CHAPTER 2

8 0 0
                                    


4:25 am

Pagpasok ko palang ay agad akong dumiretso sa desk ng laptop ko para buksan ito .maya maya lang ay tumatawag na nga siya ...

Agad kong sinagot ang videocall nya at bumungad na nga ang maamo nyang mukha ..

"hi babe , i miss you.."

Nakita ko na naman ang malungkot nyang mata habang nakatingin saakin at sinasabi ang mga katagang iyon .

"i miss you too."

"how's your day ?madami bang guest ngayon?".

"uhm ..nakakapagod as usual ,oo madami kaya feeling ko sobrang bugbog yung katawan ko ". pilit kong pinasisigla ang pagkekwento kahit na antok na antok na ko .

" i wish i'm with you right now ..sobra gusto na kitang makasama ulit ".

" ako din naman ,kaya lang syempre alam mo naman ang dahilan ko diba ?".

" Babe uwi kana please ? ..kaya ko naman ibigay yung needs mo eh , just be with me please babe ? i think two years is enough".

Eto na naman po kami ..
sa araw-araw na pag uusap namin hindi pwedeng hindi nya banggitin ang mga bagay na yan .Una palang ayaw na niya kong paalisin para magtrabaho sa ibang bansa .

Pero matigas ang ulo ko .at masyadong tiwala sa sarili ko kaya tumuloy ako .nag tampo siya nung una pero wala naring magawa kaya pumayag na din ..

Ewan ko ba pero masyado siyang paranoid .gaya nga ng sabi ko , seloso sya
pero dahil nagtagal ako dito na walang ginagawang maaaring makasira sa amin at wala din naman akong balak na ganon ay naging kampante na rin sya .ng konte .

" babe i know ..but please give me more time ..ayoko namang i-asa sayo lahat kung kaya ko naman diba ? dadating din tayo jan ok ?".

pag papagaan ko ng loob sakanya .sa huli ay wala din siyang nagawa at nagkwento lang ng ilang sandali bago tinapos ang tawag .

Ako naman ay naglinis muna ng katawan bago matulog .

KINABUKASAN ..

ahhhh .. umaga na naman ,
ilang oras nalang kaylangan ko na namang pumasok .bumangon ako para mag hilamos at mag timpla ng kape .
dumiretso ako sa maliit na veranda.

dito ako madalas nakaupo para magkape .makikita mula dito ang mga sasakyang sunod sunod na dumaraan .nag tataasang mga building .

Malamig ngayon dahil pasapit na ang winter kaya naman feel na feel ko talagang magkape .

Kriing ..kringg

sumisimsim ako ng kape nang biglang tumunog ang telepono ko .

" hello?".sagot ko .

" Hello Belle, this is Clyde .can you come here early as you can ?i just want to discuss something important ."

" sure sir no problem , is that all sir ?".

" yeah ' thats all thankyou ".

nagtaka naman ako kung bakit biglang nag patawag ng meeting si sir Clyde.ano naman kayang importanteng sasabihin nya ? parang panay ata ang meeting ngayon ah . kagabi lang sa hotel, ngayon naman sa café ? hmmm..

At dahil kaylangan kong pumasok ng maaga ngayon ay sinimulan ko na ang everyday routine ko bago pumasok sa trabaho .naglinis muna ako .pero bago yon , nag online muna ko .

Hindi naman kalakihan ang unit ko .
pagpasok mo ng pinto ay may maliit na cr sa kanan , shoerack sa kaliwa na may ilang sabitan ng gamit sa gilid .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I AM HIS Where stories live. Discover now