fourty-seven

68 2 0
                                        

Seth's POV
Umaga na naman at nandito na naman ang mga kaibigan ni Monique, maya't-maya lang nagising siya kahapon pa naming hinihintay na gumising siya pero ngayon lang talaga kaya lumabas si Nyx para tumawag ng doctor para sabihing gising na siya.

Sandali siyang napatingin sa paligid at pawang inaalala ang nangyari.

"Kring?" Itzel.

"Kuya? Si Sean?" bungad niya kaagad sa akin, sa tingin ko mabilis niyang naalala ang nangyari.

"Ayos lang siya Monique, nasa kabilang room lang naman," sagot ko at nagpakita ng pilit na ngiti para naman medyo huwag na siyang mag-alala.

"Gusto ko po siyang makita," mahinang ani niya.

"Teka Kring hindi ka pa puwedeng tumayo diyan," Itzel.

"Kring gusto ko siyang makita," Monique, napahinga nalang ako ng malalim.

"Monique, it's better for you to go there kung okay kana," ani ko.

"Kuya wala naman akong nararamdaman, sugat lang 'to at ayos lang din ako," sagot naman niya.

"Ayos lang po ako Kuya," wika pa niya.

"No Monique-"

Dumating ang Doktor That's why tumabi kami, ni-check ng doktor ang heart beat niya.

"May nararamdaman ka ba hija?" tanong pa nito.

"Wala naman po Doc," napatingin siya sa direksyon ko.

"So far nagtamo ka lang naman ng mga sugat sa katawan-"

"Ah Doctor isi-ct scan pa po ba siya?" tanong ko kaagad.

"Ahh yes mas mabuting kumain muna siya para pagkatapos ay diretso na tayo," sagot ni Doc.

"Okay Thank you," ani ko, tumango lang si Doc saka tumalikod na.

Tumunog naman ang cellphone ko at nang makita kong si Mommy iyon ay lumabas ako.

"Hello Mom?" tanong ko.

"Anak nasan ka? nakalapag na kami Nak bakit pala hindi ko pa rin matawagan ang dalawa?" tanong ni Mommy.

"Mom pasyensya na hindi ko kayo masusundo, tapos hindi sila matawagan dahil iniiwasan naming magkaroon sila ng contact sa iba, doon nalang kayo dumiretso sa bahay ni Tita Helen, nandoon si Sakura," wika ko.

"Nasan silang dalawa?" tanong niya, napalunok laway nalang ako.

"A-ah nandito sa office ko, nagmeeting kami about our plans," pagsisinungaling ko na lamang.

"Can i talk to Tito?" tanong ko.

"Sure here is he."

"Yes Seth?"

"Tito punta ka po dito sa office ko."

"Okay."

"May cellphone ka Tito?"

"Ahh yes hindi ko lang ginagamit dahil ayokong magkaroon ng contact sa ibang tao," sagot niya.

"Okay so text ko nalang sa'yo ang address."

Binigay niya sa'kin ang number niya at pagkatapos ng tawag ay mabilis kong ni-save ang number niya.

Ilang minuto lang ay nagtext siya sa'kin kaya tinawagan ko.

"Hello tito?"

"Anong address hijo?"

"Tito? ayaw ko po kasing ma-stress si Mommy kaya sa'yo ko nalang sasabihin-"

Mobster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon