mga used towels, mga balat ng chichirya at cans .inayos ang beddings at tiniklop ang mga damit na nagkalat .nag punas punas at isinara ang kurtina , saka ako nag vacuum .saka ko sinunod ang cr .
Nang matapos ako ay nag ispray ako ng air freshener bilang finishing ng paglilinis para mabango pagpasok ng mga guest.
Yan ang trabaho ko, mahirap sa una oo pero sanayan lang din .sa loob ng 2taon ko dito sa Canada isa lang ito sa mga trabaho ko. oo , i have a work not only one , not two , but three .ganon ka hectic ang sched ko .enjoy naman ako dahil bukod sa nakakaipon ako , nakakapundar na ko , at nakakatulong din ako sa pamilya ko .
Tulak tulak ko ang cart habang pabalik sa Quarters namin .
Bago ako nakapasok dito sa hotel ay pagiging cashier muna ang una kong naging trabaho sa isang minimart malapit lang sa tinutuluyan kong apartment.
Hindi nag tagal ay nakapasok din ako bilang service crew sa isang Café.
At eto nga , Housekeeper sa isang malaki at sikat na hotel kung saan isa't kalahating taon na akong nagtatrabaho .
Dito kasi sa Canada bawat araw, oras at minuto ay may halaga .oras ang binabayaran nila dito kaya naman walang dapat masayang na oras .yun ang dahilan kung bakit tatlo ang trabaho ko .
Masasabi ko namang swerte ako sa mga pinasukan ko dahil mababait ang natapat na mga kasama ko .may ilang Pilipino rin akong kasama kaya naman hindi ako nahirapang mag adjust.
Pagkadating ko sa tapat ng Quarters ay itinabi ko muna sa gilid ng kwarto ang cart saka ako pumasok.
" Bilis ahh." sabi ni Angie pagpasok ko.
" Syempre , ako pa ba?" sagot ko habang naglalakad papunta sa sofa .oo ,meron kami nyan dito .sosyal kaya tong hotel na to .
" Buti naman ,nga pala baks narinig mo na ba ang chismis ?."
" Hindi pa , ano ba yon?"
" Well , narinig ko lang naman na dadating ang Big Boss natin".
" Talaga ba ?bakit daw ?".tanong ko na parang wala lang .
Simula't sapul kasi nag pumasok ako dito ay hindi ko pa siya nakita ni minsan .basta ang alam ko ay may kaedaran na siya .
Hindi rin madalas mapag usapan dito ang tungkol sa kanya dahil wala ni isa man saaming department ang may alam ng tungkol sakanya
" Hindi ko din knows baks e , mahina ang radar ko ngayon at nag away kami ni jowa."sagot niya nang biglang mag ring ang telepono.
kring .. kring ..
" Housekeeping department how may i help you .?."sinagot ni Angie ang tawag .
" Yes ma'am .."
"Ok po ". nakikinig lang ako sakanya nang bumaling sya at sumenyas saakin saka tinapos ang tawag .