CHAPTER 13

227 9 1
                                    

[ Maddison's P.O.V ]


Sinamahan ko sila kuya sa airport dahil ayaw nya kong tigilin kaka-kulit hanggat hindi ako pumapayag na ihatid ko sila.

" Bye kuya kahit huwag ka na palang bumalik okay lang sakin! "

" Mamimiss mo lang ako, oh baka naman maiyak ka pa dyan ha! "

" Ewan ko sayo umalis ka na nga maiwan ka pa ng eroplano magtagal ka pa dito. "

" Mag iingat ka ha? Bawal muna boyfriend! "

" Tatanda akong dalaga! " nagpaalam na ako kay kuya at ate abby. Baka naman sa susunod na balik nila dito eh ikakasal na sila ha.

Nang makaalis na sila dumaan muna ako sa Cafe bago dumalik sa sasakyan namin

" Hey! "

" Sorry hindi ko sinasadya " bigla syang sumulpot sa harapan ko kaya medyo natapunan ko sya ng latte

" What? " bingi ba sya?

" English kapa dyan! Bahala ka nga ako na nga nag sorry sayo kahit ikaw tong biglang sumusulpot. Dapat nga ikaw ang mag sorry dyan! " nangiti sya bigla may nakakatuwa ba sa sinabi ko?

" I can't understand you "

" Intindihin mo, nasa pilipinas ka kaya mag tagalog ka wala akong balak mag translate ng sinasabi para sayo! " tumalikod ako at umalis. Kainis sorry lang naman ah, mahirap bang sabihin yon?


[ Jason's P.O.V ]


Late na kong nakarating ng airport para sunduin si Ren, half-brother ko sya matanda lang ako sa kanya ng ilang buwan.

" Problema mo? Bakit tawa ka ng tawa nalipasan ka na ba ng gutom? "

" May nakausap kasi ako kanina akala nya hindi ako marunong mag tagalong tapos ayon-- HAHAHAHA! " baliw yata talaga to.

" Babae yan no? " ganyan naman si Ren, pag babae malakas ang trip

" Oo, HAHAHA Nabadtrip eh "

" Kadadating mo lang dito sa pinas may nakahanap kana agad. "

" Ganon talaga. Ano kayang pangalan non sayang hindi ko naitanong "

" Gutom lang yan Ren, tara na nga kumain na tayo "


[ Maddison's P.O.V ]


" Wala na ba kayong ibang makakain dito? " reklamo ni Raine habang tinitignan yung laman ng ref

" Wala na kinain na ni kuya lahat kagabi. "

" Nag-aalala na talaga ako kay Jusryll. " pag-iiba nya ng usapan. Ilang araw na din simula nung nawala si Jusryll hindi naman nya sinasagot yung mga tawag namin

" Wala parin daw bang balita sabi ni Daniel "

" Wala e, nakapatay parin daw yung phone ni Jusryll "

" Ano naman kayang pumasok sa isip ni Jusryll at hindi parin sya umuuwi "

" Let's just hope that nothing bad happen to her. " napansin kong tingin ng tingin si Raine sa phone nya

" Hey answer your phone, mukang kanina pa may tawag ng tawag sayo. "

" I'm sorry Maddison, gusto ko pa sanang mag stay dito kaso ayaw akong tigilan netong si Mark eh "

Suddenly It's Magic [Book 1] (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon